Carla Abellana makes online success with fans ahead of Rosalinda's TV showing

Carla Abellana's live chat with fans last Thursday received one of the highest number of log-ons that iGMA.tv has ever had. Unknown to her, one of her chat mates was her leadingman in Rosalinda, Geoff Eigenmann. He identified himself as FJ Altamirano, the name of his alter ego in the series.


Marami na talaga ang nag-aabang sa pinakabagong Kapuso star na si Carla Abellana, lalo na kapag nagsimula na ang pagpapalabas ng pinagbibidahan niyang primetime teleserye na Rosalinda, katambal si Geoff Eigenmann.

Napatunayan ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang masaksihan namin ang first live chat ni Carla sa mga Kapuso fans sa iGMA.tv, ang official website ng GMA Network. In-organize ang naturang live chat ng GMA-7 New Media, Inc. (NMI) at ginanap ito last Thursday, June 25, sa NMI office sa 12th floor ng GMA Building.

Ayon sa mga taga-NMI, ang live chat ni Carla ang isa sa highest number of log-ons and chatters para sa isang celebrity first-timer sa iGMA.tv live chat. Kaya naman tuwang-tuwa si Carla nang ma-interview siya ng PEP after niyang makipag-chat.

Kumusta ang naging experience niya sa first time niyang pakikipag-live chat sa mga Kapuso fans?

"Okay po, masaya! Hindi ko po kasi alam kung paano siya magwo-work, e. Nagtsa-chat naman po ako pero iba yung live, e, na covered yung event. Masaya, maraming mga nagtanong, marami ang bumati. Nag-enjoy ako," sambit ni Carla sa PEP.

Ine-expect mo ba na marami ang makikipag-chat sa iyo?

"Hindi ko po ine-expect. Hindi ako makapaniwala. Bago nga ako pumunta dito tinatanong ko sa sarili ko kung mayroon kayang babati sa akin? Mayroon ba kayang magtatanong, baka iilan lang yan, bilang. Pero marami ho, ilang pages po yung lumabas, so I'm very thankful sa lahat ng mga nakipag-chat sa akin."

Ano ang favorite niya sa lahat ng messages ng mga chatters sa kanya?

"Ang dami, e. Pero nakakatuwa yung mga nagsasabing nandiyan sila para sumuporta. Excited sila kahit hindi pa lumalabas yung Rosalinda. Susuportahan naman daw nila. So, more than the questions and anything else, yung sinasabi nila na 'nandito lang kami.'"

Ano ang message niya sa mga fans?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow, sa mga fans, hindi ko po talaga alam na may mga fans na. Maraming-maraming salamat ho talaga sa mga sumusporta at sa mga nag-aabang sa show. Sana po hindi kayo mawala. Sana po dumami pa kayo. Salamat po, sana excited din kayo. And sana subaybayan n'yo yung Rosalinda."

GEOFF WAS SECRET CHAT MATE. Sa naturang live chat ay sinorpresa naman si Carla ng kanyang leading man sa Rosalinda na si Geoff Eigenmann, na tumawag sa cellphone para batiin at kumustahin si Carla sa kanyang pakikipag-chat. Nabigla rin si Carla nang aminin ni Geoff na isa siya sa mga chatters that time, gamit ang username na FJ Altamirano, na character name niya sa Rosalinda bilang Fernando Jose Altamirano. All the way sa kanyang shooting sa Panday with Bong Revilla ay nakipag-live chat si Geoff kay Carla nang hindi alam ng dalaga.

"Sobrang na-surprise ako. Hindi ko talaga alam yun. Actually, we were talking about it yesterday kasi hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa live chat na yan. And siya, hindi pa rin niya na-e-experience ito, ako ngayon lang din.

"Aba, talagang na-surprise ako. I have no idea na yung username na gamit niya, hindi ko nakuha agad, e. So, nakakatuwa na nagse-send din siya ng message kahit nasa shooting siya ng Panday. Excited na rin si Geoff sa kanyang live chat. Siya naman ang susunod sa July 28," sabi ni Carla.

Kumusta naman sila ni Geoff? At ease na ba sila sa isa't isa?

"Oo, okay na kami. Kasi ilang exercises na rin yung nagawa namin sa set para maging komportable kami sa isa't isa. Ang laking tulong naman yun and we're really getting to know each other better. Yun we're slowly adjusting and getting there."

Nagkaroon na rin ba sila ng inhibition exercises bilang paghahanda sa kanilang mga intimate scenes sa teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, meron nang ganung exercises na kaming dalawa lang yung nag-uusap. Walang istorbo, walang distractions, whatever. Yun nga, laking tulong nga yung ganung exercises."

May pressure ba sa kanila ni Geoff ang pagiging third generation actors nila mula sa kani-kanilang showbiz clans?

"Hindi naman kami nape-pressure. Siguro may expectations dahil pareho nga kaming galing sa pamilya ng mga artista. So marami ring nag-e-expect na kami rin magaling din kaming umarte. Nandun siguro rin yung pressure pero hindi naman kami kinakabahan or anything."

Posible bang magkagustuhan sila ni Geoff sa totoong buhay? "I don't know. Hindi ko pa masasabi 'yan. Maaga pa para magsalita. Pero I'm enjoying Geoff's company. We're friends. At saka mabait siya."

Ano ang message niya kay Geoff? "To Geoff, thank you very much for all the assistance, for all the help. Ang laki ng tulong niya para maging at ease ako, lalo na kapag kinakabahan. Pinapatawa niya ako and ang bait niya. Kapag kausap ko siya, nawawala na yung kaba ko. Ang laking tulong. Thank you to Geoff talaga."

HOPES TO DO JUSTICE AS ROSALINDA. Gaano naman siya ka-excited na malapit nang ipalabas ang Rosalinda kung saan siya ilo-launch?

"Sobrang excited kasi sa taping nga kinikilig kami, natatawa kami, umiiyak kami. Magandang-maganda yung story, e. Gusto na naming i-share yun to the public. We cannot wait and I hope everybody will be excited din. Kasi kami excited talaga kami."

Nakapag-adjust na ba siya from being a commercial model at ngayon ay bida na siya sa isang malaking primetime teleserye ng GMA-7?

"Oo, unti-unti naman nakakapag-adjust na ako, pati sa mga co-stars, sa mga schedules. Mahirap siya pero nakakapag-adjust naman ako. Kasi marami namang sumusuporta, marami ang tumutulong."

Anong masasabi niya na bonggang-bongga yung treatment sa kanya ng GMA-7 kahit hindi pa nilo-launch ang Rosalinda?

"Flattered ako and thankful ako. Alam ko hindi sa lahat ganito, e. Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon. Wow, ang laking blessing nito. Sobrang thankful ako, hindi ko alam kung bakit. Pero God has plans for me. I'm just very, very thankful and happy that everything is falling into the right places, so far. Masaya, masayang-masaya and flattered talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang tapings nila ng Rosalinda? "Ayun, tuluy-tuloy pa rin. Masaya, lagi kaming masaya sa set. Enjoy kasama yung buong cast pati yung staff ng show."

Napi-pressure ba siya in terms of ratings? "Yes, mayroon talaga pressure ang ratings. Pero sa akin lang siguro I will do my best. I will take it one day at a time. And hopefully, pray talaga nang maigi na I will do justice to the role of Rosalinda. So, hindi lang ako, kasi magagaling din ang cast ng Rosalinda.

ON KATRINA'S PROFESSIONALISM. Gumaganap naman bilang kontrabida ni Carla sa Rosalinda ang kontrobersiyal ngayon na si Katrina Halili bilang si Fedra. Nagkasama na ba sila sa taping ni Katrina?

"Oo, she just started a few days ago. First time namin siyang nakasama, second week na namin yun ng taping, e. Ang galing, ang galing niya, considering yung all that she has going through, kitang-kita mo na seryoso siya sa role niya, sa trabaho niya. 'Pag magte-take na kami, ay ang galing. Kitang-kita mo yung eye contact. Tapos dalang-dala niya yung role niya as Fedra. Ang galing, nakaka-inspire, mabait siya. Tahimik lang siya, tapos mabait."

Nakapag-bonding na ba sila? "Hindi pa, e, kasi once pa lang namin siya nakakasama. Although ilang eksena na yung nagawa namin together. Mabilis lang yung taping namin that day. Pero magkakasama pa naman kami, so mas may time pa kami para magkakilala."

Naging kontrabida ni Marian Rivera sa Marimar si Katrina at naintriga sila noon na nagkaroon ng tarayan at sapawan. Hindi ba nag-aalala si Carla na baka may ganitong intriga ring dumating sa kanila ni Katrina?

"Ay hindi, hindi naman ganun. Kasi sa pag-arte niya lang yun, trabaho lang yun, e, bilang kontrabida as Fedra. Mabait siya, e. Maraming nagsasabi na mabait siya at hindi ako dapat matakot or ma-intimidate kasi behind the camera she's also just a simple, down- to-earth person. Gusto ko siyang maging friend. Hindi, walang awayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ready na ba siya na harapin ang iba't ibang intriga sa showbiz? "Ina-anticipate ko na po 'yan. Yung mga intriga hindi naman po mawawala yan, e. So, nire-ready ko na yung sarili ko. But there's really no way to prepare for yourself for that unless nandiyan na, e. It's just the way you handle it and you carry yourself, and the way you react sa mga intriga. Part naman po ng trabaho yun, hindi mawawala yun. Gagawin ko na lang po yung best ko para hindi ako maapektuhan siguro."

Ano sa tingin niya yung worst intriga na puwedeng magpaiyak sa kanya? "Siguro if it's something to do with my family. Yun lang. Okay lang sa akin, walang problema. Yung family lang siguro ang magpapaapekto sa akin."

FLATTERED BY MARIAN COMPARISON. Handa na rin ba siyang mai-compare kay Marian Rivera, lalo na't sinasabing magkahawig sila at parang magkatulad ang path na tinatahak nila sa showbiz?

"Ako kasi, sinasabi ko lang na natutuwa ako, e. Kasi Marian Rivera na siya, di ba? At alam nating magaling siya at napakaganda. Pag kinu-compare ako sa kanya, parang 'totoo ba 'yan'? Kasi nakaka-flatter na nakikita nilang magkapareho kami halos or magkamukha kami, magkahawig. Flattering, masaya ako. Actually, it's a compliment. Pangarap ko lang din na masundan kung anuman yung na-achieve niya sa kanyang career."

Kumusta naman ang naging pagkikita nila ni Marian sa Kapuso anniversary special sa Araneta Coliseum?

"Actually, una kaming nagkita sa trade launch. Ang galing, kasi naalala niya pa ako way back when she was doing commercials. Sabi niya, 'Uy, naalala pa kita.' Tapos yun nga nagkita ulit kami sa anniversary show. We were put on the spot sa interview. Pero okay naman, nagtatawanan kaming dalawa. Tapos natutuwa kami na magkatabi kami habang tinatanong kami ng questions. Again na-starstruck ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ba na magkakaroon sila ng movie together sa Regal Films? "Yes, it's true. Although wala pang definite plans or anything, pero may word na. Exciting yun, this year siya. Kasi it's going to be my first movie, tapos with Marian Rivera pa. So, challenge yun at pagbubutihan talaga namin."

ADVICE FROM DADDY AND LOLA. Ano ang advice na ibinibigay sa kanya ng daddy niyang si Rey "PJ" Abellana sa pagpasok niya sa showbiz?

"Ay, marami. Yun nga, to always be humble. Stay to be down to earth. Be careful who to trust kasi sa showbiz maraming puwedeng mangyari, so ingat-ingat lang din."

Ano naman ang sinasabi sa kanya ng kanyang lola na si Delia Razon? "Si lola ko, sabi niya huwag kong kakalimutan yung buhay ko bago ako mag-show business. Kailangan lahat ng tao irerespeto. Always be humble and smile lang nang smile. Kung magkaroon man ng issues, ano lang, huwag papatulan, kumbaga smile pa rin."

Nag-birthday si Carla last June 12 at 23 years old na siya. Ano naman ang ginawa niya to celebrate her birthday?

"Kasi po may taping kami nung exact birthday ko, e. Although maaga naman kami nakauwi, the following day na kami nag-celebrate ng family ko. We had dinner, kumpleto kami. And of course yung napakagandang birthday bash ko sa SOP last Sunday (June 21). Dun po talaga ako nakapag-celebrate nang husto."

Bukod sa acting, ano pang talents ang maipapakita niya sa mga tao?

"Singing, definitely. Other than my acting, singing. Magkakaroon po ako ng album under Universal Records. This year na po 'yan, malapit na malapit na. And dancing, siyempre, mahilig din po akong sumayaw. Yun po."

Papasukin din ba niya ang pagpapa-sexy? "Ay, pa-sexy, 'yan ang malaking question mark. Hindi pa natin malalaman yun. Pero parang ayoko kasi ng ganung klaseng image. Gusto ko kasing alagaan yung image ko, yung reputation ko, so as much as possible iiwasan ko yung mga ganun. Ayoko kasing maging ganun ang tatak ng aking career. Magagalit ang aking lola at ang aking daddy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang limitations niya pagdating sa ganitong usapin? "Limitations? Yun nga, as much as possible, iwasan muna ang mga sexy roles, na hindi muna talaga magko-cover sa mga men's magazines."

Pero paano kung kailangan sa mga eksena? "If it's really part of the job, kung kailangan talaga, anything for the success of the show or even my career. Pero iingatan ko talagang mabuti yun. Kasi may respect ako sa family ko na napaka-conservative din," pagwawakas ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN