First-time film producer Boy Abunda is all praises for Dennis Trillo's performance in Astig

"I don't know how to say it, but it's so out of character, that's what makes it a beautiful performance. It's so out of character, yet it's in his character in the film. He's so good," says Boy Abunda (in photo) about Dennis Trillo, the lead actor in the indie film Astig, which Boy Abunda produced.


Ang pelikulang Astig, na entry sa Cinemalaya Film Festival 2009, ang kauna-unahang attempt ng talent manager-TV host na si Boy Abunda sa movie production. Kasama niya rito bilang co-producer ang businessman na si Boy So, na isa rin sa may-ari ng La Carmela Restaurant sa Makati at La Carmela Beach Resort sa Boracay.

During the press conference of Astig yesterday, July 9, itinanong kay Boy Abunda kung bakit niya naisipang pumasok sa indie-film production.

"Pampalawak lamang... Alam mo yun, parang tinatanong ako kung bakit ako pumasok sa eskuwelahan? I want to grow, so pampalawak ng kaalaman. Pampalawak ng karanasan," panimula ni Boy sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Patuloy niya, "Napag-usapan namin ni Boy So na gusto naming lumakad sa red carpet sa Cannes Film Festival. Totoo yun! We were trying to look for a material that we can produce... Actually, ilang years na kaming nagpaplano, pero hindi matuluy-tuloy. GB [Sampedro, director of Astig] called me and said he has this story. And we have saved a little money for producing an indie film. So, we don't have a scientific approach in producing a movie. Nasuwertehan lang namin na maganda ang istorya na nakuha namin and the people helping us are all good, very efficient.

"Sa tanong kung ano ba talaga ang intensiyon namin kung bakit ba kami nag-produce ng pelikula, I think, it's happening in real life. Hindi masyadong pinaplano, hindi masyadong pinag-iisipan. Nangyayari dahil dapat mangyari, at yun ang next step mo dito sa industriya.

"Sabi ko nga, from managing, from hosting, I have to go somewhere. I got into films. Suwerte lang ako dahil napakayaman ng partner ko. Ganito 'yan, nag-usap kami, 'Ito Boy ang ating pelikula. Hindi tayo rito kikita if you shared this with me.' Sabi niya, 'Ako, gusto ko lang, makasali tayo sa international film festival dahil hindi ka naman talaga kikita rito.' Pero sabi ko, 'Siguro makakabawi tayo rito in about two, three years. Iikot tayo sa mga eskuwelahan, siguro in due time.' Hindi pa natin napag-aaralan, pero I would like to say, napanood niya [Boy So] yung buong pelikula, yung ngiti lang niya, masaya na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At dahil sa yaman ng aking kaibigan, na ang yaman naman ay hindi kinurakot kung saan, na ang aming pera ay pinag-combine, ang sarap makatrabaho kasi ng partner na hindi naghahanap ng gana muna. And also, Boy as businessman, he knows that this is long- term. Sabi ko nga, 'Boy, siguro by the time that we are producing our third, fourth film, baka dun pa lang tayo na, 'A, okay!' Dun pa lang," mahabang lahad ni Boy.

Pero nandoon pa rin daw sila sa realidad na nagpo-produce sila and they would want to make sure na hindi naman sila mawawalan ng kakainin or kabuhayan.

GUNNING FOR AWARDS. Dahil ang Cinemalaya ay isang competition ng mga kalahok na pelikula, ano expectations nila in terms of awards?

Sa pananaw kasi ng direktor ng pelikula na si GB Sampedro, wala namang hindi nangarap na makakuha ng awards, pero ang magustuhan lang daw ng mga manonood ang movie na ginawa nila ay sapat nang karangalan.

Pero sinalungat ito ni Boy.

Aniya, "Ginagalang ko ang sinabi ni GB na magustuhan at magandahan ang manonood. Ipinagdarasal ko 'yan. I know how it feels to lose, but I am more used to winning and I'd like to win in this movie. I'd like Dennis [Trillo] to win. I'd like Sid [Lucero] to win. I'd like everybody to win.

"Hindi na ako magdadalawang-salita pa, opo! Ilang beses na akong lumuhod sa Baclaran para manalo. Ang sarap-sarap manalo! Kung magugustuhan ng mga manoood, bonus na yun. Pero dito sa aming pelikula, ang una kong priority, tutal lugi na rin lang kami, ay ang manalo! Aba, mainam nang magsabi ng totoo.

"Kung magugustuhan ng manonood, aba, okey yun. Pero siguro, nakaka-apat na luhod na ako sa Baclaran para manalo. Kahit tatlo, apat na awards... Kung hindi, aba, e, letse-letse, magkita-kita tayong muli! Para n'yo nang awa, sa mga judges, papanalunin n'yo po kami! Lugi na nga kami rito, hindi pa kami manalo!" birong totoo ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DENNIS TRILLO. Abot-langit halos ang mga papuring binitawan ni Boy para sa isa sa bida ng pelikulang Astig na si Dennis Trillo, at kung paano siya mas lalong bumilib dito bilang isang aktor. Biro tuloy kay Boy ng ilang press, baka "in love" na siya kay Dennis.

"No, pero ang galing niya talaga sa pelikula!" bulalas ni Boy.

Isa sa napansin ni Boy na eksena ni Dennis ay ang pagmumura nito na ang galing-galing ng pagkakabitaw ng aktor.

"I watched the film from its rough cut to the final cut, ang galing! Ang galing niya!"

Napanood na raw ni Boy si Dennis on his previous films.

"That's why nga nagagalingan ako sa kanya dahil... I don't know how to say it, but it's so out of character, that's what makes it a beautiful performance. It's so out of character, yet it's in his character in the film. He's so good!" papuri ni Boy sa Kapuso actor.

Sa palagay kaya ni Boy, kung nagkataong hindi siya ang producer ay tatanggapin pa rin kaya ni Dennis ang Astig, na kauna-unahang indie film ng aktor?

"Palagay ko," sagot ni Boy. "Material ang pinag-uusapan dito, because I know na noong nabasa niya ang material, umoo agad."

Boy is affiliated with ABS-CBN, how come isang GMA-7 artist ang napili niyang magbida sa kanyang first indie film?

"Dapat, ang independent film should be able to break the barriers, di ba? Siyempre, kapag nagka-casting ka, maraming pangalan 'yan. Pero isa dun sa ninais naming tumanggap ng role was Dennis Trillo. Pero it's a lie to say na si Dennis lamang.

"Kasi, kapag nagpo-produce ka naman ng independent film, una, wala ka namang perang pang-offer na malaki. This is not as if you're paying an actor what is due them, what they deserve. So, may mga pangalan ka at isa sa pangalang pinangarap namin was Dennis," paliwanag ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUFFA-JOHN LLOYD ROMANCE. Being a friend to The Buzz co-host Ruffa Gutierrez, hindi rin nakaligtas si Boy na tanungin kung sa palagay niya ay wala talagang relasyon sina Ruffa at John Lloyd Cruz, gaya ng sinasabi ng TV host-actress.

"Hayaan natin...ayokong pakialaman," iwas ni Boy. "Magkaibigan yung dalawa. Kung saan mapunta yung kanilang pagiging magkaibigan, bilang magkaibigan ng dalawa, I will celebrate their friendship. Pero ayokong pangunahan."

What does he mean by "hayaan" sila?

"Hayaan natin where they are," sagot niya. "They are good friends. They are starting a good friendship. Where it will lead them, hayaan natin. Ano ba ang sinasabi nila? That they are friends? They are friends. They are getting to know each other."

Sa palagay niya, hindi pa talaga sila?

"A, 'yan ang hindi ko masasagot!" bulalas ni Boy. "Palagay ko lamang ay hindi pa. I mean, I cannot answer the question kung sila na nga or hindi dahil hindi ko sasakupin 'yan. Pero ang alam ko lamang, they are getting to know each other, they are good friends, and I think it's safe to say that they like each other and they were together for lunch in L.A., and Ruffa helped Lloydie get to the hotel because she's familiar with the area. Yun ang alam ko lang."

Pag-amin ni Boy, bilang kaibigan ay nagko-confide naman daw sa kanya si Ruffa. At aniya, "Magkaibigan sila. Naniniwala ako dun, buong-buo. Totoo yun."

GELLI DE BELEN. Kinumpirma na rin ni Boy na nasa pangangalaga na niya ang TV host-actress na si Gelli de Belen, pagkatapos pumanaw ng manager ng huli na si Douglas Quijano.

"Gelli has joined me, yes. Logical naman yun dahil, siyempre, I manage Ariel Rivera [Gelli's husband]. And formalities na lang yun, at pamilya si Gelli," sabi ni Boy.

Si Gelli ba ang lumapit sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't think it's a question on... I expected Gelli to actually call me; and I think Gelli expected me to call her and take good care of her because she's married to my original artist. Hindi iba sa akin si Gelli."

Open pa rin ba siya sa ibang talents ni Douglas if ever na magpa-manage sa kanya?

"You know, ang natutunan ko rito sa industriya ay ang hindi magsara. Ngayon, sobra akong busy. Sinasabi ko na hindi ko masyadong hawak ang panahon ko, but hindi ako nagsasara sa buhay ko. Masama ang nagsasara," sagot niya.

MARIAN RIVERA. Tinanong din kay Boy kung kumusta na sila ni Marian Rivera at ng manager nitong si Popoy Caritativo. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Boy at ng kampo ni Marian noon.

Dahil si Dennis ay mina-manage din ni Popoy, ibig bang sabihin nito ay okay na sila ni Marian?

"We never had any gap," paglilinaw ni Boy. "Kahit noong mga panahon na parang hindi kami nagkakaroon na pagkakaunawaan ni Marian, Popoy remained a professional. And Marian and I, I'm very fond of the girl. We spoke already. Hindi man kami nagkikita, pero we're okay. Wala kaming problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN