Maria Isabel Lopez plays a kidney broker in next indie film, Baklas

Maria Isabel Lopez's role as the butchered prostitute in Kinatay has resurrected her career. Up next for her is another film that talks about a different kind of human butchery: organ harvesting for profit.


Malaki ang pasasalamat ng actress at former beauty queen na si Maria Isabel Lopez sa pagkuha sa kanya ni Brillante Mendoza para gampanan ang papel ni Madonna, ang "chop-chop" lady prostitute sa Kinatay (The Execution of P). Sa ikatlong post-victory celebration ng grupo nina Direk Brillante, sa Techno Wave Music Bar and Concert Hall (along Timog and Tomas Morato Ave., Quezon City) kamakailan, ay nabanggit niya ang kasiyahan niya, habang naghu-host ng mini-tribute show.

"Being part of Kinatay, I'm thankful, dahil nabigyan ulit ng boost yung movie career ko," sabi ni Isabel nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Lalo't nanalong best director sa Cannes Filmfest this year si Direk Brillante, para sa Kinatay, mas nagkaroon ng significance ang pagiging bidang aktres ni Maria Isabel Lopez sa pelikula

Tatlong linya lang ang kabuuang dialogue ng character niyang si Maribel sa pelikula. Most of the time, makikitang may piring siya sa mata at may takip ang bibig para hindi makapagsalita. In the film, she was held captive, gang-raped and brutally slain, and her body mutilated.

"BUKOL QUEEN." Nag-share si Isabel Lopez sa PEP ang ilang memorable experiences niya sa paggawa ng Kinatay.

"Ang pinaka-memorable na experience ko dito, na hindi ko malilimutan... si John Regala, di ba, yun ang bumubugbog sa akin? John Regala is a very powerful actor, na may tendency siya, minsan, na ma-carried away sa scene," banggit ng aktres.

Paano naging "carried away" si Regala, sa eksena bang binubugbog siya nito, o sa eksenang kabilang ang karakter nito sa nang-gang rape sa kanya?

"Nasuntok niya [John] yung ulo ko, so bumukol!" pagtatapat ng aktres. "But then, sinabihan ko lang siya, 'alalay next time, alalay...'

"Eto ngayon ang matindi," patuloy niya. "Nung nasa loob [kami] ng van, pagpasok ng toll gate... siyempre, makikitang may kinidnap sila, inilagay ako sa sahig [ng sasakyan]; e, nagpipiglas ako, kasi nga, gusto kong mai-save yung life ko..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa miyembro ng gang sina Julio Diaz at Lauren Novero; witness naman sa operation ng grupo ang bagong graduate na police officer, played by Coco Martin.

"Si Lauren Novero, sabi niya kay John Regala, 'Hawakan mo yung ulo, hawakan mo yung ulo!' E, hinawakan yung ulo ko dun sa mismong bukol!"

Hinihintay lang daw niyang sumigaw ng "Cut!" si Direk Dante, at nararamdaman niya ang sobrang sakit ng bahaging nabukulan ang ulo niya.

"Hinihintay ko... 'Shit! kaya ko pa ba ito?'" nasabi raw niya sa sarili. "'Kaya ko pa ba ito?' Kasi hindi pa nagka-cut si Direk, e.

"Alam mo, finally, sabi ko, 'Cut!'" natatawang banggit din ni Isabel. "Tapos, paggano'n ko [hawak-hawak ang bahagi ng ulo niyang may kirot]... may dugo ang ulo ko! Kasi, namaga na yun..."

Anong sabi ni Direk Dante sa ginawa niyang pagka-cut ng eksena?

"Nagalit si Direk. Sabi niya, 'Nobody cuts... nobody has the right to say, 'Cut!' in my movies!'

"Ang sagot ko naman, 'I'm the actor! When my body is being jeopardized, I have the right to cut!" pagmamalaking banggit naman ni Isabel.

Sino nga ba ang makakapagsabi na ang insidenteng yun sa set, between the actress and her director, ay sa mas magandang pangyayari hahantong? Imbes na magkaroon ng permanenteng hidwaan, inunawa nina Isabel at Direk Dante ang sitwasyon sa aspeto ng pagiging kapwa propesyunal.

Next thing, natanggap na competition entry sa Cannes Filmfest noong Mayo ang Kinatay at sinuwerte ang direktor na mapiling pinakamahusay.

Second choice lang si Maria Isabel Lopez sa role, pero hindi siya tinantanan ni Direk Brillante Mendoza hanggang hindi napapayag gawin ang role, bilang pinaslang na prostitute.

Sa hanay ng mga beauty queen turned actress, na nagwagi ng titulong Bb. Pilipinas-Universe (taong 1982), si Maria Isabel Lopez pa lang ang nagkaroon ng chance na maging bida sa isang pelikulang naging main competition entry ng bansa sa Cannes International Filmfest, isang achievement na totoong maipagmamalaki, tulad ng pagrampa sa red carpet premiere ng pelikula sa Cannes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABAENG 'BAKLAS'. Meanwhile, marami daw dumating na offers na indie projects kay Maria Isabel Lopez, after Kinatay. Kabilang dito ang katatapos niyang gawing Baklas ni Direk Neil Tan.

Nagkuwento ang actress-beauty queen tungkol sa bagong movie.

"Istorya ito ng mga nagbebenta ng kidney, sa squatters' area. Maganda ang role ko, ako yung kidney middleman, ako yung nagbubuyo sa mga taga-squatters... di ba, noon, yung mga babae, nagbebenta lang ng katawan? Ngayon, hindi lang katawan ang ibinebenta. Nagbebenta [na rin sila] ng lamang-loob [as in, kidneys].

"Ipinapakita dito yung... [way of] survival, na noon, ang pino-prostitute mo lang ay ang sarili mo, pero ngayon, iba na, higit pa do'n...

"Ang role ko, ako yung nagbubuyo na, 'baklasin na natin yan...' at nangungumisyon ako, tapos, pinapatungan ko [para may kita]..." banggit pa ni Isabel.

Nagkataon, parehong may social statement at pagpapakita ng kung paano nasasalaula ang katawan, sa punto ng pagkaka-mutilate nito, ang dalawang pelikulang tampok na bida si Maribel Lopez.

Wala pang playdate ang huling obra. Pero ang Kinatay (The Execution of P) ay tuloy na ang gaganaping Philippine premiere sa July 30, ika-7 ng gabi, sa Cine Adarna ng UP Film Institute.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN