Are You the Next Big Star? eliminates first two contenders

With the elimination of Justin Francis (left) and Rachel Gabreza from Are You the Next Big Star, the Circle of 16 is now the Circle of 14. Their number will continue shrinking by two in the weeks to come. Stardom awaits the best of the lot.


Naging malaking surprise sa lahat ang naganap kagabi, Saturday, July 4 sa Are You The Next Big Star? dahil hindi lamang ang announcement ng bottom three male and female contenders ng Circle of 16 ang naganap.

Bago ang show kagabi, sinasabi nang may magaganap daw na big announcement. Yun pala, ang big announcement ay ang kauna-unahang pag-eliminate na ng one male at one female among the bottom three.

Sa hanay ng mga lalaki, sina Greggy Santos, Anton Cruz at Justin Francis ang mga pumasok sa bottom three at si Justin ang kauna-unahang na-eliminate among the eight boys.

Si Justin ay ang 19 years old na Fil-Am contestant from San Francisco, California.

Sa hanay naman ng mga babae, sina Shane Tarun, Cara Quiapos at Rachel Gabreza ang pumasok sa bottom three, at ang hindi pinalad na magtagal pa ay si Rachel na siyang unang na-eliminate naman among the girls.

Si Rachel ang 16 years old na galing Cebu.

Patuloy pa ring maglalaban-laban ang remaining 14 contestants, seven boys and seven girls na magpapakitang gilas sa kani-kanilang individual performances every Saturday night, after Pinoy Records.

Ang 14 contestants na natitira at may tsansa pang matanghal na next big male and female big stars at the grand final ay sina Geoff Taylor, Alex Castro, PJ Gonzales, Bobby Solomon, Jay Perillo, Anton Cruz and Greggy Santos among the boys; at sina Zyrene Parsad, Alexa Ortega, Camille Cortez, Cara Quiapos, Francheska Farr, Shane Tarun at Christine Allado sa mga babae.

After the elimination round last night, balik uli sa individual performances ang 14 contestants at walang voting na magaganap, but it's still the judges' choice and judgment ang masusunod.

Of course, ang Are You The Next Big Star? is still being hosted by Ms. Regine Velasquez kasama si Keempee de Leon, and the set of judges is composed of Annie Quintos, Mon Faustino, Danny Tan, Randy Santiago and Pops Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN