Ms. Wilma Galvante gives the latest dish on current and upcoming GMA-7 soaps

Ms. Wilma Galvante (main photo), SVP for Entertainment TV, talks about the new upcoming shows of the Kapuso network. (Insets, from top) Carla Abellana, Robin Padilla and Marian Rivera.


Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7, pagkatapos ng contract signing ng La Diva, na gagawa ng album na co-produced ng SonyBMG at GMA Network. Maganda raw ang business relationship ng Kapuso network with SonyBMG kaya nang mag-offer ang recording company na i-co-produce ang album ng grupo nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia ay kanilang tinanggap.

Ang SonyBMG din ang nag-produce ng album ng Sugarpop at magpo-produce ng album ni Aljur Abrenica. Nakikita ni Ms. Wilma na marami pa silang projects together with SonyBMG.

Natanong si Ms. Wilma tungkol sa mga umeere at eere pa lang na mga programa at ilang bagay na may kinalaman sa Kapuso network.

ROSALINDA. Una munang kinuha ang reaksiyon ni Ms. Wilma tungkol sa medyo mababa kesa sa ini-expect nilang rating ng pilot episode ng Rosalinda, ang pinakabagong primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Nakakuha ng 26.3 percent ang Rosalinda sa pilot episode nito base sa Mega Manila rating ng AGB Nielsen Philippines.

Ani Ms. Wilma, "One and a half hour tumakbo ang Rosalinda, mahaba siya. Bitin naman kung 30 minutes lang. We were faithful to the [original] story kaya hindi namin maputol. Tatlong 30 minutes show ng ABS-CBN ang nakatapat niya."

Ipinarating ng PEP at ng iba pang kaharap na entertainment press kay Ms. Wilma na ayaw na ng viewers ng soap na nagsisimula ang istorya sa mga bata. Yun ang iniisip na isa sa mga rason kung bakit below 30 percent ang rating ng Rosalinda sa pilot episode nito.

"May kontrata kami sa mga producer that we have to follow. We can add or twist some characters, but we can't change the story. Gumaganda na rin naman ang ratings niya," paliwanag ni Ms. Wilma.

TOTOY BATO. Sumunod naming tanong kay Ms. Wilma ay tungkol sa action superstar na si Robin Padilla. Kukunin ba nila uli si Robin pagkatapos ng Totoy Bato?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This year, wala muna siyang soap dahil once a year lang naman siya gumawa. If he does soap, yun lang ang mundo niya at dun ako bilib sa kanya," sagot ng lady executive.

Kumusta ang conflict sa pagitan ni Robin at ng scriptwriter ng Totoy Bato na si Suzette Doctolero?

"Okey naman sila. Hindi ito ang first time na nagkatampuhan sila dahil nagkatampuhan na rin sila sa Joaquin Bordado. Si Robin pa na mabait sa tao at kaibigan ng lahat."

Ang comment ng viewers ng Totoy Bato, nawala ang element ng boxing at naging fantaserye ito.

"May effects naman talaga yun," sagot ni Ms. Wilma. "Anyway, tapos na yun, huwag na natin silang pag-awayin. As of now, hindi na muna gagawa ng action series ang GMA-7 dahil sa Darna na up to the end of the year ang airing."

DARNA. Ano ang target pilot episode rating nila for Darna?

"Wala kaming tina-target na rating. Nasa trade party ba kayo ng GMA? Nakita n'yo sana na pagpasok ni Marian [Rivera] may excitement na agad sa advertisers, iba siya kumilos. For me, she's the prettiest Darna, mukha siyang manika," wika ni Ms. Wilma.

KOREANOVELAS. Kinumusta rin ng PEP ang Stairway To Heaven ni Dingdong Dantes at Full House ni Richard Gutierrez. Kailan talaga ang airing ng mga Pinoy version ng Koreanovelas na mga ito?

"September ang Stairway, pero wala pang partner si Dingdong. Gusto nga raw ni Marian, pero may Darna na siya. Nag-uusap-usap pa rin kami," sabi ng GMA-7 lady executive.

Magpapa-search ba sila ng aktres na makakapareha ni Dingdong?

"Hindi pa namin alam. We're looking for an actress that will fit the role of Jodi. Very fragile at kailangang sympathetic ang face dahil nagkasakit siya."

Patuloy ni Ms. Wilma, "Pasok din this year ang Full House, baka November, pang-last quarter programming. Meron nang napiling partner for Richard, pero hindi pa natin sasabihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang banggitin ng kolumnista na si Mario Bautista na bagay kay Marian ang role ng leading lady sa Full House, ang Darna pa rin ang inirason ni Ms. Wilma kung bakit hindi puwede ang aktres.

Pero may gagawin daw sitcom si Marian with Manny Pacquiao.

"Oo, Show Me the Manny ang title," banggit ni Ms. Wilma. "This year din ito gagawin. Iba naman ang sitcom. Kaya ni Marian yun, once a week lang ang taping at enjoy lang."

ALL MY LIFE. Nabanggit din ni Ms. Wilma na itutuloy ng GMA- 7 ang pag-i-extend ng primetime. And at 6 p.m., may primetime soap na at ang All My Life nina Kris Bernal at Aljur ang simula.

"Maganda naman ang rating at maganda ang feedback ng viewers," sabi ni Ms. Wilma. "Kaya tuluy-tuloy na, at gusto ko ituloy siya. May market na ang early evening time slot. Natuwa nga ako dahil marami ang nag-i-email at nagre-request na after the news na siya ilagay dahil hindi nila maabutan. Magaling sina Kris at Aljur, magaling ang tandem ng dalawa."

Kaugnay nito, nabalitaan ng PEP na ang isusunod sa All My Life nina Kris at Aljur ay ang Now That I Have You nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Pero hindi namin ito nakumpirma dahil hindi nag-comment si Ms. Wilma.

Nabanggit din si Glaiza de Castro at sabi ni Ms. Wilma, hindi lang magaling umarte, mahusay ring kumanta ang young actress. Ibig sabihin, napapansin ang galing ng young actress at more projects sana ang kasunod nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN