Jolina Magdangal is already "40 percent" in love with her current suitor

"Kasi feeling ko, nag-e-enjoy pa ako, date-date pa lang naman. Wala pa akong masagot kung sino ba siya talaga. Enjoy-in ko na lang muna, enjoy ako na manood ng sine na kasama siya, na hindi ko akalain na magagawa ko ulit," says Jolina Magdangal about her new suitor.


Naniniwala ang multi-media star na si Jolina Magdangal sa konsepto ng "soul mate," kung saan may nakalaan na isang tao sa bawat nilalang.

"Oo, naniniwala ako," simula niya. "Nararamdaman ko na bawat isa sa atin, meron talaga. Yung sa akin, akala mo soul mate mo, hindi pala, merong ganun. Ang feeling ko naman, ang soul mate naman, hindi kailangang boyfriend; puwedeng mommy mo ang soul mate mo, or sister mo. Kapag sinabing soul mate, puwedeng best friend mo, puwedeng daddy mo pala ang soul mate mo.

"Siguro ang sarap lang kung yung boyfriend mo o yung asawa mo ang soul mate mo. Meron talagang magkakasundo, e. Yun ang soul mate para sa akin, kaya naniniwala talaga ako na meron akong soul mate," pahayag ni Jolina nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang tinutukoy ba ni Jolina na akala niya ay soul mate niya na hindi pala ay ang ex-boyfriend niyang si Bebong Muñoz?

"Oo," pag-amin niya. "Siguro yung nangyari sa amin, kasi siyempre kahit naman sinong mag-boyfriend o mag-girlfriend, siyempre ang iisipin mo soul mate mo yung ano mo, di ba? Pero meron pala talagang hindi pala. Puwedeng nagkasundo lang kayo for a time, tapos eventually hindi din pala. So, may ganun pala."

NO SECOND CHANCE. Hindi naman naniniwala si Jolina na "love is lovelier the second time around."

Paliwanag niya, "Hindi ko pa nararanasan yun, 'tsaka wala pa akong nakakuwentuhan na mas okay sila ngayon kasi ganun. Ang lagi kong nakakakuwentuhan, lalo lang nag-aaway kasi binabalikan-balikan pa nila yung mga hindi magagandang nangyari sa relasyon nila in the past.

"Pero siyempre, may napapanood ako, may mga nababasa akong mga pocket books na ganun. Yun nga lang, hindi nga lang totoo. Medyo naniniwala din ako na baka naman nangyayari talaga yun sa ibang tao. Ako kasi, hindi ko pa nararanasan. Kaya sa ngayon, hindi ko masasabing naniniwala ako na love is lovelier the second time around."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never pa ngang nakipag-break at pagkatapos ay nakipagbalikan si Jolina sa kahit na sinong nakarelasyon niya. Kahit noong sila pa ni Bebong.

"Never. Hindi pa kami nag-break before. Kahit long-distance kami dati, kahit cool-off. Walang ganun," sabi ni Jolina.

Kaya mukhang wala nang chance na magkabalikan sila ni Bebong.

"Tingin ko, sa nararamdaman ko ngayon, parang wala. Nag-try din kami na constant pa din yung communication namin. Kaya lang, hindi, e. Hindi kaya ng ganun. Naniniwala ako na hindi kayo makaka-move on kapag ganun pa din. So, sa ngayon, walang communication."

Halos four months na raw silang walang komunikasyon ni Bebong. Kaya naman naka-move on na si Jolina.

"Maigsi lang ang buhay, e. Kahit sabihin nating eight years kami, bakit pa ako magpapakalungkot nang bongga? Alam ko naman na baka puwede pa akong magmahal ulit, puwede pang sumaya ulit. Gusto naman natin lahat yun, di ba?" paliwanag niya.

HAPPY WITH HER NEW SUITOR. Ngayon, masaya si Jolina. Umamin siya na may regular siyang ka-date ngayon.

In love na nga ba siya?

"Hindi ko masabi kung in love na talaga, pero happy ako," sambit niya.

Anong percentage ng pagiging in love niya?

"Siguro nasa 40 percent siya," sagot ni Jolina. "At least may love na, di ba? From wala, at least, di ba? Sabi ko nga, kapag nagmo-moment ako sa kuwarto ko, hindi ko akalain na ganito pa ulit ako kasaya after ng mga nangyari sa akin."

Ayaw diretsahin ni Jolina kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, basta ito raw ay nasa mundong malapit din sa puso ni Jolina—ang music industry.

"Kasi feeling ko, nag-e-enjoy pa ako, date-date pa lang naman. Wala pa akong masagot kung sino ba siya talaga. Enjoy-in ko na lang muna, enjoy ako na manood ng sine na kasama siya, na hindi ko akalain na magagawa ko ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pinaka-nakakapagpasaya talaga sa akin, kapag kasama ko yung family ko, tapos kasama siya. Yun yung pinaka-number one happiness ko ngayon. Na-meet ko na din ang family niya. Minsan kumakain kami sa labas, medyo nahihiya pa nga ako, e," kuwento ng Adik Sa 'Yo star.

Mukhang seryosohan na ito dahil involved na ang kani-kanilang pamilya?

"Seryoso man o hindi ang feeling, yun talaga ang rule, dapat ganun talaga. Haharap ka sa parents kahit sino sa inyo. So, yun ang pinaka-nakakapagpasaya sa akin," sabi ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN