Gelli de Belen still undecided on what to do with her career after the death of Tito Dougs

"Hindi ko pa talaga alam, ayoko pang mag-decide. Hindi pa ako ready. Maraming possibilities, pero hindi pa. Hindi pa ako sure," says Gelli de Belen about her career plan.


As expected, ang mga plano sa career ni Gelli de Belen, isa sa mga naiwang alaga ng namayapang talent manager na si Douglas Quijano, ang inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment sa aktres sa press conference ng primetime series na All My Life kagabi, June 23.

Ayon kay Gelli, hindi pa raw niya alam kung ano talaga ang mga susunod niyang hakbang ngayong namayapa na ang kanyang manager, na na-cremate noong Sabado, June 20.

"Ano ba ang plano ko? Hindi pa nga ako makapag-isip. Tinatanong nga rin ako ng asawa ko [Ariel Rivera] kung ano ba ang gusto kong mangyari, ano ba ang plano ko. Sabi ko, 'Hindi ko rin alam.' Hindi pa ko makapag-isip. Give me one more week. I know I need to decide soon. Pero siyempre, usap-usap din kami ng iba. Ewan ko ba!" naguguluhang sabi ni Gelli.

Sinabi namin kay Gelli na kung saka-sakali man, most likely ay mapunta siya sa manager ng kanyang asawang si Ariel Rivera na si Boy Abunda.

"Hindi ko pa talaga alam, ayoko pang mag-decide. Hindi pa ako ready. Maraming possibilities, pero hindi pa. Hindi pa ako sure," reaksiyon niya.

Hindi ba nire-recommend ni Ariel ang mismong manager nito na doon na lang din siya magpa-manage?

"Well, kami kasi ni Ariel, pagdating sa trabaho, ano kami, hindi kami yung nakikialam sa isa't isa," sagot niya.

ALL FOR ONE, ONE FOR ALL. Pero kung siya ba ang masusunod, agree ba siya na lahat silang naiwang talents ni Tito Dougs ay sama-sama lang din sa isang manager?

"Kung kaya, di ba, why not? We cannot have somebody like Tito Dougs. But then, if there's somebody who's willing to take us and give us at least a little bit of love that Tito Dougs gave us, e, why not, di ba? Pero, siyempre, it has to be a decision that we all agree on."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So far, wala pa raw talaga silang napagdedesisyunan na magkakapatid kay Tito Dougs. Hindi rin daw niya alam kung ano na ang latest dahil noong second meeting, sa pa-siyam ni Tito Dougs sa Imperial Palace Suites noong Linggo ng gabi, June 21, absent raw siya.

"Sa first meeting, wala pa kaming desisyon. We're just talking... Iniisip lang, ano ba ang plano natin? Gusto ba nating magkasama? Kung meron gustong magkanya-kanya, okey din naman. Pero ako kasi, hindi pa talaga ko nakakapag-decide.

"Kasi, simula noong namatay si Tito Dougs, na-cremate siya... Last Sunday, nag-spend naman ako ng time sa pamilya ko, it's Father's Day. So, sabi ko, hindi muna ko makakarating. Bawi naman ako sa pamilya ko. Siyempre, sa tatay ko, sa asawa ko, it's Father's Day. So, yun, nag-dinner lang kami sa bahay."

Pero kung siya ang masusunod, gusto niya ba na sama-sama pa rin silang talents ni Tito Dougs?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Siyempre, mas maganda kung magkakasama kami. Ngayon, kung may tatanggap sa amin na iisa lang kami. Na kakayanin ang lahat na iba't ibang personality, iba't ibang pangangailangan, why not? We would love that. We would love to be together. Although, kung mag-iba-iba man kami ng manager, we will still be magkakapatid."

Na-bring up din ba yung kung isa kaya sa kanilang mga talent ni Tito Dougs ang mag-manage?

"Na-bring up din yun, pero saka na. Okey rin sana, pero I cannot really say much, not until meron na kaming desisyon."

Sa case ni Gelli, simula raw ng career niya, never niyang naranasan na i-handle ng ibang manager dahil si Tito Dougs lang daw talaga ang naging manager niya. Kaya siguradong maninibago raw siya being handled by a new manager.

"Oo naman, maninibago talaga," pag-amin niya.

Na-feel ba niya na parang naiwan talaga sila sa ere ng kanilang manager?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman... Maraming itinuro sa amin si Dougs. Kaya I can speak for myself. Sa akin, marami naman siyang itinuro. So, hindi naman ganoon. Siyempre, sana mas maganda kung nandito siya para hindi na ako mag-iisip," sabi ni Gelli.

Nagpaparamdam ba sa kanya ang manager?

"Huwag naman! Wala nang ganun!" tawa niya.

Tulad ng ibang talents ni Tito Dougs, siya rin daw ay may urn ng manager na nasa bahay niya.

BACK TO ACTING. Para kay Gelli, ang All My Life ang huling regalo ng manager niya sa kanya. This time, mapapanood na raw siya sa kabuuan ng soap, unlike sa mga nakaraan niyang series na tinanggap lang niya dahil first week lang siyang mapapanood.

So, what made her decide na umarteng muli?

"Tinanong ako, e!" natatawa niyang sabi. "Actually, noong tinanong nila ko, ano ba yun? Well, si Tito Dougs, tinawagan niya ako. Nasa Singapore ako. 'O, may bago kang soap.' So, ako, 'O, sige, go!'"

Na-miss ba niya ang acting?

"Na-miss ko at saka nanganganay rin ako. Pero, na-miss ko siya," sambit niya.

Based on the teaser of All My Life, isa si Gelli ang nagpakita ng acting talaga at nasa kanya ang ilang highlights umpisa pa lang. She's playing the role of Amelia Estrella, na hindi kinaya ang pagkawala ng pinakamamahal na anak habang ang isa pa niyang anak na si Romina, played by Kris Bernal, ay sabik naman sa pagmamahal niya.

"Nakakapagod pala, 'no? Actually, sa first week kasi, medyo mabigat siya. Actually, nanganganay nga ako, e, pero sige... Sanay lang akong mag-introduce ng guests [sa SiS]. Eight years, I've been introducing our guests!" natatawa niyang sabi.

Naire-relate daw niya sa character niya ang pagiging ina niya.

"Siyempre ina ka, di ba? Pero sa character ko, magkakaroon sila ng mixed feelings towards me. Tapos, maiintindihan nila kung bakit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Good thing na lang daw, medyo malalaki na ang dalawang anak nila ni Ariel. Si Joaqui ay Grade 4 at si Julio ay Grade 3 naman.

"Hinahatid at sinusundo pa rin namin sila. Kanina, sinundo ko. Kasi naman kapag may SiS ako, ako pa rin ang naghahatid. Kapag may taping, si Ariel," banggit ni Gelli.

Paano ngayon na pareho silang may soap ni Ariel, na kasama sa cast ng Rosalinda?

"Kapag meron siyang taping at ako, meron din, nanay ko! Hindi puwedeng walang kamag-anak. Kaya nga nandiyan ang nanay ko, nandiyan ang kapatid ni Ariel. May support group naman kami. May back-up plan," sabi niya.

So, tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik-acting niya?

"Hindi ko pa alam. Tapusin ko muna 'to! Tingnan ko muna kung kayanin ko, ha?" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN