Anne Curtis says ex-boyfriend Sam Milby would be a "perfect husband"

"You know, sometimes good things must come to an end. I think what matters now is I still know that he'll still be a good husband to someone, someday. I think, I have learn to accept it. It was harder before. But now, it's fine. I'm happy and I'm enjoying my life now," says Anne Curtis about ex-boyfriend Sam Milby.


Bagay na bagay kay Anne Curtis ang suot niyang wedding gown sa press conference ng bago niyang primetime series sa ABS-CBN, The Wedding, kagabi, June 24 sa Dolphy Theater ng Kapamilya network. Leading men niya rito sina Derek Ramsay at Zanjoe Marudo.

Ayon kay Anne, if ever daw na ikakasal siya, she would also want her wedding gown to be like what she wore during the presscon—simple, elegante, at may pagka-vintage ang dating.

Mas nauna dapat na ipalabas ang The Wedding kesa sa fantaserye ni Anne na Dyosa. Pero kahit medyo matagal ito bago naipalabas, masaya ang aktres na mapapanood na ito sa Lunes, June 29. Hindi rin niya itinatanggi na nandoon ang pressure na mataas ang ratings ng ibang existing primetime shows ng ABS-CBN ngayon: May Bukas Pa, Only You, at Tayong Dalawa.

"Every time, before a show comes out, siyempre makakaramdam ka ng pressure. But it's more for me, the beauty of actually launching the show," sabi ni Anne.

Right timing din daw na ngayon pa lang ipalalabas ang The Wedding.

"I believe everything happens in it's own time. And I believe everything has a reason. So siguro, oo," sabi niya.

SAM AS A PERFECT HUSBAND. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Anne kung kailan magaganap ang dream wedding niya. Although, hindi ikinaila ni Anne na among her past boyfriends, masasabi niyang si Sam Milby ang maituturing niyang "perfect husband."

Does this mean na kumpara sa iba pang ex-boyfriends ni Anne na sina Oyo Sotto at Richard Gutierrez, mas ideal husband si Sam?

"No naman, it's just that when I was with Sam, mas matured na yung pag-iisip ko. With Richard, we're both young. Si Oyo rin, mas lalo pa akong bata. So, with Sam, you know, you would really think about it," paliwanag ng young actress.

Inakala niya bang si Sam na sana ang mapapangasawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I thought," pag-amin niya. "But you know, sometimes good things must come to an end. I think what matters now is I still know that he'll still be a good husband to someone, someday. I think, I have learn to accept it. It was harder before. But now, it's fine. I'm happy and I'm enjoying my life now."

May nakikita ba siyang possibility na magkabalikan sila ni Sam?

"Hindi ko pa talaga alam. Sa ngayon, I don't know talaga," ngiti niya.

How's their relationship now?

"Good!" sambit ni Anne. "As in, when we see each other, ang dami naming pinagkukuwentuhan, kasi ang tagal naming hindi nagkikita, hindi nag-uusap. So, ang daming sinasabi. So, it's a good relationship at saka, siyempre, hindi na maiaalis yun dahil sa pinagsamahan."

Tapos na raw ang stage nila ni Sam na may ilangan sa pagitan nila after their breakup.

"Kami kasi ni Sam, we're both transparent. Nagkaroon talaga kami ng stage na walang pansinan, as in dedmahan. Pero now, nakikita ng mga tao na we're good. Kasi, hindi namin kaya na nagpaplastikan sa isa't isa."

Ano ang nagiging hadlang para magkabalikan silang muli gayong panay magaganda pa rin naman ang sinasabi nila sa isa't isa?

"Oo, we both speak highly pa rin of each other. It's because, you know, what we share is something beautiful talaga. But as of now, I guess it's really not meant to be. Who knows what's gonna happen in the future? Pero as of now, I think we're both happy and he has things he has to do muna. Me also, I'm enjoying myself now," saad niya.

Wala ba siyang nakikitang effort si Sam na nagpaparamdam o nanunuyo itong muli sa kanya?

"Well, no, no, wala... We've just started being good friends again. Siyempre, you know, I think that's what matters muna, to get our friendship again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Has she moved on na talaga?

"Yes!" mabilis niyang sagot. "You know, my love for Sam will always be there. It will always, always be there. Kasi he really means so much to me. But you know, I came into terms with what happened to us at na-accept ko na. Ngayon, I'm okay. I'm okay with it again."

Hindi naman itinanggi ni Anne na nakikipag-date siyang muli.

"Yes, and I am open to it. It's more on I'm still getting to know people pa lang."

BACK TO KAPUSO NETWORK? Usap-usapan ngayon ang napipintong pagbabalik ni Anne sa bakuran ng GMA-7. Kung matatandaan, nagsimula si Anne sa Kapuso network, pero isa siya sa mga talents ng Viva na nag-transfer sa ABS-CBN at nabigyan naman ng maraming opportunities.

Pero totoo nga bang ibabalik na siyang muli ng Viva Artists Agency sa GMA-7?

"Wala po akong alam, e. Wala po akong alam," maingat na sabi ni Anne.

May usap-usapan kasi na siya ang magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa Pinoy version ng Koreanovela na Full House.

"Wala po talaga akong alam doon. Wala po akong alam kung ano ang nangyayari," ulit niya.

Open naman sa lahat na nagkaroon sila ng relasyon noon ni Richard. If ever, magiging masaya ba siya kung totoo ngang magkakasama sila sa isang soap?

"Yeah, I know, I'll be doing a movie with Richard. Tuloy pa rin yun. Na-move lang siya to around February, Valentine's Day. Which is probably better. At least, give him time also na next year na lang," sabi ni Anne.

When asked kung pumirma na ba siyang muli ng kontrata sa ABS-CBN, sinabi ni Anne na hindi pa. So, may possibility na totoo ang balita tungkol sa pagbabalik niya sa GMA-7?

"Hindi ko po alam. Wala po akong alam. It's all up to my manager. It's not my decision siguro. Viva na siguro ang magde-decide what's best for me. But as of now, I'm here pa naman. I'm so happy. I'm doing The Wedding," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ang masusunod, gusto pa rin ba niyang maging Kapamilya?

"Well, I'm okay naman here. I'm okay. I'm happy with The Wedding. It's launching on Monday and I'm excited to see how it will turn out," sagot ni Anne.

Eight weeks lang daw ang itatagal sa ere ng The Wedding. Pero so far, wala pa raw siyang alam kung ano ang magiging next project niya pagkatapos nito.

PAST WITH DEREK. During the presscon proper, isa sa nabanggit ang tungkol sa nakaraan nila ng isa sa mga leading men niya sa The Wedding na si Derek Ramsay.

Parang doon nga lang sa presscon nalaman na nagkaroon pala sila ng short affair noon ni Derek.

"GMA pa ako, noon pa," banggit ni Anne. "After Oyo, before Richard, and before I started dating [Luis] Manzano. Bagets-bagets pa ko. It was just hanging out. Nagbi-visit-visit siya sa set. Ganoon lang."

Gaano katagal yung relationship nila ni Derek?

"Sandali lang yun, mga months or something."

How come hindi ito nag-blossom into something?

"I don't know... Unang-una, it's not there. But after that, we still bumped to each other, hi and hello," sabi niya.

Wala rin daw problema sa pagitan ni Anne at ng girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban dahil barkada raw silang dalawa. Ni hindi raw nila ito napag-uusapan.

"We know naman na it's super nothing and it's super tagal na," sabi ni Anne.

Ngayong nakakasama na niya si Derek, would she say na husband material din ito at good boyfriend?

"Yes, yeah naman. I see how he is as a boyfriend to Angel," nakangiting pahayag ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN