Stef Prescott admits past relationship with Rainier Castillo

"Mahirap ipilit kung hindi para talaga sa 'yo, e. Pagdating sa ganyan, ayokong nagmamadali. Mas mabuti na rin yung nagtitiyaga muna sa paghihintay. Hindi pa rin naman ako handa for the bigger breaks, kung sakaling dumating na yun ngayon. Naghahanda pa rin ako ngayon, and it's much better, i-enjoy ko muna ang opportunities na dumarating," says Stef Prescott.


Kung tutuusin, puwedeng makaramdam ng inip si Stef Prescott sa takbo ng career niya. Pero realistic ang pananaw niya rito. Pagkatapos niyang mag-celebrate ng debut niya, minabuti ni Stef na mag-enjoy muna. Ang huling nilabasan pa niya sa GMA-7 ay ang Ako Si Kim Samsoon ni Regine Velasquez.

Ngayon ay mapapanood siyang muli sa bagong primetime series ng GMA-7, All My Life, na pinagbibidahan ng mga kasamahan niya sa StarStruck 4 na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

"Nang i-offer sa akin itong All My Life, hindi na ako nagtanung-tanong pa, umoo agad ako. Timing lang. Biglang may trabahong dumating at ang makakasama ko pa, sina Aljur at Kris na mga kaibigan ko naman talaga. Sabi ko, masaya ito, magandang trabaho, kaya tinanggap ko na," sabi ni Stef sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

RAINIER CASTILLO. Marami ang nang-iintriga kay Stef kay Rainier Castillo. May mga naghahanap pa rin kay Rainier sa kanya, bagay na ikinaa-amuse ng dalaga.

"Naging kami naman kasi noon," pagtatapat ni Stef. "Kaya lang, hindi namin ginawang open talaga, kasi nag-uumpisa pa lang ako. Katatapos pa lang ng StarsSruck, and besides, ang team-up nina Rainier at Yasmien Kurdi ang pinu-promote, 'tapos umeeksena ako. Hindi maganda yun. Nanahimik lang kami. Halos two years din yun, but that was not the right time."

ALJUR & KRIS. Baka si Stef din ang maging dahilan ng puwedeng maging conflict kina Aljur at Kris?

"Ooops, kaibigan ko lang si Aljur! Walang malisya!" bulalas niya. "Kahit nagyayakapan kami niyan, walang ibang ibig sabihin yun. Friends lang talaga. Para na kasi kaming family niyan. 'Pag kailangan ng tulong, nariyan siya.

Dagdag niya, "Kaya nang makatanggap ako ng offer for a teleserye with him, kasama pa si Kris, pumayag na agad ako. Walang hesitation. Gusto ko silang makatrabaho uli. Besides, three months na akong walang regular na assignment sa GMA-7. Tingnan mo, hindi naman nila ako kinakalimutan. Na-feel kong not just as an actress ang suportang maibibigay ko kung hindi as a friend to both Aljur and Kris, kaya huwag naman sanang may intrigahan pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa All My Life bilang mga kaibigan ni Kris sina Jade Lopez at Jay Aquitania, enough reason for Stef to look forward each taping day.

"I miss having a ka-loveteam," aniya pa na parang nanghihinayang. "Parang hindi yata ako para diyan, kaya kung anu-ano na lang ang intriga about me. Ang natatandaan kong nai-partner lang sa akin, si Marky Cielo sa Boys Nxt Door pa yun. E, wala na rin si Marky."

Umaasa rin naman siya na magkakaroon ng developments ang career niya in the future. Sa ngayon, natutuwa siya sa naibibigay sa kanya.

"Mahirap ipilit kung hindi para talaga sa 'yo, e," sabi ni Stef. "Pagdating sa ganyan, ayokong nagmamadali. Mas mabuti na rin yung nagtitiyaga muna sa paghihintay. Hindi pa rin naman ako handa for the bigger breaks, kung sakaling dumating na yun ngayon. Naghahanda pa rin ako ngayon, and it's much better, i-enjoy ko muna ang opportunities na dumarating."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN