Sid Lucero says Gaano Kita Kamahal? co-star Maricar Reyes is "awesome" to work with

Sid Lucero (left) knows it can't be easy for Maricar Reyes (right) to be known as a victim of Hayden Kho's secret bedroom camera, but he admires how his former schoolmate has been dealing with it. "I am respecting her a lot. Very painful para sa isang babae yun, but she's handling it as if nothing happened. Tuloy ang trabaho niya. That's the best way to handle it."


Nakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sid Lucero sa Podium pagkatapos ng premiere doon ng Bente noong Huwebes, July 2. Sinamahan niya ang pinsang si Ryan Eigenmann, who has a good role in the movie. (Si Sid ay anak ni Mark Gil, samantalang si Ryan ay anak naman ni Michael de Mesa.)

Kinumusta namin tuloy kay Sid ang nangyari sa Cannes Film Festival, kung saan kasama siya para i-represent ang bansa roon para sa pelikulang Independencia ni Direk Raya Martin.

"Nakaka-disappoint dahil tayo lang ang country na may tatlong entries, but we didn't have a booth in the marketplace. It's really sad. There were dozens na wala naman silang entries talaga, but they have booths. Malalaki pa.

"What I learned in Cannes is, in terms of support from our country, parang lugi tayo. Sa ibang bansa, sinusuportahan ng gobyerno ang movies nila, kahit yung iba pa sa Third World. They splurge on the event. Nakakainggit," napapailing na sabi ni Sid.

Pero proud pa rin siya na nakarating, aside from La Independencia, ang iba pang entries ng Pilipinas, ang Kinatay (The Execution of P) and Manila. Nagwagi si Brillante Mendoza bilang Best Director sa Cannes para sa Kinatay.

"The best ang feeling na lalakad ka sa red carpet," sabi ni Sid. "Ang stars talaga doon, yung mga director, e. Photo op lang kami doon. They asked about the films, pero ang focus nila, sa mga direktor."

WORKING WITH MARICAR REYES. Pagbalik dito, ratsada agad sa trabaho si Sid. Kasama siya sa cast ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal? for ABS-CBN, kung saan he's sharing major roles with Jodi Sta. Maria-Lacson and the controversial Maricar Reyes.

"Maricar? I met her in Ateneo before. Schoolmates kami. Ahead lang siya ng a few batches. She's awesome. Light to be with. Even in the wee hours of the morning, tuloy ang trabaho niya, kahit puro iyakan ang mga eksena niya. She keeps a real cheerful mood. Pati yung mood namin, nagiging light dahil magaan siyang katrabaho," paglalarawan ni Sid sa kanyang co-star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang unang pumasok sa utak niya nang malaman niya na ang makakatrabaho niya ay isa sa mga babaeng nasangkot sa sex videos ni Dr. Hayden Kho?

"Exciting na sa akin yung kasama ko si Jodi sa bagong series. When I found out na I will be working with Maricar, I wasn't sure kung sino bang Maricar yun. I wasn't sure kung naging schoolmate ko rin ang Maricar na sinasabi nila. When I met her, I just found out that we went to the same school. Naging kumportable agad from there. It's good experience working with her.

"I don't know how the whole thing affected her, but you know, I am respecting her a lot on how she's handling the situation. Very painful para sa isang babae yun, but she's handling it as if nothing happened. Tuloy ang trabaho niya. She goes to work na parang walang nangyari. She's making the most out of it. That's the best way to handle it.

"I really don't know her that well. Hindi naman kasi kami talaga magka-batch noon. Basically, yung thing na common na yun sa amin, naging mas madali rin para sa amin ang maging kumportable with each other. Not much effort for breaking the ice," pagwawakas ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN