Judy Ann Santos says Ryan Agoncillo was the answer to her prayers

Someone once predicted that Judy Ann Santos (left) would end up an old maid. "Napraning ako roon! Sabihan ba naman ako! Ay nalokah ako!" laughs the recently married Juday. "Hindi ako talaga pumayag. Pinagdasal ko talaga na hindi mangyari iyon." Ryan Agoncillo (right) must be proof that prayers work.


Last June 28 ay one month nang Mrs. Ryan Agoncillo si Judy Ann Santos. Kinasal siya kay Ryan Agoncillo last April 28 sa isang unannounced wedding sa San Juan, Batangas.

Simple lang daw ang naging selebrasyon nila ng kanilang unang buwan bilang mag-asawa. "Ang bilis pala. One month na kaming mag-asawa. One month na akong misis!" ngiti ni Juday.

"Hindi ko nga namalayan, e. One day nalaman ko na lang na naka-31 days na pala kami. Na-survive namin ni Ryan ang first month naming dalawa as husband and wife.

"Ano ang feeling ko? Gano'n pa rin naman. Nothing has changed sa aming dalawa ni Ryan. Kung ano naman kami noon gano'n pa rin naman ngayon. May wedding ring nga lang kami ngayon at legal kaming kinasal. Masarap ang feeling na may asawa na pala ako."

OMD (OLD MAID DAW). Kinuwento ni Juday na may mga nagsabi sa kanya na tatandang dalaga raw siya. Kinontra iyon ni Juday.

"Napraning ako roon! Sabihan ba naman ako na, 'Uy, tatanda kang dalaga!' Ay, nalokah ako!" sabay tawa ni Juday.

"Hindi ako talaga pumayag. Pinagdasal ko talaga na hindi mangyari iyon. Kaya laking pasasalamat ko sa Diyos na isang mabait, guwapo, matalino at mapagbigay na lalake ang binigay sa akin. Kaya nakontra ko ang sumpa!" malakas pang tawa ni Juday.

Tinanong namin si Juday kung ano ang pinakamasarap na bahagi ng pagiging isang misis na? Ito raw ay ang magising siya sa umaga at mukha raw ni Ryan ang nakikita niya.

"Before kasi magigising ka sa umaga, wala kang katabi. Mag-isa ka lang sa kuwarto. Magkakausap na lang kayo sa telepono or pagdating ninyo ng work. Ngayon paggising ko, nandiyan siya sa tabi ko.

"Ang sarap ng feeling na nasa tabi mo na ang lalake na alam mong makakasama mo panghabang-buhay. Sabay na kayo magigising, kakain, pupunta sa trabaho at matulog. Iba talaga ang may-asawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa nga raw buntis si Juday at pinaplano pa nila kung kelan ang tamang panahon. Pero inamin ni Juday na gusto na raw sana niyang mabuntis na.

"Hindi lang naman kami ni Ryan ang may gusto, pati si Yohan [adopted daughter nila] ay naghahanap na ng kapatid. Believe me, we are trying. Pero alam naman namin na may plano ang Diyos sa amin. Kung kelan ako mabubuntis, Diyos lang ang makakaalam niyan."

OMG! COMING SOON. Malapit na ngang ipalabas ang bagong pelikula ni Juday na OMG! Oh My Girl with Ogie Alcasid sa ilalim ng Regal Entertainment. Mula ito sa direksyon ni Dante Nico "Ga" Garcia para sa Regal Entertainment.

Inamin ni Juday na medyo natagalan ang pagtapos nila ng pelikulang ito with Ogie. Bukod kasi sa pareong busy ang dalawa, nagkakataon pa na masama ang panahon kapag um-okey na sila sa shooting.

"Once a week nga lang ang shooting namin for OMG. Every Wednesday lang, kasi the rest of the week, may schedule kami pareo ni Kuya Ogie. Aba, every Wednesday, e umuulan! Tama ba naman iyon? Kaya parati kaming pack-up.

"Si Direk Ga nga nalolokah na siya kasi walang nasunod sa mga schedules namin. Laging nauurong ang shooting. Pero sa awa ng Diyos heto at sunud-sunod na ang shooting namin at natapos na rin kami. Malapit na nilang mapanood ito at matutuwa sila. Worth it ang matagal na pagtapos namin ng movie."

Iba pang kasama nila sa OMG! Oh My Girl ay sina Manilyn Reynes, Nova Villa, Carmi Martin, Roderick Paulate, John Lapus, Jeffrey Santos, Rez Cortez, Jon Avila, Frenchy Dy and John Prats. May special guest appearances sina Regine Velasquez and Sharon Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN