Zoren Legaspi indirectly admits marrying longtime partner Carmina Villarroel

Actor-director Zoren Legaspi (main photo) is still friends with former gilrfriend Ruffa Gutierrez (inset, bottom) despite being with Carmina Villarroel (inset, top) now.


Marami ang naaliw at talaga namang pinag-usapan ang kauna-unahang pagsasama sa isang stage nina Ruffa Gutierrez at ng mag-asawang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa The Buzz last Sunday, June 21. (Click here to read related story.)

Kaya naman nang makaharap ng PEP at ibang pang entertainment press si Zoren sa grand press launch ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na All My Life, kung saan isa siya sa main cast, ay ang tungkol sa pagsasama nilang tatlo ni Ruffa ang agad na inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang feeling na nagkasama-sama silang tatlo nina Ruffa at Carmina sa iisang stage?

"Actually, ano naman, e... alam ko magiging very candid yung mangyayari dun sa The Buzz. At alam ko magiging puro tuksuhan. Kulang pa nga, e, kasi hindi nilagay dun si Aiko [Melendez]. Kasi kung nilagay dun si Aiko, lalo pang nagkaroon ng tuksuhan.

"Ang masarap kasi sa amin, hindi nawala yung pagiging magkaibigan. Hindi yung nagtanim ng mga sama ng loob. Like with Tita Annabelle [Rama, ina ni Ruffa], pag nagkikita kami ni Tita Annabelle, we're friends at wala kaming problema. Kasi kahit noon, kahit minumura niya ako noon, tatawag sa akin 'yan, 'Zoren, wala akong kotse. Pakisundo ako dito.' Kaya hindi rin ako napigilan noon, e. Kasi alam ko si Tita Annabelle was still being a mother.

"Ngayon, kung overprotective siya sa daughter niya, sa tingin ko nga mas okay yung magulang na ganun, e, kaysa sa hindi," salaysay ni Zoren nang ma-interview siya ng PEP at iba pang entertainment press sa grand press launch ng All My Life na ginanap last Tuesday, June 23, sa Studio 5 ng GMA Network.

Sa tingin niya ba yung pinagdaanan niya noon bilang boyfriend ni Ruffa ay pinagdadaanan din ngayon ng mga lalaking nali-link kay Ruffa, gaya ni John Lloyd Cruz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, wala pa nga, e. Hindi pa nga siya kinakanti, e!" natatawang sambit ni Zoren. "Ibig kong sabihin, kung meron mang nasabi si Tita Annabelle, wala yun. Hindi pa siya kinakanti talaga."

Paano sila naging magkaibigan ni Tita Annabelle?

"Kasi dati, kahit na ano yung nababasa ko sa mga diyaryo, nakikita niya ako, bumibisita pa rin [kay Ruffa] sa bahay niya. Pinapapasok naman ako. Alam ko, alam niya, e, na hindi ako nanggagamit. Kumbaga, totoo ako dun sa nararamdaman ko. Talagang suitor lang talaga."

Umabot din ng halos four years ang relationship nila noon ni Ruffa. Bakit ba sila naghiwalay noon?

"E, marami na kasing nangyari between us. Naghiwalay na rin kami as loveteam. Marami na ang nali-link sa kanya. Marami ang gustong maka-partner siya. Naging international beauty queen na siya. Yun, hindi na magtugma ang schedules. Iba na ang priorities niya," saad ni Zoren.

So, sumuko pala siya?

"No, hindi naman ako sumuko. Parang it's a natural death ang nangyari," paliwanag niya.

LOVING CARMINA. Nabaling na nga sa ibang babae ang atensiyon ni Zoren hanggang sa tumibok ang puso niya para kay Carmina, na unang naging crush ni Zoren bago pa kay Ruffa. So, paano nag-start yung sa kanila ni Carmina?

"Kasi noong nahiwalay na si Carmina [kay Rustom Padilla], naging kapitbahay ko siya sa Pasig. Kaya naging close na rin kami," kuwento ni Zoren.

Ano sa tingin niya ang secret ng pagiging matatag ng kanilang pagsasama ni Carmina?

"Siguro kasi hindi namin pine-pressure ang isa't isa. At saka we trust each other. Wala kami yung tipong, 'Pupunta ako dito ha.' 'O sige, hanggang 11 p.m. ka lang.' Wala kaming ganun. Hindi ako nagpapaalam sa kanya, pati siya. Nasa sa kanya yun kung gusto niyang magpaalam.

"It's not a rule na magpapaalam ka kung bawat saan ka pumunta. Pero pag bago yung pupuntahan namin, na hindi niya alam o hindi ko alam, yun, nagpapaalam kami. Pag it's a routine, hindi mo na kailangang magpaalam. At saka wala kaming curfew sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya lang, pag napapansin ko... Kasi bihira lang 'yan makipag-dinner date sa mga kaibigan niya, e, siyempre mag-aalala ka kung medyo madaling-araw na at napasarap yung kuwentuhan nila. Yun, I check up on her, ganun lang naman," lahad ni Zoren.

Hindi pa rin daw sila nagkakaroon ng malaking away ni Carmina on their relationship.

"Wala pa talaga, e. Siguro ayaw maniwala nung iba, pero wala pa talaga kaming naging away. Nag-aasaran lang kami. Pero kapag nakikita kong naaasar na siya talaga, tumitigil na ako. Ganun din siya. Alam namin yung boundaries namin. Kaya siguro hindi kami nagka-clash."

Sa tuwing nai-interview namin si Zoren tungkol sa pagpapakasal nila ni Carmina, laging hindi maliwanag ang sagot ni Zoren. Kaya pilit hiningi ng PEP ang kumpirmasyon kay Zoren kung totoo ang balita na matagal na raw silang ikinasal ni Carmina. Secret wedding ba ang ginawa nila o silent wedding na katulad kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo?

"Katulad nga nung sa kanila [Judy Ann at Ryan], nalaman na lang tapos na. Ganun lang naman yung amin," pagri-reveal ni Zoren.

So, matagal na pala silang kasal? Anong taon ba ito?

"Hindi naman na dapat pag-usapan, kasi nga tapos na," sagot ng aktor.

Dahil ayaw na ngang pag-usapan ni Zoren ang tungkol sa kasal, kinuha na lang ng PEP ang reaksiyon niya sa sinabi ni Carmina sa The Buzz na si Zoren daw ang "tunay na lalaki" na tunay na nagmamahal sa kanya. Ikina-react ito ng mga tao dahil na rin sa mga salitang "tunay na lalaki" na tila patama sa dating asawa ni Carmina na si Rustom Padilla, na ngayon nga ay kilala na bilang si BB Gandanghari.

"Actually, wala naman kaming pinag-usapan prior dun sa interview," sabi ni Zoren. "So, very candid lang yung mga sagutan doon. Maybe the reason why she said that, kasi may movie akong gagawin pa lang, and I'm also writing the movie. It's about the definition of a guy, kung ano ba yung tunay na lalaki."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa kanya, ano ang ibig sabihin ng tunay na lalaki?

"Para sa akin, malalim ang ibig sabihin ng tunay na lalaki. So, siguro she got that from the movie kaya niya nasabi yun. Kasi I always talk to her about the movie."

MOVIE WITH BB GANDANGHARI. Ibinunyag din ni Zoren na ang napipisil niya para gumanap sa title role sa pelikulang gagawin niya ay si BB Gandanghari mismo.

"Well, dun sa isinusulat kong istorya, siya talaga yung nasa isip ko. Nagpaalam na ako kay Carmina kung okay lang sa kanya. Okay naman siya, wala namang problem sa kanya. Ang problema lang, hindi ko lang matapus-tapos yung script," sabi ni Zoren.

Bukod sa pagiging aktor, nakilala na rin si Zoren sa pagiging direktor. Pero sa sinasabi niyang movie ay first time niyang magiging writer at director.

"I've always wanted kasi na maging director and writer at the same time."

Pero ang tanong, tanggapin naman kaya ni BB ang naturang movie?

"Sana, sana tanggapin niya. Pero hindi ko pa siya tinatawagan. Kasi gusto ko, kapag tinawagan ko siya, kumpleto na ako para lahat ng questions niya masagot ko."

Isa pang rebelasyon ni Zoren ay siya rin mismo ang magpo-produce ng naturang movie.

Biniro naman ng press si Zoren, paano raw kung sa pagtatrabaho nila ay magkaroon ng feelings sa kanya si BB?

"Okay lang. What can I do kung yun ang napi-feel niya? Pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko!" natatawang sabi ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN