GMA-7 denies reports that Cool Center will be cancelled

Cool Center hosts Anjo Yllana and Eugene Domingo will continue to be seen every Saturday night, contrary to reports that the show will be cancelled.


The Kapuso network refutes reports about the cancellation of Cool Center.

May ilang entertainment columnists ang nagsulat na mawawala na sa ere ang late-night comedy reality show nina Eugene Domingo at Anjo Yllana na Cool Center dahil "malaki na raw ang nalulugi sa GMA-7." Mabilis ang naging pahayag ng GMA-7 para pabulaanan ang tsismis na ito.

Isang official statement ang ipinadala nila sa PEP (Philippine Entertainment Portal) upang pabulaanan ang lumabas na reports.

"Walang katotohanan ang mga naglalabasang balita na mawawala na ang Saturday 'radio talk show' program ng GMA-7 na Cool Center, hosted by Anjo Yllana and Eugene Domingo.

"Sa katunayan, lalong dumarami ang mga masusugid nitong tagapanood at maging mga callers tuwing Sabado ng gabi. Bukod pa rito, nagre-rate ito kaya walang dahilan para tanggalin ito sa kaniyang timeslot. Nitong nakaraang Sabado [June 25], nagtala ito ng 10.3 Mega Manila rating at natalo nito ang katapat na programa.

"Patuloy pa rin sa paghatid ng walang patid na saya tuwing Sabado ang Cool Center pagkatapos ng Imbestigador, sa GMA-7."

Nitong huling Sabado, tinalo ng Cool Center ang kapatat nitong TV Patrol World at wala namang ibinabalita na magsasara na ang pang-Sabadong edition ng evening news ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN