Baron Geisler's temper rises in movie fight scene with Aljur Abrenica

According to some eyewitnesses, actor Baron Geisler (in photo) was drunk when he confronted I'll Be Waiting For You co-star Aljur Abrenica during their shooting in Bohol.


Gabi ng Sabado, July 11, sa Panglao, Bohol—kung saan nagsu-shooting ang launching movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na I'll Be Waiting For You sa direction ni Maryo J. de los Reyes—maayos pang nagpaalam ang invited press kina Aljur at Kris at ang mga co-stars nilang sina Valeen Montenegro, Lloyd Samartino, Anton Bernardo at Baron Geisler.

Naging mabait din ang press kay Baron at hindi na siya inusisa sa ibang kontrobersiya sa kanya, katulad ng reklamo sa kanya ni Yasmien Kurdi, para maayos ang promotion ng pelikula.

Linggo ng tanghali, July 12, nagkukuwento na ang mga tauhan sa production na nagkainitan daw sina Baron at Aljur dahil sa isang fight scene na pinakahuling kinunan noong gabing yun.

Ayon sa panibagong version ng kuwentong ito, intense daw ang scene at confrontation na ito nina Baron at Aljur para pagsabihan ni Baron si Aljur to "get away from my bride!" si Kris. Magkakainitan ang dalawa at matutuloy sa sapakan. Ngunit sa eksena lang ito ng pelikula.

Nawala raw si Aljur sa routine at hindi sinasadyang nasipa si Baron sa tagiliran kung kaya't right after the take, nag-apologize agad si Aljur. Hindi raw ito tinanggap ni Baron at umalis sa eksena. (Taliwas ito sa unang report ng isang eyewitness na si Baron ang sumipa kay Aljur).

Pinayuhan daw ng mga tauhan ng production na muling mag-apologize si Aljur kay Baron at ginawa naman ito ng bida. Imbes na tanggapin, pinangaralan pa raw ni Baron si Aljur na kesyo nawala ang respeto niya rito dahil sa nangyari. Inutusan pa raw ni Baron na turuan daw nila si Aljur.

Pinag-ayos sila ni Direk Maryo, na siyang tumatayong manager ni Baron. Ngunit bago ito, nagkukuwento ang ilang eyewitness na tila nakainom kasi si Baron nang ginawa ang eksena. Hindi naman daw nakakasakit ang sipang nagawa ni Aljur ngunit parang nawalan lang talaga ng balance si Baron na lalong ikinasakit nito. Pinagbabawal ni Direk Maryo na may uminom sa set niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN