Jericho Rosales optimistic about the return of his loveteam with Kristine Hermosa

"I'm very optimistic sa pagbabalik ng team-up namin ni Kristine. Mararamdaman mo yung sarili mo, yung excitement. Kapag ganoon, you tend to give your best. Grabe ang clamor for our team-up. Matagal kaming nawala together, 'tapos, hanggang ngayon, marami pa rin ang humihiling. Excited na rin sila. It's a good sign," says Jericho Rosales about the return of his team-up with Kristine Hermosa.


May nagaganap na Western Union concert series at isa si Jericho Rosales sa lagi nang itinatampok dito. Overwhelmed si Echo na ang kumpanyang kilala sa serbisyo ng money transfer ay may tiwalang makakahikayat din ang gaya niya ng awareness sa publiko.

"Ang last big concert ko, yung sa Music Museum pa," sabi ni Echo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Then, nagkaroon nga sa Aliw Theater, tapos sa Cebu at Davao. Exciting para sa akin na magagawa ko kung ano yung gusto ko talaga, which is performing.

"I always give it my best shot. Maganda nga ang feedback. Marami ang hindi nakakaalam na I can perform daw pala that way. Siguro naman, nasanay na rin kasi ako. Parehong successful yung sa Davao at Cebu," kuwento pa ng singer-actor.

Praktisado si Echo batay sa performance sa Gintong Galing ng Pinoy concert na ginanap sa Aliw Theater. Kasabay nito, nagri-record si Echo ng bagong album para sa Star Records.

"Puro music, music, at music ang ginagawa ko lately," nangingiting sabi ng binata. "Sa next album ko, maglalaman siya ng real nice classic songs. There's a couple of original songs pa na isinulat ko rin. Collaboration with different arrangers ang concept ng album. Different arrangers sa bawat track. Iba-iba rin ang guitar. It will be a guitar-driven album. Kahit walang banda this time, tunog-classic pa rin siya."

REUNION WITH KRISTINE. Nag-umpisa na rin si Echo ng Dahil May Isang Ikaw, bagong teleseryeng magtatampok sa balik-tambalan nila ni Kristine Hemosa sa ABS-CBN. This time, kasama pa niya sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.

"Ang airing namin, sa September pa," banggit niya. "Very good. Marami lang naging adjustments. May delays lang, like sa concept mismo, may mga binago. Nag-shoot na kami, then nag-break muna.

"I'm very optimistic sa pagbabalik ng team-up namin ni Kristine. Mararamdaman mo yung sarili mo, yung excitement. Kapag ganoon, you tend to give your best. Grabe ang clamor for our team-up. Matagal kaming nawala together, 'tapos, hanggang ngayon, marami pa rin ang humihiling. Excited na rin sila. It's a good sign. They presented na agad a good story, and after that, magaganda yung signs na feeling ko, magiging successful ang teleserye."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN DEFENSE OF HEART. Sa taping nga raw, nagbibiruan lang sila ni Kristine, kinikilig na yung mga tao sa set. Talagang burado na yata ang tambalan nila ni Heart Evangelista, na sinisisi pa sa pansamantalang pagdausdos ng career ni Echo noon.

"Hindi naman totoo 'yan," pagdepensa ni Echo kay Heart. "It's because of my own doing kaya bumagsak ang career ko noon. Noong kami pa ni Heart, that was the time that I thought of getting away muna from acting. That was the time that I really wanted to establish music. Mahirap talaga yun. Kilala ako as an actor, hindi pa alam ng mga tao kung ano ang kakayanin ko sa pagkanta.

"Saludo ako sa naging relasyon namin ni Heart noon. In fairness, sinuportahan ako ni Heart noon. Maski sa pagpasok ko sa music. Mahirap ipaliwanag yun sa mga tao noon. Maliban na lang kung tinatanong ako, at saka lang ako nagsasalita tungkol sa aming dalawa.

"Nag-step back ako noon, e. Na-burnout ako. Kasi, konting sakripisyo lang. Ang pagkanta ang gusto ko ring gawin. Heart was there, and she supported me all the way. Mukha lang na may ganoong impression," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN