LJ Reyes wants viewers to "hate" her in All My Life

All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg">

All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg">

LJ Reyes is on leave from De La Salle University right now because of her many showbiz commitments, including playing bad girl to Kris Bernal's good girl in All My Life. She's also been working out to fit into her sexy wardrobe, which is de riguer for any contravida out to seduce the leading man.


Hindi nagdalawang isip si LJ Reyes na tanggapin ang maging kontrabida sa love team nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa bagong primetime series ng GMA-7 na All My Life.

Sabi nga ng StarStruck 2 First Princess na gusto na rin niyang gumanap ng iba't ibang roles. Pahinga raw muna si LJ sa pagiging good girl at gusto naman niya ay medyo bad girl siya.

Kaya sa All My Life raw ay sinisiguro niyang magagalit daw sa kanya ang mga fans nina Kris at Aljur dahil sa mga gagawin niyang pagtataray at pagmamaldita, lalo na kay Kris Bernal.

"Naku, huwag naman silang magalit sa akin nang sobra kasi trabaho lang ito," tawa ni LJ. "Sa totoo lang, love ko 'yang si Kris Bernal. Noong lumalaban pa lang siya sa StarStruck, siya ang gusto kong manalo talaga. Kaya tuwang-tuwa ako noong kunin akong kontrabida niya.

"Sabi ko naman kay Kris na kahit na gano'n ang roles namin, magkaibigan pa rin kami. Maging professional lang kaming dalawa at i-enjoy namin ang gagawin namin sa isa't isa."

RIVALS IN LOVE. Ito na raw ang second time na maging kontrabida si LJ sa isang drama series. Una raw siyang nagkontrabida kay Maxene Magalona noon sa GMA Sinenovela na Una Kang Naging Akin kunsaan gumanap silang magkapatid.

"Doon kasi hindi naman ako sobrang kontrabida talaga. May sibling rivalry kasi kami ni Maxene sa series na iyon. Tapos yung lalake na gusto ko [played by Alfred Vargas] ay may gusto kay Maxene. Kaya doon umiikot ang away namin.

"Dito naman sa All My Life, ako ang lead vocalist sa banda nila Aljur dito called Shooting Stars. Matagal ko nang type si Aljur dito who plays Jules at nagkakamabutihan na kami. Tapos biglang dumating si Romina [Kris Bernal] sa buhay niya at doon nagsimula ang love triangle.

"E, yung role ko as Maricar gagawin ang lahat para lang mapasakanya si Jules. Marami kaming confrontations dito ni Kris at talagang pilit aagawin si Aljur sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa paghahanda ni LJ sa role niya as Maricar sa All My Life ay nag-iba ng hairstyle si LJ at nagpapayat siya. Sinabihan kasi siya na puro mga sexy na damit ang isusuot ng character niya dahil parati niyang aakitin si Aljur.

"Yun ang sabi nila sa akin kaya todo diet ako at nagwu-work ako. Kasi nga most of my clothes dito sa show ay sexy. Kita ang tiyan ko, kita ang legs ko at may konting cleavage. Talagang aakitin ko si Aljur," malakas na tawa ni LJ.

"THINK OF KRIS WHEN YOU KISS ME." Hindi kaya pagselosan siya ni Kris dahil balitang may mga kissing scenes din siya with Aljur?

"Walang dapat ikaselos si Kris sa akin. Trabaho lang lahat ito. Kung may mga gano'ng eksena man kami ni Aljur, part lang iyon ng ginagawa namin for the show. Sasabihan ko si Aljur na parating si Kris ang isipin niya kapag may mga eksena kami. Isipin niya na parating nagbabantay sa kanya si Kris sa set," ngiti pa ni LJ.

May mga offers na nga raw kay LJ na mag-pose ito para sa ilang men's magazines. Pero hindi nga raw pumapayag pa si LJ dahil hindi pa ito ready talaga.

"Hindi pa naman ako ready. Mahirap nang pasukin ko 'yan tapos bigla akong maiintriga, di ba? Kaya huwag muna. Kapag handang-handa na ako, hindi na ako magdadalawang-isip pa."

Tungkol naman sa pag-aaral ni LJ, nag-leave daw muna siya dahil nagkasunud-sunod ang kanyang mga trabaho.

"Nag-LOA [leave of absence] muna ako ngayon sa De La Salle University kasi nga nagkaroon ulit ako ng series. Nagtuluy-tuloy ako sa school before kasi wala akong regular na series after ng Una Kang Naging Akin, di ba? SOP lang ang pinaka-work ko noon at yung Camera Café. Kaya okey ang schedule ko for school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Four semesters na lang ang kulang ko pero tatapusin ko naman lahat iyon basta mabigyan ako ng sapat na panahon. Ngayon kasi sayang naman itong role sa All My Life kaya ito muna ang haharapin ko at kapag natapos na, back to school naman ulit ako," pagtatapos ni LJ Reyes.

All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg">


All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg"> All My Life " data-url="https://www.pep.ph/news/22272/lj-reyes-wants-viewers-to-hate-her-in-all-my-life-" data-desc="But she hopes that Kris Bernal's fans will remember it's only make-believe." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3f79e089d.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN