Another paparazzo photo of Ruffa Gutierrez and John Lloyd Cruz surfaces

This photo of Ruffa Gutierrez and John Lloyd Cruz appeared in Isah Red's column in Manila Standard yesterday, July 1.


Isa na namang "paparazzo photo" nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz ang kumakalat ngayon.

Pagkatapos lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang larawan nina Ruffa at John Lloyd habang pumapasok sa isang "swanky hotel" sa Beverly Hills, California, may iba pang sumulpot na larawan ng dalawa na magkasama. (Click here to read related story.)

Kung sa larawan na inilabas ng PEP, na kuha sa harapan ng SLS Hotel sa Beverly Hills, ay nakatalikod sa camera ang dalawa, sa lumabas na litrato kahapon, July 1, sa Manila Standard, kitang-kita na ang mga mukha nila. Sa larawan, sina Ruffa at John Lloyd ay naglalakad sa linya ng mga high-end boutiques sa Rodeo Drive, Beverly Hills.

Si Ruffa ay nakasuot ng white-petal trimmed dress at may hawak na kulay blue na Goyard bag. Si John Lloyd naman ay naka-short sleeved blue polo at black pants. Parehong naka-shades ang dalawa.

Ayon sa kolum ng beteranong entertainment editor na si Isah Red sa Manila Standard, isang classmate niya noong college na naka-base sa California ang nagpadala sa kanya ng message sa kanyang Facebook account, at matapos ay sinundan ito ng pagpapadala ng litrato. Sa natanggap na message ni Isah noong June 24 (U.S. time), pinahuhulaan sa editor kung sino ang nakita ng kaibigan at ng asawa nito sa Beverly Hills noong araw na 'yon.

June 24 ang kaarawan nina Ruffa, 35, at John Lloyd, 26.

"According to him, the two tried to look discreetly unobtrusive and seemed like two normal human beings in an environment where everyone seemed pretty preoccupied with themselves and their companions," saad ni Isah sa kanyang column tungkol sa pagkakakita ng kanyang dating classmate kina Ruffa at John Lloyd.

Nagpunta si Ruffa sa U.S. para sa kanyang birthday vacation, samantalang si John Lloyd ay naroon para sa world concert tour ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagtanggi nina Ruffa at John Lloyd na may namamagitan sa kanila higit pa sa magkaibigan, ang mga larawang kuha sa kanila sa U.S. ay tila nagkukumpirma sa totoong relasyon nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN