Aljur Abrenica says his relationship with Kris Bernal is still in the "courting stage"

"Talagang sa ngayon, we're very good friends. Talagang magkaibigan pa lang po kami. Hindi pa po kami nakakarating doon. Sinabi ko nga po nanliligaw. Oo, nanliligaw po ako," says Aljur Abrenica about the status of his relationship with leading lady Kris Bernal.


Aminado si Aljur Abrenica na ang All My Life, ang teleseryeng pinagbibidahan nila ng ka-loveteam niyang si Kris Bernal, ang biggest project nila so far na ipinagkatiwala sa kanila ng GMA-7, lalo na nga't sa primetime ito ipalalabas starting June 29 bago mag-24 Oras.

Palaki nang palaki ang mga projects nina Aljur at Kris dahil na rin sa sunud-sunod na tagumpay na tinatamasa ng kanilang loveteam, especially ang record-breaking success sa ratings ng pinagbidahan nilang panghapong drama na Dapat Ka Bang Mahalin?, na nagtapos na last June 19. Ngayon nga ay nasundan ito agad ng mas malaking teleserye sa primetime, All My Life.

Sa presscon ng All My Life na ginanap kagabi, June 23, sa Studio 5 ng GMA Network Center, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aljur kung hindi ba siya nalulula sa tinatamasa nilang tagumpay at kasikatan ni Kris?

"Nalulula, pero kailangan tanggalin ko po yun. Kasi kailangan mag-stay focus po talaga ako and always put your feet on the ground. Lagi ngang sinasabi, always be humble. Kasi posibleng mangyari lahat, e. Posibleng lumaki ang ulo ko. Pero iniiwasan ko po talaga lahat. Kung paano n'yo ako nakilala, ganun pa rin po ako hanggang ngayon," pahayag ni Aljur.

INVADING THE PRIMETIME TIMESLOT. Ayon pa sa young actor, mas may pressure at mas challenging daw ngayon ang All My Life dahil nga sa primetime ito ipalalabas.

"May pressure po noon na panghapon kami, pero mas challenging po itong All My Life kasi primetime ito, e. Lahat dito nakakapanood, mapa-bata, matanda, dalaga, may asawa."

Ano ang ginawa niyang preparation sa pagharap sa mas challenging na role sa All My Life?

"Mentally po lahat ng natutunan ko, ginamit ko dito. Nag-aaral ako ng script. Nag-workshop po kami. Physically, required ako na magpaganda ng katawan dito. So, abangan n'yo na mag-build ako dito dahil seryoso na talaga ako. Lahat po ng natutunan ko mula Zaido, sa Boys Nxt Door, dala-dala ko po sa primetime. Siyempre pati sa Dyesebel, Luna Mystika, and Dapat Ka Bang Mahalin?.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang mga natutunan niya?

"Iba't ibang skills po, like yung sa Zaido, more on action. Itong Dyesebel, heavy drama po ito, e, lahat ng mga techniques. Pero dito [All My Life], kinuha ko po talaga sa character po. Every day binabasa po talaga namin yung script, kasi magmula sa pagkabata po, e, hanggang tumanda po. So, hindi po siya talaga ganung kadali kaya kailangan po talagang pag-aralan yung script."

Mas kumportable na ba siya ngayon sa drama?

"Hindi po ganun kakumportable. Inaaral ko pa rin po. Pero I will try my best to give the demands of the show," sagot ni Aljur.

Ano ang mas bagong mapapanood sa All My Life?

"Mas bago dito yung mas kikiligin ang mga kabataan. Hindi lang mga kabataan kundi yung mga may asawa at saka yung may maliit na bulilit na mga bata."

Mas marami ba silang kissing scenes at love scenes ngayon ni Kris dito?

"Dito po hindi naman ganun masyado, pero meron din po. Iba ang dating ng kissing scenes dito. Iba ang dating ng mga harutan, batuhan ng mga linya," aniya.

ALJUR-KRIS VS. KIM-GERALD. Bilang hottest young loveteam ngayon ng GMA-7 sina Aljur at Kris, napi-feel ba ng young actor yung pressure na itinatapat ang loveteam nila sa hottest young loveteam naman ng ABS-CBN na sina Kim Chiu at Gerald Anderson?

"Siyempre, naiisip ko na rin po yun," pag-amin ni Aljur.

Pero kakayanin ba nilang tumapat?

"Siyempre kaya po namin ni Kris. Wala naman pong imposible, e," buo ang loob na sabi ni Aljur.

Kung sina Kim at Gerald ay umamin nang nasa stage of mutual understanding na ang relationship nila, kailan naman nila aaminin ni Kris ang totoo tungkol sa kanila?

"Talagang sa ngayon, we're very good friends. Talagang magkaibigan pa lang po kami. Hindi pa po kami nakakarating doon. Sinabi ko nga po nanliligaw. Oo, nanliligaw po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan siya nag-start manligaw kay Kris?

"Before Dapat...," sagot niya.

Masyado yata siyang malihim tungkol sa relationship nila?

"Hindi po kasi ako outspoken, e. Tahimik lang po akong tao. Ang tao po kasi hindi alam kung kailan gumagawa ng desisyon emotionally. Pero pag dumating yung time na yun... Sinabi ko po sa sarili ko na after StarStruck, time nang manligaw ako ulit," paliwanag niya.

COURTING KRIS. Ano ang nagtulak sa kanya para ligawan ulit si Kris after nilang magkaroon ng misundertanding noon about their relationship noong StarStruck days nila?

"Kasi po kay Kris Bernal, wala ka nang hahanapin pa, e. Lahat nasa kanya na po. Marami ngang lalaki ang naiinggit sa akin. Masaya ako kapag kasama siya sa trabaho every day."

Marami ba ang mga lalaking nanliligaw kay Kris?

"Opo, marami pong nanliligaw sa kanya. Hindi ko na lang po babanggitin ang mga pangalan nila."

Bilang manliligaw ni Kris, ano na ang mga regalong naibigay niya sa dalaga?

"More on sa pagkain ako, e. Hindi ako sa materyal na mga bagay. Pero binigyan ko po siya ng locket nung birthday niya."

Ngayong inamin niya na ang panliligaw kay Kris, ibig bang sabihin nito hindi na siya puwedeng makipag-date sa iba?

"Hindi naman sa hindi puwede. Pero hindi naman po maiiwasan, e. Sa showbiz po kasi may nali-link sa iyo na hindi naman totoo. Kaya minsan masakit isipin na may mga lumalabas na ganyan na wala namang katotohanan."

Ano ang comment niya na nagseselos talaga si Kris sa mga babaeng nali-link sa kanya? At ayon kay Kris, ito rin daw ang dahilan ng kanilang tampuhan minsan.

"Siyempre, may halong emosyon na natutuwa, na naaasar. Natutuwa kasi alam ko na totoo na love niya talaga ako. Naaasar kasi bakit kailangan niya pang magselos, e, alam naman niya kung ano yung totoo? Kasi the more na nangyayari yung mga ganyan, kailangan na mas patunayan ko sa kanya na ganito... na hindi naman talaga maiwasan na may nali-link sa iyo na hindi naman totoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya nilalambing si Kris sa tuwing magseselos ito?

"Madalas po dinadalhan ko po iyan ng pagkain, ng mga paborito niya."

May pag-asa bang mapasagot niya si Kris?

"Hindi ko po siya pine-pressure. Ang number one po kasi sa amin ngayon, trabaho talaga."

Kailangan pa ba niyang maghintay sa sagot ni Kris, e, halata rin namang mahal siya ng dalaga?

"Siya po ang makakasagot niyan. Hanggang ngayon po kasi hindi niya pa ako sinasagot," pagtatapos ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN