RR Enriquez on Cristine Reyes: "Tantanan niya na ako. Galit na ako!"

"Ako, alam ko, kaya kong humarap sa kahit kaninong husgado diyan, kahit kaninong tao na alam ko wala akong ipinadalang pangit na text kay Cristine Reyes. Siya ang may mga tinext sa akin na pangit. Yun lang yun," says RR Enriquez (right) about her "word war" against Cristine Reyes (left).


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si RR Enriquez kagabi, June 25, sa taping ng gag show ng ABS-CBN na Banana Split. Ayon kay RR, nabasa niya rito sa PEP ang tungkol sa nalaman daw ng isang source na palitan nila ng maaanghang na salita sa text ng dating kasamahan sa Banana Split na si Cristine Reyes. (Click here to read related story.)

Nilinaw niya na maraming mali sa nasulat. Para raw kasing siya ang lumalabas na may kasalanan sa awayan nila sa text ni Cristine

"Yung nakasulat sa PEP, na sabi ng source na na-provoke ko lang daw si Cristine na sumagot ng hindi maganda sa akin sa text, e, mali yun. Wala akong sinabing masama sa kanya sa text para sabihing na-provoke lang siya na sagutin ako.

"Ako ang unang nag-text sa kanya. Sabi ko sa kanya, may gusto lang akong linawin. Hindi ko kako siya sinisiraan kina Angelica [Panganiban] at Pokwang. Kung may hindi kako sila pagkakaunawaan ay huwag niya akong idamay.

"Sinabi ko rin sa kanya na hindi ko nagustuhan yung paninigaw niya sa EP namin sa Banana Split na si Ate Janice [Senorin] during ng trade launch namin. Ganoon lang ang sinabi ko sa kanya sa text. Tapos ang reply niya na sa akin, puro pananaray na agad.

"Nakasulat din sa PEP na sinabi ko raw na ayus-ayuysin niya ang buhay niya dahil bago lang siya sa showbiz. Grabe, sobrang baligtad! Siya nga ang nagsabi sa akin nun, na ang bago ko pa lang daw kung umasta ako akala mo kung sino ako. Dahil daw ba sa naging kaibigan ko sina Angelica at Pokwang kaya kung umasta ako, e, akala mo kung sino na.

"My Gosh, puro baligtad! Anyway, I have all the messages naman to prove kung sino ba ang nagpakita ng masamang ugali sa text at kung sino ang nagpakumbaba," mahabang lahad ni RR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni RR na wala siyang ipinadalang message kay Cristine na sinasabi niya raw na, "Magpakabait ka kasi baka kunin ka na ni Lord."

"Ang sabi ko sa kanya, 'Go to the church.' Pinangangaralan ko siya," sabi ni RR. "Sinungaling yung source na nagsabi na ganoon ang sinabi ko kay Cristine. At hindi ako naniniwala na sa isang source nanggaling yung mga sinabi ko raw against kay Cristine. Alam ko na sa mismong bibig ni Cristine nanggaling yun. At kaya ganoon na lang ang paninira at galit niya sa akin ngayon, kasi nga feeling niya ay sinisiraan ko talaga siya dahil ako nga ang nakasaksi sa pangit niyang ugali dun sa trade launch namin.

"Naka-save pa sa akin yung mga text ni Cristine. Siya yung nagmura nang nagmura sa akin. Pero ako, ang mga sinagot ko sa kanya, maayos pa rin at mapagpakumbaba. Nagpapayo pa ako sa kanya. Pero instead na makinig siya sa akin, hindi niya ako pinakinggan, minura pa rin niya ako nang minura.

"Yung sagutan namin ni Cristine sa text, nai-print na yun, lahat yun. Para malaman talaga kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo. Ako, alam ko, kaya kong humarap sa kahit kaninong husgado diyan, kahit kaninong tao na alam ko wala akong ipinadalang pangit na text kay Cristine Reyes. Siya ang may mga tinext sa akin na pangit. Yun lang yun."

Anong mensahe ang gusto niyang iparating kay Cristine?

"Sana lang tigilan niya na ako. Kasi, naku, marami kaming alam tungkol sa kanya na baka ika-shock ng buong showbiz pag ibinisto namin. Kaya manahimik siya, tantanan niya na ako. Galit na ako!" mariing sabi ni RR.

THE TEXT MESSAGES. Upang patunayan na siya ang nagsasabi ng totoo, pumayag si RR na ilathala rito sa PEP ang palitan nila ng text messages.

RR: "Hi Cristine, nakausap ka na ba ni Ate Eliz [PR ng Belo Medical Group] regarding dun sa problema mo sa akin? I want to clear things lang kasi I read all your messages. Alam ko na ako ang iniisip mo na nagsusulsol kay Angge [Angelica Panganiban] at Pokie [Pokwang]. Medyo nakakatampo coz God knows never kitang sinisiraan sa dalawa. If ever man na nagkaroon kayo ng di pagkakaunawaan ni Angge, sana 'wag mo akong idamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To tell you honestly, I'll be frank with you na kung napapansin mo lately after ng trade launch, yung sinigaw-sigawan mo si Ate Janice [EP ng Banana Split]. Ako kasi bilang isang tao, hindi ako nang-aapi ng tao, lalo na kung wala namang ginagawang masama sa akin. Dun sa nasaksihan ko na attitude mo na yun, talagang napaisip ako at talagang sinabi ko sa sarili ko na pangit ugali mo, kaya sabi ko iiwasan na lang kita dahil ayaw ko mahawa sa iyo. Sorry, ganoon talaga ako. Wala naman akong problema with you dahil never mo naman ako pinakitaan ng pangit na ugali... Yun lang talaga. Sabi ko, iiwas na lang ako.

"You know what, Cristine, alam ko... Siguro meron ka lang pinagdadaanan sa ngayon and I fully understand you. I know we're not that super close, pero kahit papaano nakakapag-share ka na rin sa akin ng mga kahit konting secrets mo. I'm so happy na pinagkakatiwalaan mo ako. Wala akong problema sa iyo, as in. Nagulat lang talaga ako sa ginawa mo dun sa trade launch. Yun lang.

"Back to the real issue na sinisiraan kita sa mga kasama natin, sobrang hindi totoo yun. Cristine, bilang isang nakakatanda sa iyo at kahit papaano matured ang isip, advise ko lang sa 'yo, why hindi mo tanungin ang sarili mo if na kanino ba talaga ang problem? Alam ko lahat tayo ay may kanya-kanyang mood swing, pero minsan napag-aaralan yun na baguhin. You're pretty, you're nice, and I know na may good heart ka at hindi ka mahirap na pakisamahan dahil makulit ka rin. Yun lang talaga, may mood swing ka. Pero lahat naman tayo ay may ganoong attitude. Siguro ikaw ay nagpapakatotoo ka lang minsan kaya hindi mo mapigilan kapag minsan ay nakakapagtaray ka."

CRISTINE: "Alam mo, ayoko rin sa iyo, e, lalo na sa mga panglalait mo sa mga tao, pero kahit ganun, nakisama ako. Pinilit kong maging close. Gusto nga kita sugurin noon lalo na nung na-wrong send ka kay Valerie [Concepcion] ng panglalait mo sa kanya. Akala mo napakalinis mo! Asar na asar ako. Pati mga bag at kung anu-anong meron kay Val, hinusgahan n'yo yung tao. Pero kahit ganoon, kinakaibigan pa rin kita dahil si Val ang nagsabi na ayaw niya ng gulo. 'Kaw naman talaga ang nagsisimula ng gulo, eh!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dinadahilan mo na sinigaw-sigawan ko si Ate Janice kaya ka galit? Galit ako kasi ako na professional inaabuso nila, pero yung mga nagmamaldita sa taping, palaging pinagbibigyan. Kaya ko nasabi na ikaw ang nagsisimula ng gulo dahil alam na alam ko na ikaw ang pasimuno, lalo na kay Val. Mga wala kayong awa. Grabe n'yo laitin yung tao. Kabago-bago mo, akala mo kung sino ka na rin umasta. Porke't kaibigan mo yung mga yun, akala mo, e, kung sino ka na rin. Alam mo sobrang init ng dugo ko sa iyo. Napakasama ng ugali mo...sobra ka!"

"Pati si Pokwang ang tanda-tanda na, nakikisali pa. Magsama-sama kayong mga showbiz at mapang-lait sa tao. ALAM MO, NAPAKALINIS MONG TAO!"

RR: "Cristine, napaka-ipokrita ko naman if sasabihin ko na hindi kita mami-miss or kami. Honestly, mami-miss ka namin if desidido ka na ngang umalis sa Banana Split. Gaya nga ng sinabi ko kanina, kahit papaano nagkaroon na tayo ng bonding moments at sharing secrets. Siguro nagkaroon lang tayo ng misunderstanding at kung kinausap mo lang kami, I'm sure maaayos yun.

"Well, I still do hope na maayos pa rin natin lahat yun. And about dun kay Val, ayaw kong manira ng tao. If ever man may naikuwento siya sa iyo na pinagkakaisahan din namin siya, well, yun ang paniniwala niya. Basta ako, alam ko kaya kami naging close nina Mariel [Rodriguez], Pokwang, at Angelica kasi alam naming na totoo kaming tao.

"Honestly, ikaw, I like your attitude nga sana coz makulit ka rin at saka, yun nga, totoo ka. Kapag galit ka, talagang ipinapakita mo. Yun nga lang, nasobrahan sa pagpapakatotoo. Basta ikaw na lang ang bahalang mag-isip after ng text ko sa 'yo if pina-plastic ba kita or what? Basta nasabi ko na yung gusto ko sabihin and I do hope na kahit papaano maliwanagan ka na never kitang siniraan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINE: "Alam ko ikaw ang sumira talaga. T--g ina, pati si Angelica nasira pagkakaibigan namin at alam ko ikaw ang may kagagawan nun. Hindi ko alam kung anong paninira ang ginawa mo para hindi ako pagpapansinin sa taping. Magaling kang manira ng tao. Alam na alam ko 'yang mga pinaggagawa mo lalo na kay Val na pinagkaisahan n'yo. Maawa naman kayo. Ako, wala na akong pakialam kasi gusto ko nang lumipat. Pero naaawa lang talaga ako kay Val kaya di ko mapigilan sabihin lahat kay direk ang mga pinaggagawa n'yo!

"Sobra akong galit sa 'yo. Galit na galit ako sa 'yo."

RR: Well, wala na akong magagawa dun if galit ka sa akin. Basta ako, naipaliwanag ko na 'yo ang side ko. Sa panahon na nagkasama tayo, never ka naman nakarinig sa akin na nanlait ako ng tao. Minsan hindi rin kasi maganda na naniniwala na lang tayo basta-basta sa mga sabi-sabi or kuwento. Kailangan masaksihan muna natin ito. Ako nasaksihan ko na talaga yung ginawa mo kaya hinuhusgahan kita na may ganun kang attitude. Ayaw kong makipag-away sa 'yo.

"Cristine, kaya kita tinext kasi gusto ko maliwanagan ka at maipaliwanag ko ang side ko. Marami akong kaibigan kaya alam ko hindi pangit ang ugali ko at marunong akong makisama. About Val, ayaw ko siyang siraan. If sinisiraan niya ako sa iyo, okey lang. At the end of the day, lalabas din naman yung tunay. If sino ba ang mahilig gumawa ng istorya. You're still young! Bata ka pa. Basta andito lang ako if ever na mangailangan ka ng tunay na kaibigan. Mag-ingat ka always. Palagi mong isipin na lahat ng problema ay may solusyon basta matuto lang tayong tumanggap ng pagkakamali!

"By the way Cristine, kanina mo pa ako sinasabihan ng kung anu-anong maaanghang or masasakit na salita. Pero bilang isang taong matino, nakapag-aral at hindi adik, hindi kita papatulan. Magpapakumbaba pa rin ako para wala tayong gulo. This will be my last text to you, so I hope na na-clear ko na yung issue. Wala akong kasalanan sa iyo, okey!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait ako pero marunong din akong lumaban. I do hope na tigilan mo na rin yung paninira mo sa akin about ako ang nagsusulsol kina Angge at Pokie para awayin ka. FYI, walang umaaway sa iyo. Instead, go to the church para mabawasan 'yang kasalanan mo at gagaan pa ang pakiramdam mo.

"Oo, matagal ka na nga sa showbiz at bago lang ako. At least proud ako dahil hindi man ako ganun kasikat katulad mo, eh, okey lang. Hindi katulad mo na kung hindi pa lumipat dito sa ABS, e. hindi magkakapangalan. Huwag kang magpakalunod sa isang basong tubig...gets? Thank you and have a great life."

CRISTINE: "T--g ina, napakaplastic mo talaga! Yun lang ang masasabi ko. Magpakasaya na kayo dahil wala na ako. Alam kong 'yan ang gustong-gusto n'yo yung mawala ako kaya mag-celebrate na kayo. Talaga namang pinagkaisahan n'yo ako. Masaya na kayo? Magaling kayo, e! Napakabait n'yo kasi.

"T--g ina mo, kahit kailan hindi ako nagyabang kung anuman ang tinakbo ng career ko kaya ingatan mo 'yang pananalita mo na 'wag ako magpakalunod. 'Wag na wag mo akong pagsasabihan. Wala kang karapatan. Mabuti ka ngang tao...napakalinis mo na kung 'yan ang paniniwala mo. Wala akong pakialam. 'Wag mo linisin ang sarili mo sa akin dahil wala akong paki sa iyo.

"P-t-ng ina! Tantanan mo na ako. Manahimik ka na. Punong-puno na ako sa mga pangungulit mo sa akin ngayong gabing ito RR, at hindi nakatutuwa na bagong opera ako, e, ginagalit mo ako. P-t-ng ina burahin mo na number ko at 'wag na 'wag mo na akong kausapin."

RR: "Eh, ikaw kaya nag-start? Gusto mo i-forward ko ulit ang text mo kanina na ang bago-bago ko kung umasta ako, eh, akala mo kung sino porke't naging kaibigan ko sila? Binalik ko lang sa iyo yung text mo. Anyways, itigil na natin itong away na ito. Sorry If I hurt your feelings. Nasaktan din kasi ako sa mga sinabi mo. Sorry...sorry. Sige, hindi na ako magte-text... Basta explain ko na yung side ko at nakapag-sorry na ako.Okey na ako. Ayaw ko lang may kaaway... Again, sorry..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ni Cristine sa mga pahayag ni RR laban sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN