Hayden Kho wants to apologize to Maricar Reyes, but "now is not the right time"

"Everytime may lumalabas na videos dun sa Internet, ako din, napapahiya. Kasi ako din, nakahubad do'n. Ako din, tinitingnan ng mga tao dun. Parang... Ewan ko, the message I'm getting from the public, from most people, parang, 'Wala kang karapatang magsabing biktima ka dahil ikaw ang may kasalanan!' says Hayden Kho in his interview with TV Patrol World.


Tinutukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Hunyo 30, ang exclusive interview ni Karen Davila ng TV Patrol World sa kontrobersiyal beauty surgeon na si Hayden Kho.

May bagong usap-usapan tungkol kay Hayden, 29 taong gulang, at sa mainit pa ring issue ng sex-video scandal na kanyang kinasangkutan.

Mga "bagong pagbubunyag," ayon din sa kasamang newscaster ni Karen na si Ted Failon. Diumano, bukod kina Katrina Halili at sa bagong artistang si Maricar Reyes, mayroon ding sex video na kumakalat ngayon si Hayden at ang isang nagngangalang Princess Velasco, girlfriend ng kaibigan ni Hayden na si Dr. Herbert "Bistek" Rosario.

Ayon kay Karen, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita si Hayden tungkol sa kumakalat na sex video nila ni Maricar Reyes. Sa impormasyong nakalap nila ay labing-isang sex videos, kasama ang apat na iba't ibang babae, ang nai-record ni Hayden at ninakaw raw sa kanya kaya kumalat.

"More or less...not 40," pag-amin din ni Hayden sa bilang na labing-isa.

Apat nga lang ba ang bilang ng mga babaeng nakunan ng video, kasama si Hayden?

"May case na kasi... Hindi na ako puwedeng mag-salita basta-basta," nag-beg off siya.

MARICAR REYES & PRINCESS VELASCO. Ang sumusunod ay ang tala ng pagbabalita ni Karen na mayroong mga pahayag si Hayden, partikular tungkol kina Princess at Maricar, na mga nakarelasyon niya noon.

Karen: Nilinaw ni Hayden na hindi lahat ng kumakalat na sex videos ay sa kanya, tulad na lang ng litratong ito (ipinakitang blurred sa TV screens, alinsunod sa ruling ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB), na sinasabing siya at si Princess Velasco, dating girlfriend ng kaibigan niyang si Bistek Rosario. Ayon kay Hayden, wala raw silang sex video ni Princess Velasco, tulad ng inaakala ng marami.

Hayden: Everytime may lumalabas na videos dun sa Internet, ako din, napapahiya. Kasi ako din, nakahubad do'n. Ako din, tinitingnan ng mga tao dun. Parang... Ewan ko, the message I'm getting from the public, from most people, parang, 'Wala kang karapatang magsabing biktima ka dahil ikaw ang may kasalanan!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karen: Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay hinarap na rin ni Hayden ang tungkol sa umano'y sex video nila ng artistang si Maricar Reyes.

Hayden: If there's anything na masasabi ko about Maricar... Si Maricar, napakabait na tao, 'tsaka galing sa respectable family. Ang bait din ng pamilya niyan. Kaya nga nahihiya ako sa kanya, e. Gusto kong mag-sorry sa kanya personally. Gusto kong puntahan yung family niya at mag-sorry personally. Pero parang now is not the right time. Parang, I guess, hindi ko pa alam kung paano ko sila i-a-approach."

Ano ang mensahe niya kay Maricar?

Hayden: I'm proud of her. Especially now, na nandun siya, nahaharap sa... May shows na siya, di ba, tama ba? Nandiyan yung...mga teleserye na siya, and she acts well... and then... ang galing. Sana makuha ko yung strength niya. Kasi ako, nahihirapan ako ngayon. Parang lahat sila naka-move on na, parang ako na lang yata naiiwan..."

Si Maricar, na contract artist ng Star Magic, ay kasalukuyang napapanood sa primetime series na May Bukas Pa. Isa rin siya sa mga bida sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal, kasama sina Sid Lucero at Jodi Sta. Maria.

KATRINA HALILI & DRA. VICKI BELO. Mariing paglilinaw pa rin ang mga sumunod na pahayag ni Hayden bilang sagot sa kasong isinampa laban sa kanya ni Katrina Halili, ang isa sa mga aktres na nasangkot sa sex video scandal, at isa sa mga pinakahuling pag-uusap nila ng ex-girlfriend na si Dra. Vicki Belo.

Karen: Kaliwa't kanang kaso ang inaatupag niya ngayon, kabilang ang kasong medical malpractice na isinampa laban sa kanya ni Katrina Halili, kung saan puwedeng matanggalan siya ng lisensiya.

Hayden: Sobrang unfair yung ginawa niya [Katrina] 'tsaka nung abogado niya [Atty. Raymund Palad], na kasuhan ako nung sa malpractice, sa liposuction. Hindi raw ako puwedeng mag-lipo... And PMA [Philippine Medical Association] already made a ruling before pa na there's nothing illegal about what I did. Puwede akong mag-lipo talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapatay nga ba si Dr. Hayden Kho Jr. sa ginawa niyang liposuction noon?

Hayden: Hindi ako ang may kasalanan. Namatay yung patient because of asthma—status asthmaticus. Tapos may... mahabang... may istorya 'yan, e, pero hindi ko puwedeng sabihin.

Karen: Tungkol kay Dra. Vicky Belo, totoong tinanggihan daw siya nito nang gusto niyang makipagbalikan sila.

Hayden: I asked her kung she could give me a second chance. Sinabi niya na, 'Hayden, hindi na puwede... kasi iba na, e, the stakes are higher. Pinagbigyan na kita dati, napahiya ako.'"

"ANATOMY" OF SHAME. Sa mga huling tala ng ulat ay naisatinig ang kasalukuyang saloobin ng lalaking nasa sentro ngayon ng maiinit na usapin.

Karen: Pagkatapos ng lahat ng ito, aminado si Hayden, natatakot siya sa kanyang hinaharap.

Hayden: Tama ka. Hindi na ako makakapag-practice. Hindi ako makakapagtrabaho for the next how many years dahil sa sobrang napahiya ako. Hindi rin ako masyadong makalabas ng bahay, kasi bawat labas ko, bawat ngiti ko sa labas, titirahin ako sa media.

Mangingibang-bansa ba siya, o mananatili na lang sa Pilipinas?

Hayden: Hindi din naman ako puwedeng umalis dahil naka-watchlist din ako. I'm trapped here, and so far, I got nothing to do.

Bilang pang-wakas, ibinalita ni Karen na sa Hulyo 7 naitakda ang pagsagot ng kampo ni Hayden sa isinampang reklamo ni Katrina kaugnay ng sex video scandal.

Hindi pa nga ito ang wakas ng naturang iskandalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN