New Calayan endorser Pops Fernandez would say yes to sexy billboard ads

It seems like every beautiful actress in Philippine showbiz gets her named dragged into the Hayden Kho sex video controversy, at least once. When Pops Fernandez first heard she had been linked to it, "Natawa ako! Paanong nangyari yun, magic? Hindi totoo yun."


Deretsahang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa launch niya bilang latest female endorser ng Calayan Surgicenter kung ano ang reaksyon niya nang masangkot ang pangalan niya sa Hayden Kho video scandal.

"That's so not true, oh my God! Unang-una hindi ko masyadong kakilala si Hayden. Nakikita ko lang siya kapag may mga events and all but I don't really know him," bungad ni Pops sa PEP.

Ang una niyang reaksyon nang makarating sa kanya ang intriga, "Natawa ako! Nasa States ako, nanonood ako ng movie, may nag-text sa akin. Sabi ko paanong nangyari yun, ano yun, magic? Hindi totoo yun."

Hindi naman raw inisip ni Pops na magdemanda. "Siyempre kung na-affect ako and na-affect siguro yung work ko. Right now alam ko namang hindi totoo, unless someone claims or whatever. It's sobrang not true."

In a way ba, flattering ba sa kanya na maraming nagkaroon ng interes na mapanood ang video nang pumutok ang balita?

"No, it's not. When I first heard about the issue naawa ako dun sa mga kababaihan, kasi what they do in their own time is really none of our business. It's something that I think is very private and I think very personal.

"Let's face it, when it comes to women it's really double standard sa Pilipinas so parating kawawa yung mga babae. As a woman, naawa siyempre ako."

FROM BELO TO CALAYAN. Bakit siya umalis sa Belo Medical Group?

"Wala lang, we felt na it was time to move on. Maganda naman ang paghihiwalay namin, until now we're still friends. Matagal na actually kami nag-pirmahan ni Dr. Calayan but because madami din siyang artists na ni-launch siguro, na meron silang plano, so inuna niya muna yung pag-launch ng iba niyang artists."

May sexy pictorial ba si Pops sa Calayan endorsement niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually hindi ko pa alam, pero alam mo, a sexy pose or a sexy shot really depends on the way it's taken. Sa pag-e-emote, siyempre sa projection, I believe that lalo kami, sa skin naman kami. I don't mind the sexy billboards if it's done in a very classy way."

Sky-high daw ang talent fee niya with Calayan. "Hindi naman. Tama lang."

Hindi nagkaroon ng conflict ang Calayan endorsement ni Pops sa Mikaela? "With Calayan, sa skin ako, kami ni Jay-R. Sa Mikaela is slimming."

May ii-slim pa ba si Pops? "Actually nagkalaman na nga ako, e. There was a time siguro sa sobrang work, tapos stress, personal life stress. Ako rin, nung napanood ko yung sarili ko sa isang interview, sabi ko, 'Shucks parang ang liit-liit na ng face ko!'

"Hindi din ako nagandahan, so tamang-tama nag-tour kami sa States, kumain ako nang kumain para magkalaman yung face ko."

Speaking of their Divas 4 Divas U.S. concert tour nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla and Regine Velasquez, tapos na pala ito. "Finished na, siguro if ever babalik kami, sa ibang lugar naman."

Paano nila nami-maintain ang kanilang samahan na walang pa-istaran, tarayan at sapawan?

"Wala naman, wala kaming ganun. Sobrang saya lagi namin, lalo na kami ni Rej, matagal na kaming magkatrabaho, di ba? Hindi ko na siya pinapahiram ng gown, siya na ngayon ang nagpapahiram! Ha! Ha! Ha! Joke lang."

ON JOMARI YLLANA. Hindi pa rin sila magkaibigan hanggang ngayon ng ex-boyfriend niyang si Jomari?

"Siguro because we're still in an uncomfortable stage. Not for anything else, I mean kakatapos ninyo lang mag-break, so siyempre merong sort of uncomfortable feeling."

Pero hindi isinasara ni Pops ang oportunidad na someday, maaari pa rin silang maging magkaibigan ni Jomari. "Siyempre lahat naman nagiging friends, di ba?"

May binalikan ba si Pops sa mga dating karelasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, wala. Sa kakaunti nila, wala pa naman," natatawang sagot ni Pops.

Kaya hindi siya naniniwala na love is lovelier the second time around?

"It's never happened to me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN