Victor Basa keeps Saab Magalona's friendship; takes gentleman's attitude towards ex-girlfriend's denial

Victor Basa's friendship with Saab Magalona seemed to be deepening into something more until the untimely death of her father, Francis Magalona. Victor, who plays a priest in May Bukas Pa, said: "I'll be happy to be her friend. I'm just here if she needs to talk to someone."


After being linked with his fellow ABS-CBN star Valeen Montenegro, nabalitaan naman ang special relationship na namagitan kina Victor Basa at Saab Magalona. Isang relasyon ito na kung tutuusin ay wala namang hadlang dahil both are single and free from any commitment, but it didn't flourish into something deeper, at ang malaking rason ay ang pagkamatay ng Master Rapper na si Francis Magalona, ang ama ni Saab.

"We're friends. I could hope for a relationship pero sa ngayon I don't think she's in the position to have a relationship. She's busy with her school, kamamatay lang ng daddy niya. Basta sa ngayon I'll be happy to be her friend.

"Friends muna, I'd rather be a friend, I want to keep her all the time. I'm just here if she needs to talk to someone."

Nang tanungin namin kung anu-ano ba ang mga qualities ni Saab na nagustuhan niya dito, inisa-isa naman sa amin ni Victor.

"Well, she's very refreshing, nakakatuwa siya, napakabait niyang tao."

Pero kung matibay ang pagkakaibigan nina Victor at Saab, mukhang taliwas naman ang nangyari kina Victor at Valeen, ang nabalitang dating girlfriend ng hunk actor. May lumabas ngang balita noon na sa isang birthday presscon na binigay ng Star Magic ay hindi raw nagpansinan ang dalawa.

"Di naman nag-isnaban. Nakita ko ini-interview siya, so ayoko namang mag-interrupt kasi baka ma-cut yung interview niya, but okey naman kami ni Valeen."

Pinagtakhan ng marami na kung inamin ni Victor na may espesyal na namagitan sa kanila ng young actress ay tigas naman ang pag-deny ni Valeen na nagkarelayson sila.

"Well, we weren't officially together naman daw. Sa istorya laging may two sides of the coin. Masakit na i-deny but for me as a guy, it's up to the girl kung gusto niyang i-confirm or i-deny ang isang relationship for whatever reason she has. Magpapaka-gentleman na lang ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Playing one of the priests in May Bukas Pa, masaya si Victor sa consistent na mataas na ratings ng nasabing soap opera ng Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN