Zoren Legaspi impressed by All My Life co-stars Kris Bernal and Aljur Abrenica

"Yung breeding nila maganda, kasi sincere," says Zoren Legaspi about his co-stars and All My Life leads Kris Bernal and Aljur Abrenica.


Balik sa pagiging aktor si Zoren Legaspi sa bagong GMA-7 primetime teleserye na All My Life, kung saan gumaganap siya bilang asawa ni Gelli de Belen at tatay naman ni Kris Bernal.

Ang telefantasyang Kamandag pa raw, na pinagbidahan noon ni Richard Gutierrez, ang huling acting project na ginawa ni Zoren. Bukod kasi sa pagiging artista, naging busy rin si Zoren noon sa likod ng camera nang bigyan siya ng break ng GMA-7 para magdirek sa telebisyon.

Kaya naman excited ulit si Zoren sa pagharap sa camera with All My Life, na pinagbibidahan ng hottest young love team ngayon ng Kapuso network na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Ano ba ang nag-push sa kanya para bumalik ulit sa pag-arte?

"Mami-miss mo rin siya, e. Kagaya ng pagsusulat n'yo, mami-miss mo rin siya. May mga gabing sasabihin n'yo gusto kong magsulat, ako naman gusto kong umakting. Lalo na dito sa All My Life, it's a good role for me. Kaya hindi ako hesitant na gawin siya.

"Ako naman kasi naniniwala ako sa GMA, e. Ang gusto ko kasi may interval din. So, kung mano-notice n'yo, hindi n'yo ako makikitang consistently na umaarte. Meron akong break na isang season, dalawang season. Lumalagpas ng isang soap ulit bago ako lumabas," pag-amin ni Zoren nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa grand press launch ng All My Life, na ginanap last Tuesday, June 23, sa Studio 5 ng GMA Network.

Choice ba niya ang ganitong sistema?

"Choice ko rin, kasi gusto kong makipaglaro sa kambal [Maverick and Cassandra, his children with Carmina Villarroel], you know, after working. Kasi hindi mo na mababalikan yung mga oras na yun, e. Katulad ngayon, taping namin sa Subic, ang layo. Nagtatampo na nga yung kambal. Bakit daw hindi na ako natutulog dun sa bahay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is it working with Gelli de Belen, na best friend din ni Carmina?

"Si Gelli, kalog 'yan, e, so walang kahirap-hirap. At saka magkaibigan sila ni Carmina, so I'm pretty sure 'yan ang spy ni Carmina sa set, e, pag hindi ako nagdadamit nang maayos. Kung minsan kasi nakakatamad mag-ayos ng mga damit mo. Alam ko si Gelli ang spy. Siya yung, 'Patingin nga ang suot mo. Yung sapatos mo, patingin; necktie mo, patingin,' ganun."

IMPRESSED BY POLITE KRIS AND ALJUR. Ano naman ang masasabi niya kina Kris Bernal at Aljur Abrenica bilang mga katrabaho?

"Magalang sila, first of all. Hindi ko sila na-meet prior dun sa mga taping days namin. Sila mismo ang kusang lumapit at nagpakilala sila sa akin. So, yun, bow ako sa kanila. Kasi meron mga teenage actors ngayon na mga newcomers na walang pakialam kung sino ka pa. Kuwento 'yan ng karamihan.

"Pero sila, I was glad na sila ang lumapit. Hindi talaga ako lumapit sa kanila, titingnan ko kung anong klaseng culture meron sila, o kung anong manners meron sila, yung breeding nila. Pero yung breeding nila, maganda, kasi sincere, e. 'Ako po si Aljur,' sabi niya. Ganundin si Kris, 'Ako po si Kris, ako po yung daughter n'yo dito.' Kasi I wasn't able to attend yung story conference. So, breeding-wise, walang problema sa kanila. Polite sila.

"Acting-wise, si Kris pa lang yung nakakatrabaho ko. She's very nervous about this show. Masyado siyang kabado. Katulad nung kanina, yung pag-walk niya rito, naiyak siya talaga. Kasi, for her, napakalaking project ito. Kinakabahan siya talaga." (Lumakad sa isang mahabang red carpet si Kris, tulad ng ibang kasamahang artista, papuntang stage para sa press conference ng All My Life, na ang tema ay isang wedding reception.)

Bilang tatay ni Kris sa All My Life, anong support yung ibinibigay niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, I make sure na I'm into my character, para kapag ready na siya to release yung mga emotions niya, ready na rin ako. Well, si Direk Mac [Alejandre], hindi naman siya pinababayaan, so okey rin si Direk Mac na mag-alaga din ng artista."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN