Aljur Abrenica and Kris Bernal star in their first solo movie, I'll Be Waiting For You

StarStruck 4 winners Kris Bernal and Aljur Abrenica get to star in their first solo movie, I'll Be Waiting For You, from Regal Entertainment.


Hindi lang ang GMA-7 ang sumusugal sa sinasabing "love team of the future" na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, kundi pati na rin ang Regal Entertainment, na balik out-of-town shooting sa launching movie ng dalawa na may final title na I'll Be Waiting For You.

Pagkatapos ng pitong sunud-sunod na araw na taping para sa kanilang unang early primetime soap na All My Life, dumiretso na agad sina Kris at Aljur sa Panglao sa Tagbilaran, Bohol para simulan naman ang Maryo J. de los Reyes-directed movie na tailor-made para sa kanila. Kasama rin nila rito sina Baron Geisler, Ana Capri, Lloyd Samartino, Valeen Montenegro at Anton Bernardo.

Mula ito sa panulat ni Jake Tordesillas na may original title na Nandito Ako. Line-produced ito ni Direk Maryo J at ng kanyang Studio 56 Production para sa Regal Films dahil napakalaki ng bilib niya sa tambalan nina Kris at Aljur mula nang mahawakan niya ito sa phenomenal hit na Sine Novela na Dapat Ka Bang Mahalin?

Dumaan sa paiba-ibang titulo ang pelikula bago nag-finalize ang Regal Films sa I'll Be Waiting For You. Sa kuwento, simpleng mambubukid lang si Aljur bilang si Tata at ikakasal naman si Kris bilang Stef kay Baron, na half-brother pala ni Aljur. Dito magsisimula ang kuwento sa una nilang pagkikita sa Bohol.

Dahil Boholano si Direk Maryo, alam niya ang mga pinakamagagandang lugar na magagamit sa pelikula katulad ng Loboc River, ang mga resort sa Panglao sa Tagbilaran, ang world class double A status resort na Eskaya, ang man-made forest, ang Baclayon Church, at siyempre ang Chocolate Hills.

Hanggang sa susunod na linggo ang pangkat nina Kris at Aljur sa Bohol, kaya mabuti na lang at nakapag-advance sila ng isang linggong mahigit ng material sa All My Life. Ngunit pagbalik nila sa Maynila kung saan may kukunan ding eksena pa sa Quiapo, balik-taping ang dalawa sa soap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang I'll Be Waiting For You ang isusunod na pelikula ng Regal Films pagkatapos ng OMG! (Oh, My Girl!) na ipalalabas naman this July 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN