Boy Abunda's first film production, Astig, "is a testament to how many friends I have in the industry"

is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg">

is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg">

Talk show host Boy Abunda is reaping the rewards of being a showbiz nice guy, with about 30 stars willing to play cameo roles in his maiden production, Astig: "Ang kuwento ni Gardo Versoza, nakasalubong namin ni Bettina [Aspillaga, his road manager] sa Rustan's. Sabi ko. 'Mennen [tawag kay Gardo ng kanyang showbiz friends], may pelikula ako.' Sabi niya, 'Kailan ang shooting?' 'Bukas.' Hahaha!"


Excited na si Boy Abunda na mapanood ang kabuuan ng kauna-unahang digital film na prinodyus nila ng kaibigan niyang si Boy So ng La Carmela de Boracay, ang Astig. Ang Astig ay pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Arnold Reyes, Edgar Allan Guzman at Sid Lucero sa direksyon ni GB Sampedro.

"Kahit ako ang isa sa producers ang feeling ko lang, ayokong umeksena. Sobra na ako. I'm always in the front view of everything that I do. I'm a manager, a television host. Kaya du'n sa presscon ayoko n'ung ako yung prominente. Tama na.

"Doon muna ako sa ano, sa likod. Kasi katulad halimbawa yung ginawang kuwento ng SNN (Showbiz News Ngayon), ang focus ako. Hindi ko naman masisisi kasi siyempre interesanteng angle. But as much as possible I want the movie, si GB, sina Dennis, sina Sid, si Arnold, si Edgar Allan, I wanted them to be the focus of the film.

"Pero ang nakakatuwa rito ang dami-dami naming cameo roles, lahat mga kaibigan. Ang kuwento ni Gardo Versoza d'yan nakasalubong namin ni Bettina [Aspillaga, his road manager] sa Rustan's. Sabi ko Mennen [tawag kay Gardo ng kanyang showbiz friends], 'May pelikula ako.' Sabi niya, 'Kailan ang shooting?' 'Bukas.' Hahaha!

"This is a testament of how many friends I have in the industry. Alam mo, Chanda Romero, si Eileen [AiAi delas Alas] has 20, 30 seconds to one minute na eksena and she's very good.

"Ay! In the film, panoorin ninyo. Ganda! Mariel [Rodriguez], nurse, nanganak yung eksena. Sabi ba naman niya, 'I want to have a line.' Mga ekstra lang kami lahat. Bianca [Gonzales] is there, Sitti is there, Pooh is there, Vhong Navarro, si Vhong is a very close friend of GB Sampedro. Parang 30 stars lahat, e," kuwento ni Boy.

I DREAM OF CANNES. Bukod sa pelikula, magkasosyo rin si Boy Abunda at Boy So sa bagong restaurant na Café La Carmela sa Jupiter, Makati City. Kasunod nito ay nagpaplano na sila na mag-branch out ng isa pang restaurant sa Quezon City. This time, may kasama nang barbecue house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo ang pangarap lang ni Boy, 'Sana makalakad din tayo sa red carpet ng Cannes.' Hahaha! Pabiro, pero remember naman, hindi naman kami mga tanga. Matagal na ako sa industryang ito, negosyante naman si Boy So. Alam namin na mag-i-invest ka talaga ng kaalaman, dahan-dahan.

"Itong Astig, in two or three, hopefully makabawi lang kami, okey na kami, e. Halimbawa itong susunod na pelikula makabawi lang kami, okey na. Sabi ko nga sa pangatlo, doon kami mag... Paano ba pinagkakakitaan ito?"

Ngayon pa lang ay meron na raw kasunod na digital film na ipoprodyus ang Boy Abunda/Boy So Productions after ng Astig. Hopefully, magawa raw nila ang next film before the year ends.

"It's an independent film directed by Bobby Garcia and it will star Dawn Zulueta. Tentatively titled, in English it's Resurrecting Mary. Pero ang working title namin ay Maria. Ang aming pang-international title ay Santa Maria."

Pang-Holy Week ba ito?

"Yun na nga, e, napaka-atrractive niyan sa abroad. Yung kultura natin, yung mga paniniwala natin. Hindi naman siya parang Himala. Istorya ito ng mag-ina. Ang ganda ng kuwento."

Sinong artista ang gaganap bilang ina at anak?

"Si Dawn [Zulueta], yung ina wala pa kaming casting. Apat o lima lang sila sa pelikula. Right after she [Dawn] rests, ah, this is the first project she'll do."

THE VICKI BELO INTERVIEW. Samu't sari ang naging reaksyon nu'ng interbyuhin ni Boy si Dra. Vicki Belo sa The Buzz last Sunday. Tila sariwa pa rin kasi sa ilan ang ginawang panlalait ni Dra. Belo sa kanya at pag-iyak ni Boy sa Showbiz News Ngayon dahil sa hindi magandang sinabi tungkol sa kanya ng kilalang cosmetic surgeon.

Sino nga ba ang unang lumapit kanino?

"I don't know kung sino ang lumapit kanino, kung The Buzz o ang kampo ni Vicki. Ang akin lamang na pag-uusapan is I was asked if I'm willing to do the interview with Vicki and I said yes. It is a job, it is an assignment, it is a story. And prior to this interview na ginawa namin ni Vicki I had already received text messages ng mga pasasalamat. So, okey kami ni Vicki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey na kami pero hindi naman ako magkukunwari na nanumbalik ang aming pagiging... closeness. Hindi naman."

Kumusta naman ang pagkikita nila ni Dr. Vicki sa interbyu?

"Alam mo, 'pag magaan ang buhay mo, wala kang ginawang masama, ang gaan ng buhay. Binati ko siya. We hug, we embrace. It's not the question of una. I entered the room. She was sitting down. She stood up. We embraced. We studied the interview. I don't think it is fundamental, it is important, to know who stood first. Wala kaming tension."

Hindi nila napag-usapan na ibalik ang friendship nila?

"Wala. I don't think you talk about it. I don't think you'll talk about love. I don't think you talk about tampo. I don't think... at least not for me. It happened. I mean, you know, in God's time maaaring may mga pagkakataon pa kung saan puwede kaming magkasalubong ulit o hindi magkasalubong ulit. Mag-usap o hindi mag-usap, we don't know.

"But in fairness naman, she apologized. And there was a time na magko-comment ako sa The Buzz magte-text siya, 'Thank you for being fair,' marami. She would reach out naman, in fairness. Pero hindi ko sinasabi na because of those text messages, 'Hallelujah!' Hindi naman."

After the interview, ano ang pinag-usapan nila?

"Ay, wala. Nakakatawa nga, after the interview, we said thank you. We said baba-blah-blah, etc. I had to go because it was the birthday of Mike Defensor downstairs sa ballroom. I had Ruffa Gutierrez waiting for me, ah, we had a personal talk. Pero okey kami. Walang, wala akong naramdaman na tension."

Walang imbitasyon na mag-dinner sila?

"Wala," mabilis na sagot ni Boy. "Vicki I think knows me too well and I know her too well. Ah, alam ni Vicki that... basta. You know in the interview nga sabi niya, 'You've known me for 18 years.' Acknowledge niya yan. Many times over in the interview sinabi ko sa kanya, 'I know you.' Wala, kapiranggot lang yan. Dalawang oras lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You always take the first step, you know. I think everybody deserves a second chance and that includes friendship. Pero ayokong magsalita nang patapos kasi ... In God's time, I don't know."

PRAYERS FOR PRESIDENT CORY. Samantala, alam ni Kuya Boy kung ano ang pinagdadaanan ngayon ng kapwa niya host sa The Buzz at SNN na si Kris Aquino sa pagkakasakit at matinding kalagayan ng kanyang ina na si President Cory Aquino.

Last Sunday nga sa The Buzz, bago magbigay ng kanyang pahayag si Kris sa pagkakapasok sa ICU ng kanyang ina, ay tiniyak daw muna ng Queen of All Media na hindi nanood ng TV o natutulog si Tita Cory.

"Hangga't maaari ayaw ni Kris na makita siya ng nanay niya na umiiyak. Ah, hindi dahil sa nagkukuwanri siya na nagtatapang-tapangan. But at this stage kasi parang hangga't maaari huwag sanang malaman ni Tita Cory na apektado sila Kris because she's drawing a lot of strength from her children.

"Ang nangyari, di ba, Boom Tenorio wrote that article in Philippine Star, ang usapan nga namin doon sa ano, let's divide it into five para you can react. By the time I was reading the first part, her voice is breaking. So, sabi niya, 'Go ahead.' So, itinuloy ko na.

"Ako naman, number one, it's Tita Cory, mother of my best friend, she's the mother of this country and she's a mother. Alam ninyo naman ang relasyon ko sa nanay [ko]. Alam ninyo in the middle of the article, alam kong paiyak na ako kaya nilalakas ko na ang boses ko. Tapos hindi ko na napigil. Sabi ko, bumigay talaga ako nang konti. It's sad pero grabe talaga. Ako I would get a lot of text messages from people. Please forward this to Kris. Please forward this to the family," lahad ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOW IS KRIS NOW? "Coping. Sinasabi naman ni Kris, she's coping. Naghahalinhinan sila, like three straight nights siya, tapos si [Senator] Noynoy [Aquino]. Oo, nu'ng isang gabi si Noynoy ang in charge. Remember, Kris is the youngest. I don't know if it is politically correct to say that she's the closest to the mother. 'Tsaka natutuwa rin sa kanya ang nanay niya.

"The other night nag-uusap sila kung kumusta ang mga trabaho. Siguro it was Tita Cory's way of telling Kris that life goes on. May kuwento nga nu'ng namatay si Ninoy like a day or two days after, sabi ni Tita Cory sa kanya, 'Go back to school.' Ganu'n siya tipo. Kaya yung sinasabi ni Kris, 'You might be wondering I'm still doing my shows, this is what Mom wants us to do. Show courage and life moves on.'

"Pero alam ninyo ako, naniniwala ako sa collective prayer. Parang pagsama-sama nating pagdadasal, malakas," tapos ni Boy.

is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg">


is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg"> is a testament to how many friends I have in the industry"" data-url="https://www.pep.ph/news/22419/boy-abunda39s-first-film-production-astig-is-a-testament-to-how-many-friends-i-have-in-the-industry" data-desc="Boy Abunda believes collective healing prayer may still turn the tide for ailing President Cory." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c4afb811c.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN