Derek Ramsay reveals closeness he had with Anne Curtis

"She's an attractive girl, I was interested in her. We hang-out and it just went into a friendship," says Derek Ramsay about his The Wedding co-star Anne Curtis.


Base sa trailer na ipinakita sa press conference ng The Wedding, ang bagong handog na primetime series ng ABS-CBN, tila latter part pa ang pasok ng character ni Derek Ramsay dahil sina Anne Curtis at Zanjoe Marudo pa ang madalas na naha-highlight.

Pero nilinaw ni Derek, nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), na sa beginning pa lang daw, mae-establish na ang character niya.

"I'm at the beginning because Anne and I are childhood friends. Then...conflict with my father, so, I'll leave. When I leave, that's when the story develops. Then, when I come back...so, then, the conflict will arise between the two [him and Zanjoe]."

Natatawa si Derek na, siyempre raw, hindi raw niya iri-reveal kung sino talaga ang mapapakasalan ni Anne sa kanilang dalawa ni Zanjoe in the end. Kaya tinanong namin siya kung sa palagay ba niya ay dapat bang siya ang makatuluyan ng bidang babae?

"No, I'm not competing with Zanjoe. Hindi kami pagalingan ng acting dito. We're trying to portray the story. So, yeah, to answer your question, no, hindi ako namimili na dapat, siya sa akin."

WHY IT DIDN'T WORK OUT WITH ANNE. Pero personally, ano nga ba ang nangyari noon at bakit hindi nag-prosper into a deeper relationship yung sa kanilang dalawa ni Anne? Nasulat din kasi noon ang pagiging extra close nila.

"You know, with me and Anne...it all started off as..I'm a half-breed [Fil-British] and she's a half-breed [Fil-Australian], so, we got along. She's an attractive girl, I was interested in her. We hang-out and it just went into a friendship. It was not my plan to, say, na ide-date ko 'to, I want her to become my girlfriend. Naging friendship na lang, which disappeared for a while because her career was blooming na talaga noon and I was just starting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, it never went to that point. Wala rin yung point na na-turn-off or parang, ay, hindi ko pala siya gusto, or I have no chance. It's strictly like that, we're friends. After that, lumabas kami, nagkikita kami, ganoon pa rin.

"Actually, it's a short period lang, close to a year, I guess."

Si Derek mismo ang nag-supply ng information na super close nga raw sina Anne at ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Hindi ba naging isyu sa dalawa ang naging past nila ni Anne?

"Never. Actually, when I met Angel, magkakilala na sila noon, e. You know, bago lang ako sa showbiz, so, there's only a few people that I knew. Anne, because I met her in the game show, at si Vina [Morales], because she's one of my best friends. So, when I was getting to know Angel, kilala na rin daw niya si Anne at narinig na rin daw niya yung balitang 'yun."

MISQUOTED ABOUT THE WEDDING THING. At dahil The Wedding nga ang title ng bago nilang series, hindi maiwasang tungkol sa pagpapakasal ang kadalasang naitatanong kay Derek. He was misquoted before na tipong hindi siya open sa marriage?

"I am open to marriage. I am saying, like to Anne, marriage to Anne would be more important, than marriage is to me. For me, it doesn't prove how much I love the girl. Ako, kung gusto ng partner ko na importante sa kanya ang magpakasal, magpapakasal talaga 'ko. I stand by that. If she wants to get married, I will marry her. And if I feel that she's the one I want to spend the rest of my life."

Si Angelica na nga kaya yun?

"She has all the qualities," tahasan niyang sabi.

Ilang taon na rin silang may relasyon ni Angelica, pero ang kasal ang ayon sa kanila ay hindi pa talaga nila napag-uusapan. Why?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because we have so many things that we have to do. Once you're married, you have different responsibilities... You're boyfriend-girlfriend, but if the relationship is working and you're both enjoying, we want to enjoy it muna for now."

Hindi rin siya naniniwala sa kadalasang sinasabi na ang long years of being in a boyfriend-girlfriend relationship ay maaaring matuloy rin sa hindi pagkakatuluyan.

"Well, kung mag-iisip ng ganoon, then, hindi talaga magkakatuluyan yung relationship."

Siya raw ang tipo ng tao na ine-enjoy lang kung ano ang meron sa ngayon.

"I live one day...each day at a time," sabi ng hunk actor. "I believe, there's no specific age or time when you get married. Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng sabihin na 70 na 'ko, di ba?

"And I'm really proud to have parents who have made their relationship work for forty years. I've seen the ups and down. My dad comes to me for advice, and my dad also gave me the best advice. And my mom is my savior. So, I have the perfect marriage to follow."

Gaano nga ba ka-strong ang relationship nila ngayon ni Angelica?

"How strong? From the scale of 1 to 10, I guess, I can rate it na more than 10," nakangiti niyang sabi.

Dugtong niya, "I guess, aside from the trust that we have for each other, we enjoy each other's company. And we still give time for ourselves. We don't change each other. Purposely, the change comes naturally, so, I think, that's why we work."

FRUSTRATION. Pagkatapos ng Ysabella nila ni Judy Ann Santos, ginawa agad ni Derek with Anne and Zanjoe ang The Wedding. Meron din siyang Nurserye kunsaan kasama niyang muli si Juday. Hindi ba nakaramdam ng frustration si Derek na ngayon lang ipapalabas ang The Wedding at ang Nurserye ay nakabitin pa rin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was frustrated because I really like the show, yung The Wedding. I was really frustrated, not in the fact na...pero, saying, e, kung hindi mailalabas."

Yung Nurserye naman daw ay full-force na ang pagte-taping nila. In fact, kagagaling lang daw niya sa taping ng soap bago siya um-attend ng presscon.

"The story is so much better now. Ang alam ko, this year na talaga ipapalabas. I just don't want to say when, basta full-force na ang taping ng show," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN