Dennis Trillo doesn't want to talk about Cristine Reyes anymore

Dennis Trillo's character in Astig makes false certificates by day and false love by night, a role that may just snag him the Best Actor trophy at the Cinemalaya filmfest. To this the actor opines: "Walang makakapagsabi n'yan, yung board lang. Ginawa ko 'to na hindi iniisip na kailangan galingan ko 'to para magka-award ako. Ginawa ko 'to dahil gusto kong gumawa ng isang role na hindi makakalimutan ng mga tao kapag napanood na nila.&quo


First time para kay Dennis Trillo na makagawa ng isang independently produced film na entry pa sa Cinemalaya Film Festival ngayong taong ito, ang Astig na ang isa sa mga producer ay si Boy Abunda.

Ayon kay Dennis, nang mabasa raw niya ang script, nagustuhan na niya agad ito at ninais na magawa.

"Ang role ko rito, typical na kanto boy sa Maynila na nagtatrabaho sa Recto. Namemeke ng term papers, certificates, medal sa umaga. Sa gabi kasi, nag-iiba rin ako. Iba ang ginagawa ko. Medyo mapaglaro ako sa mga babae. Wala akong sineseryoso sa mga babaeng dinadala ko sa motel. Ang ginagawa ko, puro mga matrona yun halos. Ang ginagawa ko, hinuhuthutan ko sila ng pera.

"Sinasabi ko na pambayad ko sa tuition, yung mga ganoon. At bawat babae, iba yung identity ko, so medyo mapaglaro talaga. Ganu'n, e, survival of the fittest, ganun'n yung pananaw ko para buhayin ko ang sarili ko."

At one point in his life, nagkaroon din ba siya ng ganoong experience?

"Awa ng Diyos, wala naman. Kasi, maayos naman ang pamilya ko. Malayo kami sa gulo. Walang problema. Hindi ko naranasan yung maging ganoon kaya masuwerte ako na makapag-portray ng isang role na talagang ibang-iba."

BEST ACTOR FOR DENNIS? Direktahan at abot-langit talaga ang naging mga papuri sa kanya ng kanyang producer na si Boy sa movie. Napakagaling daw talaga niyang actor na at napabilib niya ito nang husto.

Anong masasabi niya ru'n?

"Yun... nakakatuwa talaga. Una, sinabi ko sa kanya, magkaiba kami ng network na pinanggalingan. At para makarinig ng mga salita na papuri tungkol sa 'yo at tungkol sa trabahong ginawa mo, malaking ano yun...it's an honor for me and sobrang nabibilib talaga 'ko sa sarili ko. Wala naman akong masyadong bilib, pero, du'n sa mga sinasabi niyang talaga, palakpak ang tainga ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa na si Boy na mananalo siya ng Best Actor trophy for the movie in Cinemalaya. Siya ba may ganoon ding hope? Na maibabalik niya yung time na sunod-sunod din ang acting recognition na natatanggap niya?

"Hindi ko alam... walang makakapagsabi n'yan, yung board lang, yung mga hurado. Ginawa ko 'to na hindi iniisip na kailangan galingan ko 'to para magka-award ako. Ginawa ko 'to dahil gusto kong gumawa nang iba. Gusto kong gumawa nang maganda. Isang role na hindi makakalimutan ng mga tao kapag napanood na nila."

Pangarap ng mga producers niya, especially the businessman Boy So, ay ang makalakad sa red carpet ng Cannes Film Festival. Naging pangarap din ba niya ito ngayon?

"Siyempre, kung masasali kami ru'n. Siyempre, once in a lifetime experience yun. Napapanood ko lang ang mga red carpet na yun sa TV. Siyempre, para mapasali rin sa event na yun, wow, astig!"

IT'S REALLY OVER WITH CRISTINE. Another question na patuloy pa ring tinatanong kay Dennis ngayon ay ang nangyari sa kanila ni Cristine Reyes. Although both of them have already told the press now na sila pa rin pala, all the while na alam ng lahat, break na sila.

Hindi ba siya natatakot na baka dahil sa pag-amin ni Cristine sa recent breakup nila, magkaroon ng impression ang tao na nagsisinungaling siya kapag may isyung iniuugnay sa kanya at itinatanggi niya?

Prior to Cristine, nauna rin kasi yung feeling din ng marami, pagde-deny niya noon kay Carlene Aguilar.

"Ako naman kasi, never naman talaga akong naging open sa mga nagiging karelasyon ko... yun! Hindi naman ako natatakot sa ganoon. Hindi mo naman talaga masasabi kung ano ang iisipin ng tao sa 'yo.

"Siguro, mas maganda na rin naman na makita nila kung ano talaga ang totoo sa 'yo. Kung anuman yung iniisip nila, bahala na sila. Basta ako, ito ang sinasabi ko, ito ang totoo ngayon. At katulad ng sinabi ko, never akong naging open talaga sa pag-discuss ng mga relasyon ko sa buhay, especially sa mga babaeng inili-link sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat din ba siya nang biglang magsalita si Cristine at amining very recent lang talaga ang breakup nila?

"Oo, nakakagulat dahil matagal na yun. Nakakapagtaka lang kung bakit kailangan pa niyang ilabas yun."

Gaano na nga ba katagal? Sa version ni Cristine, tila less than a month pa lang ang breakup.

"Medyo.... alam n'yo, huwag na lang nating pag-usapan yan siguro. Ano na, e, ayoko na lang palakihin siguro. Kung anuman ang meron sa amin, ang mahalaga tapos na yun. Ayoko nang magbigay ng detalye kung kailan pa yun. Na ganitong petsa nagsimula or naghiwalay.

"Basta ang mahalaga tapos na yun. Naka-moved on na 'ko at sana, naka-move on na rin ang lahat."

Diretso na ba niyang masasabing tapos na talaga sa kanila ni Cristine at wala nang balikan pa na magaganap?

"Tapos na talaga...matagal na. Kaya nga ayoko nang pag-usapan, kasi pag-usapan natin yan, maungkat na naman."

STRONG WOMEN. Puwede niya bang sabihin na tila palagi siyang nai-involve sa mga babaeng palaban, the mother of his child for one?

"E, nagkakataon lang... nagkakataon lang... ganoon talaga. Maganda rin minsan yung palaban. Pero kung ikaw na yung lalabanan, e, hindi na maganda yun."

Was it a bad breakup?

"Ah, ewan ko... hindi ko na alam."

When it comes to Pauleen Luna, ano na nga ba?

"Masaya kami ni Pauleen. Kaibigan ko siya. Basta magkaibigan kami, masaya kaming magkasama," nakangiti na lang niyang sabi patungkol sa bagong actress na balitang bago naman niyang nililigawan ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN