Joross Gamboa says it pays to be a loyal Kapamilya

"Sa tingin ko, it's worth it naman. Although, siyempre, time lang naman ang makakapagdesisyon kung ano ang mangyayari talaga. Naniniwala naman ako na as an actor, marami pa rin akong puwedeng gawin na hindi ko pa talaga nagagawa or naipapakita," says Joross Gamboa about being a loyal Kapamilya.


Isa Si Joross Gamboa sa main cast ng upcoming series ng ABS-CBN na Pat Is Tin. Ayon sa creative manager ng show na si Gina Marissa Tagasa, hindi mo puwedeng i-categorize na dramedy, comedy, o isang genre lang ang Pat Is Tin dahil lahat daw ng sangkap sa isang soap opera ay matatagpuan na sa bagong show na ito ng Kapamilya network.

Story conference pa lamang ng Pat Is Tin kahapon, July 7, sa Congo Grill kung kaya't present halos ang lahat ng artistang involved. Kahapon lang din nalaman ng cast kung ano ang character na gagampanan nila. Joross will be playing the role of Pat's best friend.

Matagal-tagal na rin ang huling regular series ni Joross sa ABS-CBN, ang Eva Fonda with Cristine Reyes. At ngayon nga ay muli siyang mapapanood sa Pat Is Tin.

"Happy naman ako that I have a new show, ito ngang Pat Is Tin. Matagal-tagal na rin kasi yung last regular soap. Then, yung mga sumunod, more on guesting-guesting, like yung last nga, sa Maruja. Although, may ginawa rin naman akong MMK [Maalaala Mo Kaya] a few weeks ago. So, okay naman," sabi ni Joross sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Okey naman ba siya being the friend of the female star at hindi siya ang talagang leading man?

"Okey naman," sagot ni Joross. "Kapag umandar naman ang flow ng palabas, doon na lumalabas talaga kung ano yung gagawin. Meron naman kasing iba, ang ganda ng role mo sa simula, pero kapag pinalabas na, di ba?"

Natawa si Joross nang sundutin namin kung based ba sa naging experience niya ang sinabi niya.

"Wala, basta ganun!" natatawa niyang sabi.

"Hopefully, before the end of July ay makapagsimula na rin daw sila ng taping. Although, wala pang masabi ang production kung anong timeslot nga ba ito at kung posibleng ito ang pumalit sa Kambal sa Uma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Right now, excited ako. Excited akong muling umarte sa isang full-length series," sambit niya.

LOYAL KAPAMILYA. In fairness, isa si Joross sa Kapamila stars na masasabing loyal sa network na naka-discover sa kanya via Star Circle Quest. Meron o wala man siyang project, hindi niya naiisip ang gumaya sa ibang artistang na nangingibang-bakod. Masasabi ba niyang it still pays to be loyal?

"Oo naman," sagot niya. "Sa tingin ko, it's worth it naman. Although, siyempre, time lang naman ang makakapagdesisyon kung ano ang mangyayari talaga. Naniniwala naman ako na as an actor, marami pa rin akong puwedeng gawin na hindi ko pa talaga nagagawa or naipapakita.

"Ngayon naman, sa bago naming series, hindi lang siya isang sangkap nga na comedy or drama, meron pang konting horror. So, bago naman."

Pero hindi inaalis ni Joross na sana mabigyan din siya ng chance to do a serious drama series.

"Oo, gusto ko rin...gusto ko rin magkaroon. Kasi yung Maalaala Mo Kaya na ginawa namin ni Megan Young, maganda naman ang feedback. Sabi naman, mataas naman daw ang naging rating. So, happy naman ako sa resulta," saad niya.

Sa palagay kaya ni Joross ay nagkaroon ng effect sa kanyang career ang pag-alis niya sa poder ng Star Magic? Ngayon kasi ay mina-manage na siya ni Becky Aguila, na manager din nina Angel Locsin at Valerie Concepcion.

"Sa lahat naman nagkakaroon ng effect," sagot niya. "Pero, kumbaga, hindi naman ako nagsisisi or whatever. Kasi kung ano yung kinalalagyan ko ngayon, galing yun sa past ko. So, happy naman ako. Ako kasi yung taong hangga't maaari, I don't regret."

Masaya naman daw si Joross with everything that is happening in his life. Aminado siyang masaya siya sa kanyang model girlfriend. Tuluy-tuloy pa rin daw ang pag-aaral niya ng Mass Communications. Third-year college na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nagkakaroon din ng impression na ang focus niya ay ang kanyang lovelife?

"Hindi naman," sabi ni Joross. "Besides sa work naman, ngayon lang ulit ako nabigyan ng series, so saan ako magpo-focus? And I know naman what my priority is, I know kung ano ang commitment ko. Never naman nangyari na kahit may girlfriend ako, napabayaan ang work. Never naman nangyari yun. It's one thing na nagagawa kong i-balance, along with family and my schooling."

KATRINA HALILI. For a time, naging item din sina Joross at Katrina Halili. Pero halatang umiiwas ang young actor na magbigay ng anumang reaksiyon tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Katrina ngayon.

"Sana maging okey siya sa lahat ng pinagdadaanan niya ngayon... Sana ma-overcome nilang dalawa, even si Hayden Kho. Yun lang. Kumbaga, magpakatatag lang at ma-overcome lang niya lahat ng nangyari," pahayag ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN