Judy Ann Santos wants to get pregnant this year

"Gusto ko na talagang mabuntis ngayon para next year, may baby na kami ni Rye. Gusto nga namin sana kambal para dalawa agad. Kaya tulungan ninyo kaming magdasal na matupad na ang wish namin," says Judy Ann Santos.


Kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahang dumalaw sa location shooting ng pelikulang OMG! (Oh My Girl!) nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa Taal, Batangas kahapon, July 1. Iyon din kasi ang shooting ni Sharon Cuneta, in a cameo role, as a fake manghuhula.

Hindi agad nakausap ng entertainment press si Juday dahil sa ituktok ng St. Martin de Tours Basilica sila nagsu-shoot nina Ogie at Direk Dante Nico Garcia. Incidentally, sa naturang simbahan ikinasal si Ogie at ang dati niyang asawa na si Michelle Van Eimeren noong 1998.

Nang makausap na namin si Juday, tinanong siya kung hindi ba delikado sa kanya na ang taas ng inaakyat niya?

"Ewan ko ba diyan kay Ga [tawag niya kay Direk Dante], kung saan-saan gustong mag-shoot!" natatawang wika ni Juday. "Ang liit-liit nga ng dinaanan namin paakyat, kailangan ko pang tumagilid para magkasya ako."

OMG! Sa July 29 na ang playdate ng OMG!, last shooting day na ba nila 'yon?

"Hindi pa po, mga five or six shooting days pa kami," sabi ni Juday. "Every Wednesday lang kasi kami nakakapag-shooting kaya medyo tumagal dahil na rin sa schedules namin ni Ogie. Yun lang ang free day namin pareho kaya kapag nag-shooting naman kami, hanggang umaga na. 'Saka yung mga natapos na namin, nasa post-production na rin."

Ano ba ang pagkakaiba ng role niya sa OMG! at ibang nagawa na rin niyang movie?

"Dahil comedy-love story nga ito, na isa akong artista, mas kikay ang character ko dito. Until na-realize ko na dapat ay hanapin ko ang roots ko sa probinsiya, na nakalimutan ko simula nang pumunta ako ng Manila at naging sikat na artista."

Kumusta naman sila ni Ogie sa shooting?

"Okey kami lagi," sagot ni Juday. "Iba ring katrabaho mo ang isang kaibigang tulad ni Ogie. Kapag hindi kami ang nagti-take, kuwentuhan lang kami tungkol sa amin nina Ryan [Agoncillo, Juday's husband] at Regine [Velasquez, Ogie's girlfriend], tungkol sa mga anak namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-damit babae na naman si Ogie sa movie, hindi pa ba siya nag-iisip ng kung ano kay Ogie?

"Nasanay na akong makitang nakadamit-babae si Ogie kaya wala akong naiisip na iba sa kanya. Si Ogie pa!" tawa ni Juday.

SHARON CUNETA. Anong feeling niya na guest nila si Sharon, na lalabas sa pelikula ng Regal Entertainment sa kauna-unahang pagkakataon?

"Very happy," sambit ng young superstar. "At least dito sa movie, maibabalik ang dating Regal na laging maraming guests na mga artista. Nabanggit ko lang kay Ate Sharon noong wedding namin ni Ryan kung puwede siyang mag-guest dahil may ginagawa kaming movie ni Ogie. Pumayag naman siya agad.

"Ngayon, heto na, magsu-shooting na siya. Event ito sa akin kahit cameo role lang siya dahil since Magkapatid sa Viva Films noon, ngayon sa Regal Films naman. Hopefully, ang susunod, full-length na ang gagawin namin."

Tinanong ng PEP kung meron na bang aabangang "pamangkin" si Sharon kay Juday, tulad ng sabi ng Megastar sa hiwalay na panayam sa kanya.

"Wala pa nga po, e. Pero gusto ko na talagang mabuntis ngayon para next year, may baby na kami ni Rye. Gusto nga namin sana kambal para dalawa agad. Kaya tulungan ninyo kaming magdasal na matupad na ang wish namin," sabi ni Juday.

May cameo role din ba si Ryan sa OMG!?

"Baka hindi na muna kasi nakapag-guest na rin siya noon sa movie ko. May mga projects naman kaming gagawin sa Regal, yun na lang. 'Saka napapanood naman kami sa sitcom naming George & Cecil every Sunday sa ABS."

RYAN AGONCILLO. Magaling na ba si Ryan? Last week kasi ay hindi natuloy ang isang presscon ni Ryan dahil ang taas daw ng lagnat nito.

"Yes, mga four or five days din siyang nagkasakit. Bigla nga kaming nakalipat sa bago naming bahay dahil nandoon kami nang magkasakit siya. Kaya nag-decide kaming doon na mag-stay para hindi siya makahawa ng fever niya. Grabe lang ang throat infection niya kaya tumaas ang fever niya, pero hindi naman ito umabot sa A(H1N1)!" biro ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Si Rye pa naman, kapag may sakit, hindi 'yan kumikilos sa kama, lagi lang siyang nakahiga. Round-the-clock ang pagpapainom ko ng gamot sa kanya, punas, dahil hindi siya puwedeng maligo. Si Yohan [their adopted daughter] nga ang assistant ko, tagahawak ng bulsa de yelo ng papa niya.

"Inalis ko na muna ang diet-diet ni Rye, pero madalas noodles lang ang kinakain niya kasi nahihirapan siyang lumunok. Tamang-tama naman na na-pack-up ang taping ko ng Habang May Buhay kaya naalagaan ko siya. Bukas nga [July 2], pack-up na naman ang taping namin ng Narserye."

NARSERYE. Speaking of Habang May Buhay, bakit lagi na lang napa-pack up ang taping ng teleserye niyang ito sa ABS-CBN, na almost two years na nilang ginagawa? Totoo ba na gusto na niyang iwanan ang project na idinidirek na ngayon ni Wenn Deramas dahil may bago siyang gagawin?

"Hindi po totoo 'yon," tanggi ni Juday. "First project ko ito with Direk Wenn at nag-promise po kami sa isa't isa... Sa amin na lang po kung ano ang promise naming 'yon. Pero tatapusin ko po ito, hindi lang dahil kay Direk Wenn kundi mahal ko po ang staff namin dito. Kaya sinimulan ko, tatapusin ko po. Hindi ako magbubukas ng bagong project hanggang hindi tapos ang Narserye."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN