Carlo Aquino says Maja Salvador is free to date anyone while he's courting her

"Wala kang makikitang katulad niya kasi mabait, maalagain..." says Carlo Aquino about Maja Salvador.


Romantically linked ngayon ang young actor na si Carlo Aquino sa young actress na si Maja Salvador. Ito'y matapos aminin ng aktres sa kanyang past interviews ang patuloy na pagdalaw ni Carlo sa kanilang tahanan.

Maganda ang simula ng pagli-link na ito sa dalawang kapwa mahusay na artista, o lalo't isa sa most sought-after young actresses ngayon si Maja. Ang pagkumpirmang 'yon ng aktres ay nasundan pa nga ng pagpapa-interview naman ni Carlo Aquino sa isang nightly showbiz talk show.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na wala mang pinagkakaabalahang regular TV show, o ipino-promote na pelikula, ay abala si Carlo sa pagtugtog, pag-compose ng mga kanta, at pagpe-perform. Huli siyang napanood sa afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA-7.

"As of now, wala pa po akong ginagawa. Lie low muna, gawa-gawa ng mga kanta," sabi ni Carlo.

YOUNG LOVE. Kung lie low sa kanyang career ang binatang aktor, ganun din kaya sa kanyang lovelife?

Maaaring ang pag-amin ni Maja ang kasagutan sa tanong na hindi "lie low" sa lovelife si Carlo, at malinaw na panliligaw kay Maja ang ibig sabihin ng pagdalaw-dalaw niya sa bahay ng dalagang aktres.

Maiisip ding maaaring gimik lang ang pagbanggit ni Maja ng tungkol sa diumano'y pagdalaw sa kanya ni Carlo, habang kasagsagan ang promo ng pelikulang Villa Estrella, kung saan isa sa mga bidang aktres si Maja.

Anuman ang totoong rason, naging vocal si Maja tungkol sa gumagandang special friendship nila ni Carlo.

Back on track nga ba sa panliligaw ngayon si Carlo kay Maja, matapos maunsiyami noon ang pagkakamabutihan nila? Highly in love nga ba si Carlo kay Maja?

"Nagkikita kami paminsan-minsan, kasama ang family niya...lumalabas kami. Okey naman," sabi ni Carlo.

Sa ganitong set-up, may nilinaw rin si Carlo, bagama't hindi niya tahasang inamin ang anumang relasyon nila ni Maja—kung meron man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, for me... I'm not saying na hindi siya puwedeng mag-date ng iba. Bahala siya. Kung ano ang gusto niya, kung saan siya masaya," pahayag ng dating child actor.

Bahala na rin ang publikong manghula kung anong uri ng relasyon, o pamimintuho ang ginagawa ni Carlo, na hahayaan din niyang makipag-date sa iba si Maja, habang nililigawan niya.

"Kakaiba, e," ito ang deskripsiyon ni Carlo sa pagkatao ni Maja Salvador.

Dugtong pa niya, "Wala kang makikitang katulad niya kasi mabait, maalagain..."

At masarap din nga bang magmahal si Maja?

Ngiti lang ang isinagot sa tanong na ito ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN