It's the guys' turn tonight in Are You The Next Big Star?

Frencheska Farr won the first round of the talent search among the girls last Saturday with her winning rendition of "Bukas Na Lang Kita Mamahalin."


Ngayong gabi, sa Are You The Next Big Star?, ang mga male contestants naman ang magpapakitang gilas ng kanilang kakayahan sa pagpe-perform. Huhusgahan at kikilatisin sila nang husto ng mga hurado na kinabibilangan nina Randy Santiago, Annie Quintos, Danny Tan, Mon Faustino at Pops Fernandez.

Last Saturday, ang mga female contenders ang sumalang sa hot seat. Bongga si Francheska Farr dahil siya ang itinanghal na "Best Performer" noong gabing yun.

Tubong Las PiƱas ang 16 taong gulang na si Frencheska. Simula pa lang ay marami nang nakapansin sa kanya, dahil bukod sa maganda ay magaling talagang umawit ang dalaga. Kaya naman, di kataka-takang siya ang napili ng mga hurado. Ang inawit ni Francheska last Saturday ay "Bukas Na Lang Kita Mamahalin" na tinawag ni Mon na "winning performance."

Ang mga lalaki naman ang itinanghal bilang pinakamagaling na grupo.

"WORST SINGER." Yun nga lang, kung si Frencheska ang itinanghal na best performer that night, ang 18-year-old na si Christine Allado naman ang tinaguriang "worst singer" sa hanay ng mga babae last week, based na rin sa ipinakita niyang performance.

Anyway, malayo pa ang mararating ng Are You The Next Big Star? Isa pa lang ito sa mga pagkakataon na mapatunayan nila ang kanilang kakayahan para tawagin na "next big star."

Tonight, ang mga male participants naman ang huhusgahan as to who will be the best, and even who will be the worst singer among them. After that, magkakaalaman na kung sino ang bubuo sa bottom three, sabay na rin dito ang magiging botohan.

Maaaring abangan ang Circle of 16 sa iba't ibang SM outlets sa mga sumusunod na araw. Sa June 27 sa SM City Bicutan, June 28 sa SM City Bacoor, July 4 sa SM City Manila, July 5 sa SM Southmall, at July 12 sa SM City San Lazaro.

Ang Are You The Next Big Star? is being hosted by Ms. Regine Velasquez and Keempee de Leon every Saturday, after Pinoy Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN