Annabelle Rama on dismissal of Richard's libel suit vs PEP: "Hindi pa tapos ang laban!"

"First round pa lang 'yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban! Sure winner si Richard dahil umamin ang PEP sa kanilang pagkakamali. First round pa lang 'yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban dahil kakampi ko ang Diyos!" says Annabelle Rama about the dismissal of the libel suit filed by her son, Richard Gutierrez, against PEP.


Hindi natutuwa si Annabelle Rama sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang libel case na isinampa ng kanyang anak na si Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal). (Click here to read related article.)

Sa exclusive interview ng writer na ito kay Annabelle sa pamamagitan ng cell phone ngayong umaga, July 9, ni-lambast ng ina ni Richard ang desisyon ng DOJ, at nagdeklara siya na "hindi pa tapos ang laban."

"Marami ang tumatawag sa akin kahapon [July 8] para interbyuhin ako, pero wala ako sa mood. Ngayon pa lang ako magsasalita dahil nasa mood na ako. Kailangang isulat mo ang lahat ng sasabihin ko para mauna ka dahil ito rin ang sasabihin ko sa mga mag-iinterbyu sa akin bukas," pauna ni Annabelle sa pakikipag-usap namin sa kanya.

Patuloy niya, "May naglakad sa kaso dahil sa Makati kami nag-file, pero isang araw pa lang ang hearing, biglang nalipat sa DOJ ang kaso. Bakit hindi pinagbigyan ang fiscal ng Makati na maimbestigahan muna niya ang kaso? Wala bang tiwala ang DOJ sa mga prosecutor ng Makati? Bakit kinuha sa Makati ang kaso? Nagulat na lang kami dahil biglang sa DOJ ang hearing. May dumukot sa kaso.

"Sayang ang DOJ Prosecutor na si Sytat [Mary Jane W. Sytat, acting city prosecutor ng Makati City]. Siya ang humawak sa kaso ni Richard. Nagpadala siya sa mga sulsol. Bata pa naman siya. Malayo pa sana ang kanyang mararating. Paano pa siya magiging Justice? Hindi niya ni-review ang kaso dahil kung ni-review niya ang kaso, hindi matatalo si Richard.

"At yung lawyer ng PEP, alam ko na ngayon kung bakit tatawa-tawa siya. Alam niya na madi-dismiss ang kaso dahil nilakad niya. Ayokong banggitin ang pangalan niya. Basta, malaki ang kanyang mata at malalaki ang litid niya sa leeg!

"First round pa lang 'yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban! Sure winner si Richard dahil umamin ang PEP sa kanilang pagkakamali. First round pa lang 'yan. Mag-enjoy sila. Hindi pa tapos ang laban dahil kakampi ko ang Diyos!" pahayag ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam kay Annabelle, sinabi nito na ipinauubaya ni Richard sa kanilang legal counsel na si Atty. Angelica Y. Santiago ang mga susunod na hakbang. Ayon pa sa talent manager, nagulat din daw si Richard nang ilipat sa DOJ ang kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN