Carla Abellana to be launched on the big screen via Regal's Ang Nanay Kong Aswang

After conquering primetime television, Rosalinda star Carla Abellana will soon be seen in her first movie, Ang Nanay Kong Aswang.


The flower girl will be launched on the big screen as a monster's daughter.

Naunang pumirma ng movie contract ang bagong Kapuso star na si Carla Abellana para sa Regal Films bago pa man siya i-launch ng GMA-7. At ngayong pumapalo na sa ratings ang launching soap nitong Rosalinda sa GMA-7, ka-partner si Geoff Eigenmann, minabuti na rin ng mag-inang Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo na i-launch si Carla sa pelikula sa pamamagitan ng isang horror comedy-Ang Nanay Kong Aswang.

Last year pa nabuo ang kuwento ng pelikula na para sana kina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo. Hindi pumuwede si Ai-Ai at si Eugene ang ipinalit sa kanya, habang si Rubirubi naman ang kukuha ng papel sana ni Eugene. Hindi na rin pumuwede si Eugene dahil sa sigalot ng kampo niya sa Regal, tuluyan na itong pinagpahinga.

Sa darating na Metro Manila Film Festival 2009, balitang apat sa walong kalahok na pelikula ay may aswang element. Ang Star Cinema at Viva Films, parehong naghahanap ng proyekto para kay Pokwang na may temang aswang. Dahil dito, minabuti ng Regal na gamitin ang mahigit isang taon nang script at ibinigay ito kay Joel Lamangan para maging launching movie ni Carla.

Si Carla ang gaganap na panganay na anak ng aswang, at siya pa lang ang sure cast sa pelikula. End of July na ito magsisimula ng shooting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN