One of FHM's Finest Pauleen Luna still says no to sexy cover offers

Pauleen Luna says there's nothing going on between her and Dennis Trillo, whose official pairing is with Jennica Garcia, but people say there's an undeniable sweetness between them during Adik Sa 'Yo tapings.


Kahit never pang napapayag si Pauleen na mag-pose as cover girl for any men's magazine tulad ng FHM, still nakapasok pa rin siya as one of FHM's Finest or Sexiest Women of 2009, bilang number 9 locally, at number 10 naman kung kasama sa listahan ang Hollywood actress na si Megan Fox.

Hindi man napapayag mag-cover girl, dumating pa rin si Pauleen sa nakaraang FHM event at isa sa rumampa at tumanggap ng kanyang plaque. Ayon kay Pauleen, hindi naman daw nawawala ang pressure sa kanya in terms of offer na mag-cover girl na.

"Yung pressure, laging nandiyan, hindi siya nawawala kasi may pressure talaga na mag-cover, pero hindi pa. Hindi talaga. Hindi ko pa kaya," nakangiting pahayag ni Pauleen.

Ayon nga kay Pauleen, may tatlong taon na rin daw consistent ang offer sa kanyang mag-pose nang sexy.

"Hindi talaga, e. My dad kasi, actually, my family are very conservative. Nagulat nga ako na pinayagan ako rito. Siguro ano lang din, it's just to show how thankful I am for people na bumoto."

In a way, tila may idea na nga rin si Pauleen kung ano ang itatanong sa kanya ng press during the FHM Finest last Thursday night at World Trade Center dahil sa isyu ng pagli-link sa kanila ni Dennis Trillo ngayon.

Pero umpisa pa lang, halatang gusto nang salungatin ni Pauleen ang isyu sa kanila.

"Wala, wala yun. At saka, si Dennis at Jennica [Garcia] ang talagang partner... so, wala lang. Si Dennis, matagal ko na siyang kaibigan. Kahit noong nasa kabilang network pa kami. Tapos sa GMA naman, madalas din kaming nagkikita, nagkakasama.

"Siguro, ngayon lang kasi, nakikita nila kami sa Adik Sa 'Yo, natutuwa siguro sila sa mga characters namin na Batanggenyo."

"KAKAIBANG" SWEETNESS. Lumabas din naman sa bibig ni Pauleen na tila may regular communication sila ni Dennis dahil ilang oras bago namin nakausap si Pauleen sa FHM, nauna naman naming nakausap si Dennis at nasabi raw nito na yung tungkol sa kanilang dalawa ng press ang inuurirat sa actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ba sabi niya?" balik-tanong naman sa amin ni Pauleen nang sabihin namin na sinabi naman ni Dennis, nakakalabas sila.

"Magkaibigan naman kasi kami nu'ng tao," sey pa rin niya.

Pero hindi naitanggi ni Pauleen na noong magkasakit siya, isa si Dennis sa dumalaw sa kanya at nagdala pa ng pagkain.

"Pagkain lang naman... may sakit ako nu'n, isang beses lang naman, so, let's not give so much meaning into it kasi, we're friends," tila pakiusap pa niya.

Anong pakiramdam na si Jennica ang talagang ipine-pair kay Dennis pero silang dalawa ang nali-link dahil may nakikitaan daw kasing kakaibang sweetness sa kanila, especially kapag nasa taping sila ng Adik?

"Well, tingin ko naman, lahat naman kami ganu'n sa isa't-isa. Masaya kasi sa set ng Adik... siguro lang, it's just rare na bigyan ka niya ng atensiyon because he's very quiet."

SUITORS WITH CHILDREN. Kumusta ang pagtanggap ng mga magulang niya ngayon kay Dennis?

"Okay naman po. Ang mommy ko naman, kilala niya si Dennis. 'Pag ano, silang dalawa yung nagkukuwentuhan. Nababaitan naman po ang mommy ko sa kanya."

Kung tutuusin, dalagang-dalaga siya, pero, tila lapitin siya ng mga lalaking may anak na, anong masasabi niya rito?

"Mukha nga... well, si Marvin Agustin lang naman, si Sherwin [Gatchalian], wala naman po... hindi ko alam," natatawang sabi na lang niya.

Hindi ba niya tinitingnan na minus point sa isang lalaki ang pagkakaroon na ng anak nito?

"Well, ako naman po kasi, basta wala lang isyu, I mean, yung haharap siya na maayos, lahat walang sabit, walang problema, wala naman ng kaso yun, basta okey ang lahat."

Tahasang sinabi ni Pauleen na kung may isang bagay man daw na masasabi niyang suwerte ng lalaking iibigin niya, ito ay ang loyalty na kaya niyang ibigay. Natatawa na lang nitong sinabing huwag na lang daw i-emphasize pa ang pagiging "virgin" pa niya na minsan nang nasulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN