Nadine Samonte not yet ready to talk to former friends Isabel Oli and Glaiza de Castro

"Hindi ko po alam, pero ayoko pa ring makipag-usap sa kanila. Masama pa ang loob ko. Hindi naman po ako plastic na kapag nakita ko sila, babatiin ko sila na parang walang nangyari sa amin," replies Nadine Samonte (in photo) when asked about her former friends, Glaiza de Castro and Isabel Oli.


Sa backstage ng SM City Cebu Food Court last Saturday, June 27, sunud-sunod ang pa-pictorial ng mga fans sa tatlong bida ng SRO Cinemaserye Presents Suspetsa na sina Nadine Samonte, Jennylyn Mercado, at Yasmien Kurdi. Ito ay kaugnay ng Kapuso Fans Day sa Cebu City bilang bahagi ng 59th anniversary ng GMA-7.

Pagkatapos nito ay pumayag si Nadine na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press at ng local press doon.

Noon pa palang Friday morning, June 26, naroon na sa Cebu sina Nadine, Jennylyn at Yasmien dahil nag-outreach program pa sila sa isang orphanage doon, kaugnay ng Serbisyong Totoo ng GMA News & Public Affairs. Very fulfilling daw ang feeling nilang tatlo.

JENNYLYN & YASMIEN. First time nilang nagkasama-samang tatlo sa trabaho, so ano ang nakita niya kina Jennylyn at Yasmien dahil walong linggo ring napapanood ang Suspetsa?

"Si Jen, tahimik siya, pangiti-ngiti kapag may pinag-uusapan kami. Ninang kami ng anak niyang si Alex Jazz. Pero si Yasmien, talagang matapang siya, lagi siyang palaban! Pero masaya kami during our tapings dahil nga since our StarStruck days, ngayon lang kami uili nagkasama-sama, nagkaroon ulit ng bonding," paglalarawan ni Nadine.

Ano ang masasabi niya sa pagsusulong ng kaso ng sexual harrassment ni Yasmien laban kay Baron Geisler na nakasama nila sa Suspetsa?

"Tama lang po ang ginawa niya. Nakita namin ang ginawa ni Baron, napakabastos niya talaga," sagot ni Nadine.

LIPATAN ISSUE. May susunod na ba siyang project sa GMA-7 pagkatapos ng Suspetsa?

"Wala pa pong offer kaming natatanggap ni Mommy," sagot ni Nadine.

Dahil walang project, kaya ba nagkaroon ng issue na lilipat na siya sa ABS-CBN?

"Wala naman pong katotohanan 'yon, paano po ako lilipat samantalang naka-contract ako ng ilang taon pa sa GMA Artist Center? 'Saka hindi naman po ako nawawalan ng project sa GMA-7. May mga out-of-town shows din ako," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAIRWAY TO HEAVEN. Maraming nagsasabing bagay kay Nadine ang role ng kontrabidang si Eunice sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway To Heaven, na pagbibidahan ni Dingdong Dantes. If ever na sa kanya nga 'yon ibigay, anong paghahanda ang gagawin niya?

"Siguro, marami pong preparation kasi nasubaybayan ko ang role ni Eunice sa soap nang ipalabas sa GMA-7. Bumili pa ako ng DVD at inulit-ulit kong panoorin kasi crush ko si Kwon Sang Woo, na gumanap na Cholo. Isa pang paborito kong panoorin noon, ang Full House kasi crush ko rin si Rain," kinikilig na sabi ni Nadine habang nagkukuwento.

GLAIZA & ISABEL. Muli naming tinanong si Nadine tungkol sa issue sa kanila ng mga kaibigang sina Glaiza de Castro at Isabel Oli. Ikinasama raw kasi ng loob ni Nadine nang mapagbintangan na siya raw ang nagkuwento sa press ng nangyari sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay noon, after nilang nagkasama-sama sa Gagambino. Simula noon, hindi na kinakausap ni Nadine sina Glaiza at Isabel. Ayon kay Glaiza, gusto raw nilang kausapin si Nadine para masabi naman nila ang side nila.

"Kami naman po ni Glaiza, wala kaming problema. Pero ayaw ko po munang makipag-usap sa kanila," reaksiyon ni Nadine.

Alam ba niyang nasa Singapore si Isabel dahil inaalagaan nito ang maysakit na ama?

"Hindi ko po alam, pero ayoko pa ring makipag-usap sa kanila. Masama pa ang loob ko. Hindi naman po ako plastic na kapag nakita ko sila, babatiin ko sila na parang walang nangyari sa amin," diin ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN