Pauleen Luna welcomes Cristine Reyes' return to GMA-7 with open arms

Pauleen Luna says she'll never feel threatened by any new Kapamilya star as she has something to offer that the other talents don't have, and vice versa. "Like sa Eat Bulaga, ang mao-offer ko, hindi mao-offer ni Julia, ang mao-offer ni Julia hindi ko mao-offer. Iba-iba yan, e."


Si Pauleen Luna ay artista dati ng ABS-CBN na lumipat sa GMA-7. Si Cristine Reyes naman ay talent ng GMA-7 na lumipat sa Dos at balitang babalik na naman sa Siyete. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen kung ano ang maiko-comment niya about this.

"For me, merong mga decisions na nagagawa na hindi pa dapat, and sometimes it's not right, pero it's never too late to make a decision again. I am speaking for myself, hindi kahit kanino, ako I made the right decision. I'm very happy na hindi naman ako nawawalan ng trabaho. Araw-araw akong may Eat Bulaga, hindi ako nawawalan ng soap, so I'm very happy," says Pauleen.

Iwe-welcome ni Pauleen if ever magaganap ang pagbabalik ni Cristine.

"Of course, Cristine is a very, very good friend. Siyempre nung nag-Dos siya hindi ko na siya masyado nakakausap. Nung lumipat siya siyempre hindi na kami nagkikita unlike before. But we still text once in a while."

Hindi ba iniisip si Pauleen na ang dami na nila sa GMA-7, then babalik pa si Cristine?

"Wala, ako honestly, if there's one thing na wala ako, insecurities. Kasi naniniwala ako na every person, every individual may uniqueness.

"Like sa Eat Bulaga, ang mao-offer ko, hindi mao-offer ni Julia, ang mao-offer ni Julia hindi ko mao-offer. Iba-iba yan, e. Like Angel Locsin, Marian Rivera, ang mao-offer ni Marian hindi maibibigay ni Angel, lahat ng mao-offer ni Angel hindi mao-offer ni Marian. There are some that are pareho but not all, I mean, attitude-wise or performance-wise, di ba?

"Happy ako sa pagbabalik ni Cristine. Ang GMA welcomed me with opened arms so I will be one of the arms that will welcome anyone who's going and coming back."

SOLO PROJECTS WILL COME. Si Pauleen ba, never nang aalis ng GMA-7? "You can never say that, but I'm very, very happy work-wise, people-wise and everything, hindi naman ako napapabayaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit hindi pa siya nagkakaroon ng solo project? "I'm patiently waiting for my turn, I'm patiently waiting, hindi ako yung apurado."

Tulad sa Adik Sa 'Yo ng GMA-7 na napapanood weeknights, okay lang kay Pauleen kahit hindi siya bida rito at support lang kina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennica Garcia at Dennis Trillo.

"Oo naman, bakit ako tatanggi sa grasya? E, siya na nga ang lumalapit, hindi ko naman siya hinahanap. I mean nakaupo lang ako sa bahay biglang dumating, di ba, why not? Basta may trabaho, hindi ako maarte.

"Tingnan mo lahat ng ginagawa ko, I don't really choose, huwag lang paghubarin ako! Basta okay naman, nagkokontrabida ako minsan. Ang maganda lang, kahit mag-kontrabida ako sa gabi, nakikita nila how jolly I am sa Eat Bulaga, nagko-comedy, nagpo-Poleng pa ako dun kaya may breaker. Hindi sila tuluyang nagagalit sa akin."

Tungkol sa kontrobersyal na mga sex videos, ayaw makisawsaw ni Pauleen sa isyu. "Mendez ako, model ako ng Mendez so wala akong comment dun."

WORKING WITH MARVIN. Kinumusta namin ang working relationship nila ni Marvin sa Adik Sa 'Yo. "Okay naman," although aminado si Pauleen na hindi maganda ang hiwalayan nila noon.

So paanong naging maayos? "After a while, hindi mo naman puwedeng itanim yun forever, siyempre. It took a while."

Hindi niya ibinalik ang singsing na binigay sa kanya ni Marvin nung mag-on pa sila. "Bastos yun, it's very rude to give back gifts. It's very rude, it's very uneducated to give back gifts."

Hindi rin naman daw hiningi ulit iyon ni Marvin. "Mas bastos kung hiningi! Ha! Ha! Ha!"

Ngayong nagkatrabaho ulit sila, walang chance na magkabalikan sila? "Honestly, sa aming dalawa kasi, wala na talaga."

MAYOR SHERWIN WAS TRUE LOVE. Kumusta na sila ni Mayor Sherwin Gatchalian na most recent na nakarelasyon (at naka-breakup) ni Pauleen? "Wala, friends. Hindi na kami nagkikita, text lang. Kapag may itatanong nagte-text-an."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon nga, nakakapagpahayag na si Pauleen ng rason ng hiwalayan nila ng Valenzuela mayor. "Nag-break kami because of our differences, we just have different lifestyles, na hindi kami mag-meet. Kapag yun na kasi yung problema, hindi na yun maayos unless yung isa willing mag-bend. Nakaka-blend naman siya, it's just that... basta mahirap, it's complicated."

Pero true love ni Pauleen si Mayor Sherwin? "He was my true love, alam niya yun."

Kaya hindi madali para sa kanila na mag-move-on. "Alam mo, nahihirapan kami pareho mag-move on kasi wala namang third party, wala namang ganun, differences lang.

"Mahirap, e, it's very hard, but that's the hardest thing kapag nag-break kayo dahil hindi kayo magkaintindihan, pero mahal ninyo yung isa't isa. Nag-break kami na mahal namin yung isa't isa. Mas madali pa yung sana nangaliwa na lang siya, mas madaling mag-move on."

Sa ngayon, loveless pa rin si Pauleen. "Alam mo kung meron, ipapangalandakan ko. Also I think I don't have the time to meet new people. Siyempre merong mga nagte-text but since I don't have the time to entertain..."

Hindi naman raw siya na-trauma kaya ayaw muna niyang makipagrelasyon. "I don't see it that way, hindi naman ako na-trauma, ang sarap-sarap ma-adik ma-in love so bakit mo naman aayawan?


"It's just that... masakit kaya sa ulo yung busy ka tapos ipipilit mo sa ulo mong ipasok, ang sakit sa ulo nun, nakakaadik yun!"

Hindi ba mahirap na wala siyang inspirayon? "Hindi, iba-iba naman ang inspirayon, ako I'm very inspired with our show. Honestly, sobra akong natsa-challenge kasi I was very touched when we were at the storycon dati, si Direk Joel Lamangan, in-introduce niya kami isa-isa, sabi niya, 'Kay Pauleen hindi ako magkaka-problema kasi sa akin 'yan nagsimula!'

"I worked with him sa Blue Moon dati. I was so touched kasi he was proud, I mean that's Joel Lamangan. So ngayon, nai-inspire ako na galingan pa lalo para mas maging proud pa siya sa akin," nakangiting pagtatapos ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN