Jake Cuenca says "harutan" with Melissa Ricks just proves they're good friends

"Siyempre, magkaibigan naman kami ni Melissa. Hindi naman masama na kausapin siya. Masayahin na tao si Melissa. Siyempre magkaibigan kami, nag-uusap kami, naghaharutan. Simbolo lang yun ng pagkakaibigan at wala namang masama dun," explains Jake Cuenca.


Sa kabila ng kanyang pagiging hunky actor, isang negatibong isyu ang ipinupukol kay Jake Cuenca ngayon. May lumalabas kasing report na may halitosis o bad breath ang Kapamilya actor, at ang itinuturong nagkalat daw nito ay ang nakapareha niya sa unang episode ng Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers na si Cristine Reyes.

Pero ipinagkibit-balikat lang ni Jake ang nasabing issue at naniniwala siyang hindi masasabi iyon ni Cristine sa kanya. Bukod sa hindi raw ito totoo ay wala naman silang pangit na pinagsamahan ng young sexy actress.

Maging si Cristine ay itinanggi na may sinabi siyang ganun tungkol kay Jake.

Sa shooting ng "Hawak Kita, Hawak Mo Ko," isa sa episode ng trilogy movie na Pangarap Kong Jackpot ng Golden Lion Films at PCSO, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake kung na-bother ba siya na may ganung tsismis tungkol sa kanya.

"Bothered? Not at all because I knew that from the very beginning na hindi totoo 'yan. Gaya ng sinabi ko, okey naman ang pagkakaibigan naming ni Cristine. Yun ang talagang pinaniniwalaan ko, paninindigan ko until the end. We have a good run in Bud Brothers," saad niya.

Open pa rin daw si Jake na makatrabaho ulit si Cristine.

"I'd like to work with her in the future again," sabi niya. "I can say she' a very nice whole person. Ako, my prayers are with her, sana maging mas klaro ang buhay niya. Ang daming gulo, ang daming complications, hopefully maayos yun in the near future. Alam ko naman na masu-surpass yun ni Cristine. Mabait naman talaga siya and she deserves to be happy as well."

Speaking of Cristine, kinumpirma nito na nag-break na talaga sila ni Dennis Trillo noong May. Si Dennis ay nagkataong best friend naman ni Jake.

Sa kasagsagan ng taping noon ng Bud Brothers nina Jake at Cristine, nabalita na tumatawag at nagte-text daw ang young actor sa young actress para dumiskarte. Pero minura raw siya ni Cristine at sinabihang tumigil sa panliligaw sa kanya. Pinabulaanan naman ito ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko kayang gawin 'yan, best friend ko si Dennis. Tulad ni Dave [Jake's character] sa Tayong Dalawa, talagang paninindigan ko ang 'Bok, walang talo-talo.' Ang sa akin lang, I can't do that to my best friend. Pangalawa, kaibigan ko rin naman si Cristine at never akong nagbigay ng malisya sa kanya dahil hindi ko kayang gawin yun sa kaibigan ko.

"Wala din akong number ni Cristine, pag may kailangan akong sabihin sa kanya, hindi ko man sabihin sa set, ipaparating ko muna kay Dennis. Respeto ko na lang sa kaibigan ko," paglilinaw ni Jake.

MELISSA RICKS. Naging open noon si Jake sa pagsasabing hinahangaan niya si Melissa Ricks. Hindi rin itinanggi ng binata na totoong nagpapadala siya ng pagkain sa condo unit ng young actress. May balitang lumabas na sweet at panay raw ang harutan nila ni Melissa during Star Magic concert tour sa U.S. Totoo ba ito?

"Siyempre, magkaibigan naman kami ni Melissa. Hindi naman masama na kausapin siya. Masayahin na tao si Melissa. Siyempre magkaibigan kami, nag-uusap kami, naghaharutan. Simbolo lang yun ng pagkakaibigan at wala namang masama dun," paliwanag niya.

Dagdag ni Jake, "Talagang espesyal naman si Melissa. Tulad ng sinabi ko dati, hindi ko ide-deny na admirer niya ako, kasi talaga namang kahanga-hanga siya as a person."

Pero sa kabila ng mga balitang ito ay consistent din ang paglabas ng mga balita na wala talagang katotohanan at press release lang ang mga sinasabi ni Jake dahil ang tototong may relasyon daw ay sina Melissa at Rayver Cruz. Bukod kay Sarah Geronimo ay front lang din daw si Jake sa totoong relasyon nina Melissa at Rayver.

Ano ang masasabi rito ni Jake?

"Kung mayroon man silang relationship o pagsasamahan, wala akong karapatang magsalita. Wala akong karapatang magselos dahil magkaibigan lang naman talaga kami. Ang masasabi ko lang, kung sinuman ang mai-involve kay Melissa, kung sinuman ang magiging parte ng buhay niya ay napakasuwerte," saad ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PANGARAP KONG JACKPOT. Sa pelikulang Pangarap Kong Jackpot ay kasama ni Jake sa episode na "Hawak Kita, Hawak Mo Ako" si Megan Young. Sa dalawa namang episodes ay tampok ang veteran actor na si Eddie Garcia at ang Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao.

"Bale trilogy siya for PCSO [Philippine Charity Sweepstakes Office], directed by two of the biggest action directors in the country, talagang alamat sa industriya—sina Direk Carlo J. Caparas at Direk Toto Natividad. So, napakalaking karangalan na makasama ako dito.

"Bale may sarili akong istorya kasama ko si Megan, it's an action-drama. I play the role of Aldrin. Ipinapakita dito yung hirap ng buhay, kung gaano kamalas na tao si Aldrin. Lahat ng magagandang pangyayari sa buhay niya nawawala dahil kasalanan din naman niya at babaguhin yun ng pangarap kong jackpot," lahad ni Jake.

Aminadong hinayang na hinayang si Jake dahil magkahiwalay ang episode nila ng hinahangaang boksingero na si Manny Pacquiao.

"Sayang nga, e, kasi fan na fan ako ni Manny, pero napakalaking honor na rin na magsi-share kami ng isang stage together, na pinaghati kami sa pelikulang ito. So, malaking bagay na rin yun. Para sa akin, malagay lang ang pangalan ko sa billboard o sa poster nito na kasama si Manny Pacquiao or si Mr. Eddie Garcia, malaking bagay na yun para sa akin," pagtatapos ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN