Precious Lara Quigaman has no idea why Wowowee dropped her as co-host

After two appearances on Wowowee, Precious Lara Quigaman suddenly found herself out of the popular noontime show, despite good chemistry with host Willie Revillame. "I was told na regular na ako dun every Saturday, tapos I was told not to report, like a day before. To be honest I'm not so sure kung ano ang reason," said the former beauty queen.


Marami ang nakapansin na pagkatapos ng dalawang magkasunod na guesting as co-host ni Precious Lara Quigaman sa Wowowee ay biglang-bigla na lang hindi na napapanood sa nasabing noontime show ang beauty queen-actress.

Last Saturday nga ay isa uling beauty queen ang guest co-host ng Wowowee at pinagtatakhan ng karamihan kung bakit kumuha pa raw ito ng iba gayong kung tutuusin ay mukhang mas gamay at mas may chemistry si Lara, di lang sa ibang co-hosts kundi lalo na kay Willie Revillame na tinutukso-tukso kay Precious on air.

Sa nakaraang interview namin sa beauty queen-actress, aminado ito na maging sa kanya ay hindi rin klaro kung ano ang nangyari at biglang-biglang hindi na siya pinag-report sa Wowowee.

"Di ko nga alam. Ang alam ko kasi regular na ako dun coz I was told na regular na ako dun every Saturday, tapos I was told not to report, like a day before. To be honest I'm not so sure kung ano ang reason."

Agad tinanong namin si Precious kung hindi kaya may kinalaman rito ang mga negatibong reaksyon ng ibang tao sa nababalitang panliligaw sa kanya ng TV host kahit pa raw may Nadine na ito.

"I don't think so, di naman siguro. Just like I've said, di ko talaga alam yung reason behind it or anything. Actually, for the past weeks, halos everyday, ang dami kong nababasa na ganito, ganyan, na di ko talaga naiintindihan kung bakit ako na-involve sa kanila.

"Actually, it's my manager who talked to them. I don't think they need me for now dahil kumpleto naman. 'Saka okey lang yun, it's a job. Kung mayroon, mayroon, kung wala, wala."

Consistent pa rin si Precious sa mga sagot niya sa amin na wala silang komunikasyon ni Willie; kung may ka-text man ang TV host, ito ay ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, never naman kaming nagka-text. Ang Mommy ko lang, feeling ko nga sila ang magkakatuluyan."

DATING MARCO ALCARAZ. May mga lumabas na balita na madalas daw nakikita si Precious na ka-date si Marco Alcaraz. Bagay na hindi naman idineny sa amin ng beauty queen.

"Yah, we go out, di ko naman yun tinatago. With friends most of the time but minsan kaming dalawa lang."

"Ayoko namang sabihing nanliligaw, sabihin na lang natin na we're just enjoying each other's company, we're getting to know each other."

May mga negative recations lang ang ibang naka-interview kay Marco, kung bakit tigas naman daw ang kade-deny nito na walang special relationship na namamagitan sa kanila ni Precious.

"Kasi di naman talaga, lumalabas lang naman talaga kami. Ngayon nga, hindi kami masyadong nagkikita kasi MWF ang work niya, ako naman every Tuesday, Thursday and Sunday.

Ayon kay Precious ay hindi pa rin daw siya ready for a serious commitment lalo't kagagaling niya pa lang sa isang matagalan at seryosohang relasyon.

"I've been sa sobrang matagal na relasyon din before, three months pa lang din akong walang boyfriend, so parang ang hirap namang magmadali na bigla kang papasok sa panibagong relasyon. Kami, we're just enjoying whatever we have."

Kamakailan ay binigyan ng parangal ng Philippine National Police sina Precious Lara at Tonton Guteirrez dahil nakatulong daw nang malaki ang roles nila sa May Bukas Pa para mapaganda ang imahe ng kapulisan sa publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN