Richard Gomez temporarily hosts Are You The Next Big Star? while Regine Velasquez is sick

"Ang kagandahan sa indie, kaya pala kapag tinitingnan ko ang mga artista, sabi ko, 'Bakit kaya ang hilig nilang gumawa ng indie films?' At kahit sina Piolo Pascual pala, ang dami niyang ginagawa... Yun pala, talagang makikita mo pala na yung mga istoryang gusto mong gawin, nandoon. Yung mga material na hinahanap mo," says Richard Gomez about doing an indie film.


Pansamantalang si Richard Gomez ang papalit kay Regine Velasquez bilang host ng talent search ng GMA-7 na Are You The Next Big Star? this Saturday, July 4. Hindi pa rin kasi kinaya ng Asia's Songbird ang mag-taping dahil sa naging sakit nito, dahilan para ma-confine siya sa hospital.

Dahil nga sa sakit ni Regine ay hindi natuloy ang guesting niya sa concert ni Charice Pempengco sa SM Mall of Asia SMX Convention Center noong Saturday, June 27. Hindi rin siya nakasipot sa SOP kinabukasan, June 28.

Kahapon, Tuesday, June 30, nag-taping si Richard para sa Are You The Next Big Star? at posible raw na this Saturday ay ma-announce na ang bottom three. Ayon kay Richard, mala-American Idol din daw pala ang Are You The Next Big Star?

"Tinawagan ako kahapon [June 29] dahil masama pa rin nga ang pakiramdam ni Regine. So, sabi ko, padalhan n'yo naman ako ng tapes para ma-preview ko. Kaya noong Lunes ng gabi, after kong manggaling sa Ormoc, noon ko lang napanood in full. Okey siya, parang American Idol," sabi ni Goma nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tungkol naman sa kanyang game show na Family Feud, ibinalita ni Goma na nag-production meeting na raw for that and, hopefully, by August or September ay mapapanood na ang second season nito.

FIRST INDIE FILM. Richard is part of the last movie in the Sine Direk series—Mel Chionglo's Bente, kung saan kasama niya sina Jinggoy Estrada, Iza Calzado, atbp.

"Ibang-iba pala ang environment ng mga indie, 'no?" nakangiting sabi ni Goma.

Ano ang mga nakita niyang difference?

"Malaki, malaking difference!" natatawa niyang sabi. "Pero alam mo ang kagandahan sa indie, doon mo magagawa ang mga story na gusto mong gawin. Sa mainstream cinema kasi, puro formula movie. Puro tried-and-tested na.

"Ang kagandahan sa indie, kaya pala kapag tinitingnan ko ang mga artista, sabi ko, 'Bakit kaya ang hilig nilang gumawa ng indie films?' At kahit sina Piolo Pascual pala, ang dami niyang ginagawa... Yun pala, talagang makikita mo pala na yung mga istoryang gusto mong gawin, nandoon. Yung mga material na hinahanap mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, na-encourage ba siya ba gumawa pa ng indie films?

"May mga dumarating pa na mga script sa bahay. Tinatanong ako kung gusto kong gawin. Sabi ko, 'Sige, bigay n'yo lang, tingnan ko,'" lahad ng aktor.

Sa Bente ay ilang shooting days din ang ginawa ni Goma, pero libre raw siya at hindi tumanggap ng talent fee.

Ano pa ba ang gusto niyang magawa na hindi pa niya nagagawa sa mainstream?

"Gusto ko talagang gumawa ng soldier story ever since," pagsisiwalat ni Goma. "Dalawang klase kasing story 'yan. Yung isa, kaya siya nag-sundalo dahil gusto niyang ipaglaban ang sovereignty ng bansa. Mahal mo ang bansa kaya ka nag-sundalo. Yung isa naman, nag-sundalo dahil gusto niyang pakainin ang pamilya niya. Not necessarily lumaban para ipagtanggol ang bansa. Ganoong klase."

Yung pagpo-produce, hindi ba niya yun naiisip?

"Explore ko muna 'to. Nagkataon lang din na itong Bente, si Mel Chionglo ang director, si Ricky Lee pa ang script. It's 'Rated A' kaya excited na nga akong mapanood."

WANTED: TALENT MANAGER. Siyempre, isa pa rin sa inaabangan kay Richard ay kung sino ang napili nilang mag-handle sa kanya at sa iba pang talents ng namayapang manager na si Douglas Quijano. Aniya, wala pa rin daw siyang maisagot sa bagay na yun.

"Wala pa...wala pa. Nag-aano pa kami, nag-uusap pa kami. Si Gelli [de Belen], I think, nag-sign up na si Gelli kay Boy Abunda. Sina Anjo Yllana, kay Malou Choa-Fagar, kasi matagal na rin silang magkasama," balita ni Goma.

Silang dalawa ng kanyang asawa na si Lucy Torres-Gomez?

"Wala pa kami, e."

Pero si Richard na rin mismo ang nagsabing mahirap naman sa case niya na hindi kumuha ng bagong manager at siya na lang ang makikipag-negotiate. Ang mahirap nga naman sa puntong ito ay pagdating na rin sa work schedule at budget.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ang hirap naman, sabihin sa 'yo, 'Puwede ho ba kayo ng piso?' 'Ah, hindi...dalawang piso.' Parang ganoon. E, ganoon talaga ang trabaho ng manager," sabi ng aktor.

Pero okey lang ba sa kanya na nagkahiwa-hiwalay na sila ng mga "kapatid" niya kay Tito Dougs?

"Siyempre ako, personally, hindi ko gusto. Pero siyempre, you have to respect yung mga personal preferences nila. At sa tingin nila, feeling nila, itong mga taong ito ang talagang makakatulong sa kanila," sagot niya.

Nag-consult ba sa kanya si Gelli before signing up with Boy?

"Oo, noong nag-usap-usap kami. Noong time na yun, by phone na lang kami ni Gelli. Pero siyempre, naiintindihan ko naman siya."

Silang mag-asawa, may "list" na ba sila kung sino ang naiisip nilang puwedeng mga pagpilian na manager?

"Si Lucy, parang mahirap niyang tanggapin na wala na si Dougs. Nasa Ormoc nga kami, umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Kakaawa talaga. Kaya sabi ko nga sa kanya, at least, alam ko ang pakiramdam. Kapag nawala ako, 'Mas alam ko na ang gagawin mo. Hindi mo ako basta makakalimutan!'" natatawang biro niya.

Sinabi rin ni Richard na kung sakaling makahanap silang mag-asawa ng bagong manager ay isasama rin nila ang ibang mga talents ni Tito Dougs, gaya nina Antonio Aquitania, Arwin Santos, at Jay Aquitania.

"Alam mo, yun ang mga reason kung bakit ayaw rin naming maghiwa-hiwalay. Kawawa ang mga bata, maiiwan, e. At least, kung meron kaming soap, maiba-bargain mo na baka puwede mong isama ito," saad ni Goma.

Hindi itinatanggi ni Richard na pagkatapos ng libing ni Tito Dougs, mas nararamdaman nila ngayon ang pagkawala ng talent manager.

"Oo, e, mas nararamdaman ko, lalo na kapag may mga TV show, sa akin na tumatawag. E, lalo na ako, ever since naman, hindi dumidiretso sa akin. Or kapag nag-text ulit or tumawag, sinasabi ko na, 'Si Douglas na lang kausapin n'yo.' Hindi ko nakasanayan yung you talk about money. Alam mo naman ako, gusto ko lang magtrabaho," saad ni Goma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN