Singer-stage actor Gian Magdangal makes his debut as TV actor in Rosalinda

"It's something I've been waiting to do also, and I've been wanting to do something like this. Kasi SOP na rin ako, nasa TV na rin, might as well umarte na rin, di ba? 'Tsaka hindi naman sa hindi ako umaarte, yun lang, TV nga lang yun, bago sa akin ang medium kaya exciting," says Gian Magdangal.


First full-length acting job ni Gian Magdangal sa telebisyon ang papel niya bilang Gerardo sa upcoming GMA-7 primetime series na Rosalinda, starring Carla Abellana and Geoff Eigenmann.

"Dati pasulpot-sulpot lang, pero dati pa yun, e, sa Love to Love, sa Nginiiig. Ito yung talagang full-length na first talaga," banggit ni Gian sa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Rosalinda.

Bakit ngayon lang siya gumawa ng TV series?

"Unang-una, talagang walang dumating na opportunity, wala, e," pag-amin ni Gian. "People always saw me as the singer 'tsaka theater actor. Yung TV, ibang medium talaga. Sa hosting kasi ako nakilala, sa singing. 'Tsaka siguro wala talaga akong kilala sa faction na yun, so happy ako ngayong nabigyan ako ng opportunity."

Kinausap din daw kasi niya ang manager niyang si Sandra Chavez ng Artist House na bigyan siya ng acting assignments.

"Sinabi ko rin 'to kay Ms. Sandra, na I think this time, baka puwedeng tanungin na baka may opportunity na baka puwedeng mag-audition ako. Tapos yun, nabigyan ako ng opportunity," banggit niya.

Hindi naman na raw niya kinailangan na mag-audtion para sa role niya sa Rosalinda bilang kaibigan ni Fernando Jose, being played by Geoff Eigenmann.

"Fortunately, hindi naman ako pina-audition which was a good thing. Siguro napanood na nila yung mga stage plays na ginawa ko dati. Kaya ayun, nabigay sa akin itong opportunity na ito and I grabbed it right away.

"It's something I've been waiting to do also, and I've been wanting to do something like this. Kasi SOP na rin ako, nasa TV na rin, might as well umarte na rin, di ba? 'Tsaka hindi naman sa hindi ako umaarte, yun lang, TV nga lang yun, bago sa akin ang medium kaya exciting," sabi niya.

FROM STAGE TO TV. Lumabas na sa maraming stage plays si Gian, kabilang na ang West Side Story na tinampukan nina Karylle at Christian Bautista. Paano niya iniba ang approach sa pag-arte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa stage kasi, it's very different. Walang take two dun, everything is done spontaneously. Kung ano na yung nandun, yun na yun, wala nang Take 2, di ba? Dito sa Rosalinda kasi, it's more of the director's call. Sa stage kasi, wala nang magagawa ang direktor kung yun na ang ginawa ng actors sa stage, di ba?

"Dito sa soap opera, yung director mas kontrolado nila yung mga actors nila. Given na si Direk Maryo [de los Reyes], ang galing niyang magtimpla, e, ang galing niya kung paano niya idirek kaming lahat. At first, puro tanong ako, e, kinabahan talaga ako siyempre, kasi first time ko umarte sa TV. Hindi ko alam kung paano yung sobra, kung paano yung kulang. So, nagtitimpla ako.

"Si Direk Maryo naman has been happy with what I'm doing, wala naman siyang objection so far. I'm just trusting him and I'm putting my trust in his whole staff and crew," saad ni Gian.

Hindi naman nahirapan si Gian na straight Tagalog ang Rosalinda, at puro English ang stage plays na ginawa.

"Fluent naman ako sa Tagalog, although it's not my native tongue talaga," sabi niya. "English talaga yung una kong natutunan. High school na lang ako natuto mag-Tagalog. Kaya naman hindi naman sa hirap, it's just that yung pag-iisip ko, English tapos Tagalog. Pero hindi naman ako ignorante."

Halos buong linggo nang napapanood si Gian sa telebisyon, puwera lang kapag Sabado.

"Yup! Monday to Friday [sa Rosalinda], then Sunday sa SOP. At kung makaka-guest sa Startalk, pati Sabado!" natatawang sabi ni Gian, na naging runner-up sa Philippine Idol.

PAPA GIAN. Kamusta si Gian bilang ama sa one-year-old son nila ni Sheree na si Gian Haley?

"As a father, I really enjoy our son, kami ni Sheree," ngiti niya. "Naglalakad na, malikot na. Ngayon, nami-miss ko din talaga siya kasi ngayon, naging mas busy ako. MWF ang taping namin [Rosalinda], kaya kapag walang trabaho, talagang bahay lang ako para makasama ko si Sheree 'tsaka si Haley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Sheree is a full-time mother now, although katatapos lang niya sa Luna Mystika. She's waiting for another opportunity kung meron man, hopefully, magkaroon na rin. In the past, sunod-sunod naman din siya: Lupin, Asero, Luna Mystika. Ako naman ngayon and she's very supportive in what I entered into.

"Tinutukso lang niya ako, sabi niya, 'Naku, baka mamaya wala ka nang oras sa amin!' Mga ganun, pero siyempre, I always make time for my family."

May plano na ba silang magpakasal?

"Napag-usapan na namin yun. Unang-una, gusto naming mamanhikan sa mommy niya, gusto naming siyang puntahan sa States. Pinag-iipunan namin yun. Nasa Virginia yung mommy niya, kasi request din ng mommy niya yun. At the same time, yun din yung napag-agree naming dalawa."

Hindi ba mas matipid na ang mommy ni Sheree ang uuwi dito sa Pilipinas?

"Hindi pa kasi siya makauwi. Hindi pa siya puwedeng umuwi kasi meron pa siyang inaayos na papeles, sa visa niya, sa green card niya," paliwanag ni Gian.

Dagdag niya, "We were really not planning a grand wedding, kung ano lang yung makakayanan namin. Hindi pa din kami nag-civil wedding, and we're not in a hurry din naman. Kami ni Sheree, we are also building a relationship pa and pinapalakas pa namin. We are growing pa naman, and we're very happy together.

"We're still strong. Wala kaming itatapon dun sa kung ano man yung samahan namin. Two years na kami, one year yung baby. So two years na kami, yung kalahati ng relationship namin, puro nakatutok sa baby.

"Buti na lang naba-balance din namin yung relationship namin 'tsaka yung relationship sa baby. Siyempre ang aga ng samahan namin, nagde-date pa lang kami, nabuntis na agad siya. Yun lang, medyo napaaga na nagka-baby na agad. At the back of our minds, nung nagde-date kami, hindi naman kami naglolokohan, e, seryoso na kami sa isa't isa," pagtatapos ni Gian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN