Snooky Serna looks forward to working again with director she calls "Hitler"

Snooky Serna almost didn't get the mother role in Sagrado Pamilya after getting on the bad side of demanding director Joel Lamangan. "He's not entirely comfortable to work with," said the equally straight-talking Kukay. But after getting to know him better, she said, "Yung side niya na para siyang Hitler, deep inside him, he's humane. Very authoritative kasi siya. Scary at times, lalo na kung tumataas na ang boses niya."


Pagkatapos ng kung anu-anong kadramahang naganap sa pagitan nina Snooky Serna at Direk Joel Lamangan sa last shooting day ng Dukot, hindi rin kami nagulat na retained pa rin ang aktres sa cast ng Sagrado Pamilya na ang nabanggit na direktor din ang naatasang mamahala sa produksiyon.

Sadya kasing may mapagpatawad na puso si Direk Joel, pero ang nasagap naming inside story, ayaw na sana talaga ni Direk Joel na si Snooky pa ang i-cast para sa OFW mother ni Lovi Poe sa Sagrado Pamilya at ang gusto nga ni Direk na ipalit ay si Aiko Melendez, pero tinanggihan ito ng aktres dahil hindi pa raw ito ready to accept mother roles na ang magiging anak ay kasing-edad na ni Lovi.

Si Rosanna Roces ang gustong i-cast sana rito, pero umayaw si Direk, for the simple reason na hindi raw bagay kay Osang yung role na kailangang magmukhang virginal at mabait yung mother, na mukhang mahirap daw mai-project ng isang Rosanna Roces.

ROLE MEANT FOR HER. Suma-tutal, bumalik pa rin kay Snooky ang nabanggit na role, at ang nasabi na lang ni Direk Joel, "Siguro, para talaga sa kanya yun, and I don't want to deprive her of being given another chance!"

"It's a domestic drama na may twist. Thriller nga siya, and not really drama all the way," nasabi ni Kukay nang ma-interview namin siya.

"It's a different genre for me. The last time na gumawa ako ng thriller, Experience pa, kay Tito Lino [Brocka]... naku, dalaga pa ako noon! I was like 20 years old lang.

"Feeling ko, parang Lolita ito, may traces na ganoon. Hindi nga lang ako yung Lolita talaga kung hindi yung mother. It makes me feel accomplished somehow. Parang kailan lang... how time flies! I'm not saying this na parang pampalubag-loob, or something... four decades na pala ako sa showbiz, and now I'm interpreting more mature roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mom ako ni Lovi dito, pero hindi ibig sabihin, kept to the side na lang ako. Na para bang dekorasyon na lang ako. Hindi ganoon. Sa ilusyon ko lang, feeling Meryl Streep ako ngayon.

"Aktres na aktres na ang feeling. It's really an acting piece. I'm really excited to sink my teeth into it talaga," tuloy-tuloy na sabi ni Snooky.

"NAPAKA-STRICT NIYA." Very nice person naman daw si Direk Joel, sabi pa niya. Pero pagdating daw sa trabaho, ang napansin ni Snooky, may ibang side daw ito.

"He's not entirely comfortable to work with," deretsahang sabi ni Snooky. "Sometimes, pero baka iba ang maging dating ng sinabi ko, ang gusto ko lang i-point out, it's not all fun and games with him.

"Huwag namang ikagagalit ni Direk, pero sa trabaho, nagiging parang Hitler siya. Hope it's not a harsh word to use. Napaka-strict niya, and I should understand... kasi, he wants everything in the proper order.

"Obsessive siya sa work niya. Madetalye siya, which I also like. Kung minsan lang, parang nakaka-intimidate. Parang ang taas-taas ng level ng artistry niya. Na para bang ang feeling ko, sana, I can be at par. Pray na lang ako na hindi ko siya ma-disappoint, na ma-exceed ko yung expectations niya," nasabi na lang ni Snooky.

Naramdaman naman ni Direk Joel ang sinseridad ni Snooky sa paghingi ng kapatawaran sa kanya dahil sa ginawa nitong paghintayin ang staff at napakalaking cast ng Dukot para sa isa sa highlights ng nabanggit na pelikula.

"Nag-usap pa rin kami nang matagal bago mag-story conference. Kung anuman yung mga sinabi niya, sa amin na lang dalawa yun, at nagkakaintindihan naman kami. Ayoko na nga sanang pag-usapan 'yan, kasi, ang mahalaga, nagkaayos na kami.

"Masaya talaga ako dahil napatawad niya ako, at ayoko na talagang maulit pa ang pangyayaring yun. I feel so thankful. Dahil sa gesture niya, lalo akong naging tagahanga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung side niya na para siyang Hitler, deep inside him, he's humane. Very authoritative kasi siya. Scary at times, lalo na kung tumataas na ang boses niya. After all, may soft side pala siya, and he's a good person," tanging nasabi na lang ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN