Precious Lara Quigaman clarifies issue linking her to Willie Revillame

"Napapanod n'yo naman kasi siya sa Wowowee at sa ibang mga shows, ganun talaga siya. Pag may bagong girls na guest, niloloko niya talaga, parang nililigawan niya. So, it's hard for them to tell if it's true or not, kung nagdyo-joke nga ba siya o hindi. But I think, hindi naman," says Precious Lara Quigaman about the rumor that Willie Revillame (inset) is now courting her.


Sa nababalitang breakup ng TV host-comedian na si Willie Revillame sa 19-year-old CEU student-girlfriend nito na si Nadine Ignacio, lumabas ang pangalan ni Precious Lara Quigaman. Si Precious ang sinasabing third party sa paghihiwalay ng dalawa. Ito rin daw ang dahilan kung bakit babalik na si Precious sa noontime show na Wowowee.

Ayon sa bulung-bulungan ay matagal na raw type ng Wowowee host ang Miss International 2005, pero hindi raw ito magkaroon ng lakas ng loob na ligawan si Lara. Nakatanggap din ng e-mail ang ilang writers mula sa mga nagpakilalang "kaibigan ni Nadine." Ayon sa kanila, ginamit lang daw ni Willie ang kanilang kaibigan dahil hindi nito madiskartehan ang beauty queen, na noong time na yun ay may boyfriend pa.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last June 22 na makausap si Precious sa thanksgiving Mass ng cast and crew ng May Bukas Pa, dahil sa patuloy na pangunguna ng teleserye sa national ratings ng Taylor Nelson Sofres (TNS). Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Precious tungkol sa mga lumalabas na isyu sa kanila ni Willie.

"To be honest, I have no idea," sabi ni Precious. "Ang dami nga sa aking nang-aaway, kahit sa mga Friendster. Sabi ko nga, 'Anong kinalaman ko naman dun?' I really don't know, wala naman talaga.

"Ako, I'm sorry if you feel that way, but I don't really mean any harm. Wala talaga akong plano na sirain ang relasyon ng kung sinuman, so I hope they don't take it aganst me. Sa pagbabalik ko sa Wowowee, it's nothing personal, it's just a job."

Nanliligaw nga ba sa kanya si Willie?

"Napapanod n'yo naman kasi siya sa Wowowee at sa ibang mga shows, ganun talaga siya," sabi ni Precious. "Pag may bagong girls na guest, niloloko niya talaga, parang nililigawan niya. So, it's hard for them to tell if it's true or not, kung nagdyo-joke nga ba siya o hindi. But I think, hindi naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Hindi siya nagte-text sa akin, sa mom ko siya nagte-text. Sila ang nagte-text."

May pag-asa kaya si Wilie kung sakaling ligawan siya nito?

"Hindi naman natin masasabi, pero yung feeling ko talaga for him now is kuya talaga. Sabi ko nga before, he's kuya to me, and he will always be a kuya to me," sagot ng beauty queen turned actress.

Nagsimula ang balita tungkol sa kanila nang bigyan siya ng bulaklak at TechnoMarine watch ni Willie sa Wowowee. Hindi kaya may special treatment na ibinibigay si Wilie kay Precious kaya nakabalik ang huli sa noontime show?

"I received the flower, but that's because nag-muse ako sa Wowoweelympics. Regarding the TechnoMarine watch, binigyan din niya sina Ate Pokey [Pokwang], sila RR [Enriquez], hindi lang ako. Definitely, there's no special treatment. I don't think there is.

"I've never been to Wowowee nga for two Saturdays now, I'm not so sure. I haven't been asked to report," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN