Sharon Cuneta makes her debut as "Regal baby" in OMG! and Mano Po 6

OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg">

OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg">

"Nakaka-touch lang talaga si Mother. Happy ako na finally gagawa na ako ng movie sa Regal. Pero ako yung nape-pressure kasi ang bigat ng Mano Po, di ba? Sana it will be one of the most successful Mano Po," says Sharon Cuneta about finally doing a movie with Regal Entertainment.


Masayang hinarap ni Megastar Sharon Cuneta ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na pumunta kahapon, July 1, sa Taal, Batangas, para sa set visit sa shooting ng pelikulang OMG! (Oh My Girl!) ng Regal Entertainment, na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid. Kahapon kasi ay kinunan na ang special guest appearance ni Sharon sa naturang pelikula sa St. Martin de Tours Basilica sa Taal.

FIRST MOVIE WITH REGAL. Taliwas sa mga naunang naglabasang balita na ang first movie na gagawin ni Sharon under Regal ay ang pagbibidahan niyang Mano Po 6 para sa Metro Manila Film Festival 2009, technically, ang OMG! talaga ang unang pelikula niya sa Regal, after ng kung ilang taon ding pagre-reyna sa mga pelikula ng Viva Films at Star Cinema.

"Hindi pala ang Mano Po ang first movie ko sa Regal. Ang first ever na labas ko ay itong movie nina Juday at Ogie. Siyempre pina-plan pa lang namin yung wedding ni Sis [Juday], alam ko na ge-guest ako dito dahil si Ga [Direk Dante Nico Garcia] at si Juday, di ba? Tapos noong sinabi ni Ogie , 'Gumest ka naman sa amin.' Sabi ko, 'Late ka na. Naka-oo na.' Hindi ko nga alam yung gagawin ko until dumating ako dito. Nakakatuwa. Ako yung pekeng manghuhula!" natatawang pahayag ni Sharon sa interview ng PEP at iba pang press habang nasa standby area kami at naghihintay si Sharon na makunan ang kanyang eksena.

First time niya rin bang gampanan yung ganitong role?

"Oo, parang si Odette Khan sa My Only Love [lumang pelikula ni Sharon]. Tapos ano, ang pinaka-excited ako, siyempre, kasi kasama ko yung dalawang kaibigan ko, si Juday at si Ogie. Tapos, siyempre, nakaka-touch kasi pagdating ko, nagulat ako, ang dami palang inimbita ni Mother [Lily Monteverde, Regal] na like you guys na mga kaibigan sa press. Meron pang inayos dun na bahay na may presscon daw. Bumili pa daw siya ng manok. Na-touch ako talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga sa kanya, magpupugay ako kay Boss Vic [del Rosario, Viva Films] kasi, siyempre, all of my Viva years din, di ba? I haven't seen Boss, but we're okay naman. I just want to see him talaga, to make balita rin. Tapos nakapagasabi na rin ako sa Star Cinema. So, maayos naman lahat.

"Yung script nasa akin na... ng Mano Po. Nung ino-offer nila sa akin yung Mano Po, may script agad. Siyempre na-flatter naman ako, pero pressured na pressured din ako dahil pang-anim na Mano Po, sino ba naman ang hindi mape-pressure? Kasi excited sila, e, ako man super excited. So, sana mabigyan ko ng justice yung role," lahad ni Sharon.


WORKING WITH JUDAY & OGIE. Since technically ang OMG! ang first movie niya sa Regal, aside from Mother Lily and Regal, what makes doing a guest appearance sa OMG! special?

"Siyempre, it's a favor I give from the bottom of my heart to Judy Ann and to Ogie, who happen to be two of the very few friends I have na artista. So, it's a joy for me. It's an honor for me. I'm excited also to be directed by Dante, si Ga, who directed Ploning. Kasi we're all friends, e, so parang pamilya lang. You come to the set. You meet your family. Parang yung acting nagiging laro lang. Enjoy lang, nakakatuwa."

So, kahit one day-two sequences shoot lang, okay lang sa kanya?

"Oo naman," sambit niya. "Hindi ko nga alam ang gagawin ko umoo ako e. Kahit anong ipagawa sa akin."

Kumusta naman sila ni Juday?

"Okay naman, hindi pa kami nagsu-shoot, e. Kanina pa sila dito. Si Mrs. Agoncillo, payat na payat at napaka-sexy. I'm so happy for her. Naghihintay ako ng pamangkin," nakangiti niyang sabi.

Paano naman sila naging close ni Ogie? At ano ang nagustuhan niya kay Ogie bilang kaibigan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Ogs? Nag-bond kami sa concert ko nung maging special guest ko siya in 2005. Kaya sobrang malapit kami ni Ogie. Siya yung disenteng tao na matino kausap. Nakakahingi ka ng advice na maganda. Tapos, very loving si Ogie, napakatotoong kaibigan.

"Kaya sabi ko nga, napaka-blessed ko rin... katulad nila sina Juday at Ogie, na alam mong totoo. Yun talaga ang mga nagiging kaibigan ko. Hindi naman ako talaga usually nakikipagkaibigan sa mga taga-showbiz, di ba? Nagkakataon lang talaga."

MANO PO. Happy nga si Sharon na finally ay makakagawa na nga siya ng pelikula sa Regal.

"Nakaka-touch lang talaga si Mother. Happy ako na finally gagawa na ako ng movie sa Regal. Pero ako yung nape-pressure kasi ang bigat ng Mano Po, di ba? Sana it will be one of the most successful Mano Po," asam ng Megastar.

Nang tanungin naman ng PEP kay Sharon kung gaano katagal na ba siyang kinukumbinsi ni Mother Lily, mismong si Mother na ang sumagot para kay Sharon.

"For the past 25 years kinu-convince ko na siya," ani Mother Lily.

Dagdag naman ni Sharon, "Then nung hindi na ako exclusive [sa Viva] noon, isang tunay na offer kay Mother ay 1999 pa nga, e. Parang na-touch ako sobra kasi medyo mataba pa ako noon. Yun yung nakunan ako from Boston, tapos hindi ako makabuwelta. Tapos it was Mother... yung mga hindi mo ine-expect, dun siya talaga... she will come through for you kapag hindi mo inaasahan.

"Alam mo ba, since 2001 to 2007, tumutulong siya kay Kiko [Pangilinan, Sharon's husband] na never kaming lumapit. Siya yung tatawag. Kasi daw naniniwala siya kay Kiko. Siya pa yung nahiya na, huwag ko raw isipin na porke't tinutulungan niya kami... Sabi ko, 'Nye, parang baligtad!' Siyempre, touch na touch ako. I am so honored na Mano Po pa yung in-offer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napanood niya ba yung mga past Mano Po movies?

"Oo, pinadalhan nila ako, Mano Po 1 to Ako Legal Wife, 1 to 4."

Ano ang favorite niya sa Mano Po series?

"Two and three, si Ate Vi [Vilma Santos], tapos yung kina Tita Susan [Roces] at Ate Lorna [Tolentino]. Pero si Zsa Zsa [Padilla], magaling din sa Ako Legal Wife."

Ang Mano Po ba ang first entry niya sa MMFF?

"No, yung Crying Ladies in 2003. Second na itong Mano Po. So, coming from Caregiver, tapos yung BFF na comedy, it's a nice return to drama. And it's going to be challenging for me, kasi siyempre there will be some lines in Chinese. Medyo mayaman ako sa kaibigang Chinese," saad ni Sharon.

Nag-aaral na ba siya ng Chinese?

"Hindi pa, hindi pa. Pag kasadong-kasado na 'yan, I'm sure there will be dialect coaching."

Na-excite na sana si Sharon nang sabihin sa kanya ng ibang press na malamang sa Bangkok, Thailand ang shooting ng Mano Po 6. Favorite destination place outside the Philippines kasi ni Sharon ang Thailand.

"Ay, totoo nga? Sana ! Thailand or Hong Kong, Mother, okay ako," sambit ni Sharon.

Pero agad ding nanghinayang si Sharon nang sabihin naman ni Mother Lily na sa Taiwan ang shooting.

"Taiwan, e, hindi Thailand. Naku, naisahan ako doon ni Ate Vi at ni Boyet [Christopher de Leon], e. Nag-Bangkok sila, e."

Kailan mag-start ang shooting?

"I think the target date is sometime in August. So, just in time. Knowing Direk Joel [Lamangan], just about enough time," ani Sharon.

Sino ang mga makakasama niya sa Mano Po?

"Wala pa nga. Yun nga yung pinag-uusapan namin kanina. So, it will depend talaga on, I guess how the story flows. Tapos talagang hangga't maaari, hindi kami magsu-shoot siguro hangga't hindi sobrang plantsado yung script at lahat. Si Direk Joel Lamangan ang direktor. I've always had a great relationship with my Inay, si Inay Joel. So, I'm looking forward to it. At saka nata-touch ako kay Mother kasi she really went out of her way talaga. Sobrang happy siya. Pareho kaming excited. Nata-touch ako sa mga sinasabi niya. So, parang it's a dream come true also for me na hindi naman biro yung Mano Po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON ANGEL LOCSIN & KIM CHIU. Dapat sana ay isa si Angel Locsin sa mga makakasama ni Sharon sa Mano Po. Pero ayon na rin kay Angel sa nakaraang interview sa kanya, mahirap daw matuloy ito lalo na nga't exclusive siya ngayon sa Star Cinema at may dalawa siyang movies na naka-lineup niyang gawin bago matapos ang 2009. Nalungkot nga rin si Sharon dito.

"As much as si Angel at ako, gustung-gusto naming magsama, parang hindi yata matutuloy," sabi niya. "Sayang, 'no? Sana magkaroon pa rin kami ng chance. Ipe-pray ko 'yan na lahat ng makakasama ko rito yung nararapat talaga. Hindi ko alam kay Mother kung sino yung puwede talaga. Nanghihinayang kami ni Mother kay Angel talaga."

Ano naman ang comment niya na may mga fans daw ni Kim Chiu na nagtatampo dahil sinabi niya raw na mas gusto niyang kasama si Angel over Kim?

"I don't remember saying I pick Angel over Kim Chiu," paglilinaw ni Sharon. "When did I ever say that? All they ask me was, 'Sino ang gusto mong makasama?' Sabi ko, 'The person that comes to mind is Angel.' I think obvious kasi everybody knows she's one of my favorites talaga. I don't know Kim Chiu personally, e. Siyempre, gusto mong makasama yung kilala mo na. Pero I'm not saying na I don't want to work with Kim. Maybe in the future."

Since inuna nga ni Sharon ang movies niya sa Regal, by next year na raw siya gagawa for Star Cinema, kasama na nga rito ang movie with Richard Gomez.

OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg">


OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg"> OMG! and Mano Po 6" data-url="https://www.pep.ph/news/22309/sharon-cuneta-makes-her-debut-as-regal-baby-in-omg-and-mano-po-6" data-desc="Sharon clarifies that she never picked Angel Locsin over Kim Chiu as co-star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3c40d1ef5.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN