Kris Bernal admits relationship with Aljur Abrenica has already reached MU stage

"Oo, gusto siya ng family ko. Kasi si Aljur, nakita namin sa kanya na very close siya sa family niya, maalaga siya. E, yun yung gusto nila sa isang guy, yung gaano ka-attach sa family niya," says Kris Bernal about leading man Aljur Abrenica.


Kung dati ay hindi sigurado si Kris Bernal tuwing tinatanong siya kung nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica, ngayon ay very open na ang young actress sa intensiyon sa kanya ng kapareha sa bagong primetime series ng GMA-7 na All My Life.

"Ngayon, talagang nakita ko na yung pagiging pursigido niya, katulad nung... Dati naman hindi niya ako madalas pinupuntahan sa house, ngayon madalas na talaga niya akong pinupuntahan sa bahay.

"May dala siyang pasta, kasi favorite ko yun. Minsan after taping ng madaling-araw, pupunta siya sa bahay. Minsan, nakauwi na ako from taping, tulog na ako, dadaan siya sa bahay, may dalang food, gumigising ako!" natatawang kuwento ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Boto ba ang family ni Kris kay Aljur?

"Oo, gusto siya ng family ko," sagot ng dalaga. "Kasi si Aljur, nakita namin sa kanya na very close siya sa family niya, maalaga siya. E, yun yung gusto nila sa isang guy, yung gaano ka-attach sa family niya.

"Sobra yung nakita ko sa kanyang pagmamahal niya sa family niya. Minsan nagpapasama siya sa akin na bumili ng regalo para sa mga kapatid niya, mga surprise. Ganun siya ka-sweet."

Na-meet na rin daw ni Kris ang buong pamilya ni Aljur.

"Oo naman, nakapunta na ako sa bahay nila. Minsan may mga times na kapag umuuwi siyang Pampanga, niyayaya niya ako," banggit niya.

May tiwala raw kasi ang pamilya ni Kris kay Aljur kaya pinapayagan nila ang young actress na pumunta sa bahay ng young actor.

Hindi pa ba sila mag-on?

"Kasi ang sarap ng feeling na nililigawan kaya gusto ko munang i-enjoy at patagalin. Siguro kapag pareho na din kaming ready. Kasi ngayon, parang siyempre nabigyan kami ng primetime show, gusto din naming mag-focus sa trabaho. 'Tsaka minsan napi-feel namin, kapag nagkakatampuhan kami, naapektuhan yung mga eksena namin. Kaya hindi talaga puwede na nag-aaway kami," paliwanag ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aminado si Kris na may mutual understanding na sila ni Aljur.

"Masasabi kong ganun," sambit niya.

Kailan sila naging mag-MU?

"Matagal-tagal na din, siguro sa Dapat Ka Bang Mahalin?. Nanligaw siya, dun ko nakita sa kanya yung pagiging sincere niya at pursigido niya," sabi niya.

SEXUAL HARASSMENT. Ayon kay Kris, tuwing may balita about Aljur na nali-link o natsitsismis sa kahit na sinong babae ay nagseselos siya.

"Siyempre nagselos din naman ako. Nagseselos ako every time may nali-link kay Aljur. Humihingi naman ako ng paliwanag sa kanya."

Hindi rin daw naniniwala si Kris sa reklamong sexual harassment ng isang dalagita laban kay Aljur.

"Naniniwala akong nagkakilala sila nung nag-complain na babae. Dun sa harassment, dun na talaga ako hindi naniniwala kasi kilala ko si Aljur. Tinanong ko siya, siyempre humingi din ako ng explanation kung bakit may ganun. Ipinaliwanag naman niya nang mabuti na nagkakilala lang sila nung girl.

"Naniniwala naman ako. Kilala ko siya, e. Siyempre sa una naman kapag narinig mo na, 'Uy, may kasama daw ganyan si Aljur sa Puerto,' unang reaksiyon mo, magseselos ka talaga. Pero nung lumaki yung issue at nagpaliwanag sa akin si Aljur, naging kampante na ako."

Hindi ba nabawasan ang pagtingin ni Kris kay Aljur?

"Mas hinangaan ko pa nga siya kasi kahit may nag-file sa kanya ng ganun, very strong siya. Hindi mo makikita sa kanya na malungkot siya or may problema siya."

STARSTRUCK. May balitang magkakaroon ulit ng bagong batch StarStruck, kung saan nanggaling at nanalo si Kris bilang Ultimate Loveteam kasama ni Mart Escudero. Bilang isa sa mga winner ng naturang artista search ng GMA-7, sa palagay ba ni Kris ay nararapat na magkaroon pa ulit ng StarStruck?

"Oo naman, okay lang sa akin na magkaroon ng bagong StarStruck," sabi niya. "Ang sarap kasi magtuklas ng mga bagong talents. Kaya lang, gusto ko din mabigyan ng chance yung other batchmates ko, yung mga past StarStruck. Kasi may mga kilala din akong talagang talented din na walang ginagawa, kaya sana mabigyan din sila ng chance. Pero happy ako na naghahanap ulit ng bago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isa sa mga winners ng StarStruck, ano ang advice ni Kris sa mga sasali?

"Unang-una, tiwala sa sarili and prayers. Ako, nung sumali ako ng StarStruck, mahina ang loob ko, e. Feeling ko noon, hindi ako mananalo. Ang mga nasa paligid ko, ang gagaling kumanta, ang gagaling sumayaw.

"Nung naramdaman ko yung support ng family ko at ng publiko, dun tumaas yung confidence ko na kaya ko 'to, kaya kong kumanta kahit sintunado ako, kaya kong sumayaw kahit matigas ang katawan ko," pagtatapos ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN