Richard Gutierrez "ought not to be onion-skinned"— DOJ

"Being a public figure, complainant [Richard Gutierrez] ought not to be onion-skinned and be able to absorb the thrust of public scrutiny," wrote acting Makati City prosecutor Mary Jane W. Sytat in her resolution on the libel case filed by actor Richard Gutierrez (in photo) against PEP.


Kahapon, Hulyo 9, natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa P25-million libel suit na isinampa ng aktor na si Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa 24 Oras, ibinalita ng GMA-7 reporter Nelson Canlas na ayon sa DOJ resolution, "Bilang isang aktor, si Richard ay isang public figure at hindi raw dapat balat-sibuyas."

Ang tinutukoy niya ang naturang paragraph sa DOJ resolution kung saan nakasaad ang sumusunod:

"Being a public figure, complainant [Richard Gutierrez] ought not to be onion-skinned and be able to absorb the thrust of public scrutiny."

Ang naturang DOJ resolution ay isinulat ng Acting Makati City Prosecutor na si Mary Jane W. Sytat noong ika-30 ng Hunyo.

Sa isang panayam ng 24 Oras sa abogado ng PEP na si Atty. Sandra Marie Olaso-Coronel, sinabi nito na, "Naghain kami ng ebidensiya, yun ang nangyari. By law, talagang walang libel na nangyari."

Ayon naman sa report ni Ginger Conejero para sa TV Patrol World ng ABS-CBN, panalo raw sa Round 1 ang PEP sa kasong ito. Sinabi nito na bagamat may pagkukulang ang PEP sa paglabas ng balita, hindi pa rin napatunayan na may malisya sa paglabas ng ulat.

Binanggit din ng TV Patrol World na iaapela ng mag-inang Gutierrez ang kaso dahil nabahiran diumano ang reputasyon ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN