Mo Twister defends Vicki Belo and Hayden Kho against critics

"I speak to him [Hayden] regularly. Kinakausap ko siya. Kinakausap ko rin si Vicki. You know, Hayden really loves Vicki. It's just, I think, losing her is more his fear than losing this case if ever that would happen. I think he loves Vicki so much that the number one thing he doesn't want is for her to get hurt also," says Mo Twister about his friends Hayden Kho and Dra. Vicki Belo.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mo Twister pagkatapos ng secod anniversary presentation ng Showbiz Central noong Linggo, June 21. Isa sa mga host ng naturang showbiz talk show si Mo, along with Pia Guanio, John "Sweet" Lapus, Raymond Gutierrez, and Rufa Mae Quinto.

Nagbiro si Mo na he loves everybody on the show, especially Rufa Mae, na nakaalitan niya recently. Pero last Sunday ay natuwa na rin si Mo dahil na nakapag-hi naman daw sila sa isa't isa ng co-host niya.

"We're slowly getting there. We don't kiss and hug yet, but eventually one day," sabi niya.

Hindi ba mahirap yung situation nila ni Rufa Mae na pareho silang hosts ng isang talk show, and yet alam ng lahat na hindi pa rin ganoon ka-smooth ang relationship nila?

"Not really. I'm used to it. People being angry at me. I manage. But you know, she's a good girl. I guess, we just got up in a wrong issue. And it has nothing to do with us right now, di ba?" sagot ni Mo.

Gusto niya pa rin bang maging kaibigan si Rufa Mae?

"Yeah, I enjoy Ruffa Mae very much. She's very funny, she's a very good friend. That's what she is. I don't say she's a good friend of mine, she's a good friend to people and that's a very good quality about her. Sana one day, magiging close ulit kami. Pero you know, I don't know, it's up to her."

Hindi ba siya nanghinayang na naayos na noong una ang isyu sa pagitan nila, pero ngayon ay bumalik na naman ito sa dati?

"Well, you know, we're like a married couple, Peach and I. So, hopefully one day, magiging okey ulit," sambit niya.

VICKI & HAYDEN. Kung babalikan ang naging gap nilang dalawa ni Rufa Mae, nagsimula ito nang mag-guest si Dra. Vicki Belo sa segment ni Mo sa Showbiz Central na "Gimme Mo." Kasama sa itinanong ni Mo kay Dra. Belo ang pagkaka-link diumano nina Rufa Mae at ex-boyfriend ng doktora na si Hayden Kho. Hindi ito nagustuhan ni Rufa Mae, na noong panahong yun ay nasa ibang bansa. (Click here to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malayo na ang narating ng isyung ito. Napunta na ito sa pagkalat ng sex videos ni Hayden, at kaliwa't kanan na rin ang legal complaints laban dito at kay Dra. Belo.

Ano ang masasabi ni Mo rito since alam ng marami na pareho niyang matalik na kaibigan sina Dra. Belo at Hayden?

"Well, you know, it is very hard in public to say that you support Hayden because everybody will go, 'Oh, you know, you're supporting Hayden!' But, you know, I really do support him. He made a mistake like anyone us do. He did something that a lot of guys will do. It just so happen na siyempre, high-profile people are involved. But, you know, the most recent video that came out last week, you can say that the girl was very much aware what's going on," sabi ni Mo.

Hindi itinanggi ni Mo na napanood niya ang mga kumakalat na sex videos ng kaibigan.

"But, you know, I speak to him [Hayden] regularly. Kinakausap ko siya. Kinakausap ko rin si Vicki. You know, Hayden really loves Vicki. It's just, I think, losing her is more his fear than losing this case if ever that would happen. I think he loves Vicki so much that the number one thing he doesn't want is for her to get hurt also."

Damay na si Dra. Vicki sa reklamong isinampa ni Katrina Halili. May mga nag-iisip na ang doctor to the stars ang posibleng nag-orchestrate ng pagpapakalat ng sex videos ni Hayden. Ano ang masasabi ni Mo rito?

"Vicki is by-the-book person that I know. Sobrang by-the-book siya. She doesn't owe money to people. Hindi siya nanghihiram. Hindi siya nagagalit. Wala siyang mga masamang ugali sa personality niya. I think, this is something that would pass, you know.

"A lot of people get jealous with Vicki Belo. A lot of people are trying to exploit her money, whether it's her friends or partner. People always try to get the upper hand. I think it's because she's very nice to everyone and I think it's just something just like that. Something that gets her in trouble," pagtatanggol ni Mo sa kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi niya ba na walang kinalaman si Dra. Belo sa lahat ng kontrobersiya ngayon na nag-ugat sa pagkaka-upload ng sex videos sa Internet?

"Honestly, I cannot say 100 percent. But I can say 99 percent I believe Vicki has not done anything wrong. I think she's a very good person. Siyempre, hindi ko masasabi na 100 percent, kasi hindi ako kasama sa situation. But I'm just giving my opinion from what I know about Vicki. She's probably [one of] the best people. Confident ako na okey siya."

KATRINA HALILI. Being the host of the "Gimme Mo" segment of Showbiz Central, malaki ang possibility na maging guest niya si Katrina Halili, lalo na ngayon na balik-trabaho na siya bilang Fedra sa Pinoy adaptation ng Rosalinda. If ever, ano ang gusto niyang itanong kay Katrina?

"Wow! I don't know... What would I ask Katrina? I don't know...there's so many. I would ask her first, like, what Hayden did was wrong, but what she did was wrong. People did something wrong, you know. So, let's not forget that it's a decision made by two parties that they will do something very, very wrong. And when you did something wrong, parang you cheat on your girlfriend, or cheat on someone's boyfriend, there's a lot of bad things that can happen, and this is one of the bad things that happened.

"You know, if Katrina is saying na she's been victimized by the Belo Medical Group, you know, just go back to her old tapes and you'll see how much she loves it there. You know, it's just now... But I think, nobody should point so many fingers that one is innocent and one is guilty. Everybody takes a part on something that is kind of bad."

"I want her to sit. I want Katrina to know what she's suing about. Maybe, you know... I wanna know if the senators know what they are talking about. I wanna know what they are talking about," sabi ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN