Chito Miranda still weighing in on his presidential bet

May 3, 2016
<p>Althought known as a strong Duterte supporter, Chito Miranda says it's still important to study the platform of the presidential candidates. He says, "Dahil malapit na ang election, walang masama kung ido-double check natin lahat ng options natin."</p>

“I'm being a responsible voter.”

Ito ang sinabi ni Chito Miranda tungkol sa kanyang nakaraang Twitter posts, kung saan tinanong niya ang kanyang Twitter followers tungkol sa presidential candidates ngayong May 9 elections.

Read: Duterte supporter Chito Miranda still undecided on presidential bet

Bilang kilalang supporter ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte, may ilang followers ang nadismaya sa ginawa ng frontman ng Parokya ni Edgar.

Pero nilinaw naman ng singer na ginagawa lang niya ang nararapat bilang isang botante.

Sa kanyang Facebook post kanina, May 3, binigyang pansin ni Chito ang mga agad na humusga sa kanyang ginawa.

Mensahe niya, “Wag naman kayo magalit sa akin. Para naman kayong mga gago eh.

“Wala naman akong ginagawang masama eh.

“Pinag-aaralan ko lang ng todo kung tama nga ba talaga ang desisyon ko, kasi chong, napaka-importante ng gagawin nating pagboto.

“Kinabukasan natin ang pinag-uusapan natin dito.

“Kung manghusga kasi yung iba, parang ang sama sama at ang tanga tanga ng ginagawa ko eh.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Chito, nananatili pa rin naman siyang supporter ni Duterte.

Ngunit nilinaw niyang bagamat bilib siya sa mga nagawa na ni Duterte sa Davao, “Pinag-aaralan ko talaga ng todo yung desisyon ko by comparing Duterte's platform and track record with those of the other candidates.”

Sabi pa niya, “Dahil malapit na ang election, walang masama kung ido-double check natin lahat ng options natin.

“Walang masama kung pag-aralan ko ng todo yung plataporma at kakayahan ng bawat kandidato bago ako mag-final decision next week.

“Sa tingin nyo mali ba yun?

“Sa tingin ko, tama nga yung ginagawa ko eh, kasi I'm being a responsible voter. I check and double check all my options.”

Diin pa ni Chito, “Chong, mas informed ako sa magiging desisyon ko dahil sa ginagawa ko.”

May pakiusap din ang music artist sa mga nadismaya sa kanyang ginawa.

Aniya, “Kaya wag nyo akong huhusgahan na walang paninindigan.

Continue reading below ↓

“Di nga ako tumanggap ng pera or kahit ano mula kahit kanino dahil pinangangahalagahan ko yung magiging desisyon ko eh.”

Patuloy niya, “Kung Duterte pa rin ako pagkatapos ko malaman lahat ng pwede kong malaman tungkol sa ibang mga kandidato, at least sigurado ako na tama ako, kasi pinag-aralan ko talaga yung desisyon ko.

“Kung sakaling mag-bago man ang isip ko, ito ay dahil sa matinding pananaliksik at matinding pag-aaral at hindi dahil sa wala akong paninindigan.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Chito Miranda, Rodrigo Duterte
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Althought known as a strong Duterte supporter, Chito Miranda says it's still important to study the platform of the presidential candidates. He says, "Dahil malapit na ang election, walang masama kung ido-double check natin lahat ng options natin."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results