Isabel Oli receives words of comfort from estranged friend Nadine Samonte for ailing father

Isabel Oli's chief reason for turning down work is to focus on her father, George Daytia, who has been diagnosed with a degenerative brain disease that affects muscle coordination and balance.


Bumalik na nga sa bansa si Isabel Oli pagkatapos nitong mamalagi ng ilang linggo sa Singapore para dalawin ang kanyang mga magulang, higit ang amang maysakit na si George Daytia.

Last year, inoperahan sa prostate ang daddy ni Isabel, pero kamakailan lang, na-diagnose naman siya ng cerebellar degeneration na ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, "is a disease process in which neurons in the cerebellum, the area of the brain that controls muscle coordination and balance, deteriorate and die."

At upang matutukan ang kanyang pag-aalaga sa kanyang 72-year-old father, tinanggihan ni Isabel ang isang magandang role sa tele-fantasyang Darna. At the same time, malaki naman daw ang pasasalamat ni Isabel sa GMA-7 dahil inunawa ng network ang naging desisyon niya.

Sa Startalk nga kahapon ay live na na-interview ni Joey de Leon si Isabel at kinumusta ang kalagayan ng kanyang ama.

"Now he's okay, nasa bahay na po siya," sabi ni Isabel.

Gaano na nga ba katagal ang sakit ng daddy niya at ano ang mga manifestation ng sakit nito?

"Magtu-two years na rin siya, yung cerebellar degeneration unti-unti dine-degenerate niya yung sa brain, then, nagpa-follow na yung... sa dad ko kasi, yung sa case niya, sa legs niya, hindi na siya masyadong nakakalakad. Now naman, sa speech niya, hindi na siya masyadong nakakasalita."

Bakit hindi ninyo noong una pa lang pinagamot na dito sa Pilipinas para mas malapit pa sa inyo, bakit doon pa sa Singapore ?

"Actually, ang family ko, doon na talaga naka-based sa Singapore. Konti na lang kaming naiwan dito sa Manila. Mas marami kasi run yung family ko kaya sa Singapore na lang."

TURNED DOWN ROLE IN DARNA. At dahil nga raw sa pangyayaring yun, hindi naman siya natuloy sa Darna, hindi ba siya nanghihinayang?

"Sobrang nanghihinayang po talaga 'ko kasi, sa panahon ngayon, kailangan talaga ng trabaho. Kaso, yun nga, nangyari 'to. So, doon muna 'ko. Noon kasing nag-turn down ako, hindi pa siya okay. And now that okay na, parang okay na rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya parang gusto ko rin magpasalamat kay Ma'am Wilma Galvante, Ma'am Lilybeth Rasonable, Ma'am Ida Henares kasi nga, sila rin yung mga una kong sinabihan na ite-turn down ko na at naintindihan naman nila. Sabi naman ni Ma'am Wilma, hindi naman daw po nila 'ko papabayaan kaya thankful naman po ako.

Is her daddy staying here for good? "Sa ngayon po, nasa Cebu, may aayusin lang po, then, balik din po sila ng Singapore agad. Singapore na po talaga, kasi nandoon na rin po ang doctor niya."

Now na wala siyang ginagawa, kailan naman niya planong bumalik sa trabaho? "Actually, now that okay na siya kaya nandito na 'ko ulit. May mga prior commitments po ako sa mga endorsements ko, mga guesting and I'm just waiting kung ano ang ibibigay nilang project for me."

MESSAGE TO FANS. "Sa mga fans ko, salamat sa suporta. Nasa website rin po kasi, may site sila dun. Nagpi-pray raw sila for my dad."

What about with your dad, nanonood ba sila? "Yes, sa Internet... Actually, ang mommy ko rin, nanonood, yun... we're always here for you. You just pray and we believe nothing is impossible with God kaya dasal lang tayo nang dasal."

On the other hand, may kumakalat ding intriga na kaya raw siya umurong sa Darna ay dahil may dalawang tao sa cast na nais niyang iwasan.

Ipinakita nga ang VTR interview ni Nadine sa Startalk kahapon kunsaan nagpahayag ito na sa tingin daw niya, magkakaayos lang silang dalawa ni Isabel kung silang dalawa ang mag-uusap at hindi dahil sa udyok ng ibang tao, na magiging pilit lamang ang dating.

KIND WORDS FROM NADINE. Nagpahatid naman si Nadine ng mensahe kay Isabel kahit hindi pa sila tuluyang nagkakaayos, na magpakatatag lang ito sa anumang pinagdadaanan niya tungkol sa kanyang ama.

Sabi naman ni Isabel, "Thanks Nads, sa message mo sa daddy ko. Ah, yun, siguro in time magiging maayos din ang lahat. Siguro lang kasi, ang daming taong naka-surround, mga wrong infos naman ang dumarating. Sa akin naman, sa amin naman, we'll wait for her hanggang ano..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pansin naman ni Joey, bakit daw parang biglang nahihirapan si Isabel na sumagot at nagkakagulo-gulo?

Natawa si Isabel, "Marami lang kasing pumapasok sa isip ko. For me lang kasi, friendship is inaalagaan ng communication yun. Kung kailangan pa niya ng space, nirerespeto po namin yun."

So, ang pag-iwas with Nadine and Paolo Contis na ex-boyfriend niya ay hindi totoo?

"Ay hindi, hindi... tinanggap ko po ang Darna, alam ko na po na makakasama ko si Nads at kinailangan ko lang pong tanggihan. Yun nga, yun nga po yung mga reason ko."

Yun ba ang totoo? "Yes po, Tito Joey," natatawang sabi naman ni Isabel.

RELATIONSHIP WITH EX. Kumusta naman ang relationship niya with her ex-boyfriend, Paolo, ngayong mga panahong ito? Sila ba ay nagkakausap?

"Alam n'yo nakakatawa, hindi pa talaga kami nagkausap since naghiwalay kami, never pa kaming nagkita. So, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. But definitely, I'll say 'hi' to him."

How about his family? "Yung sister-in-law niya, nagkita kami sa Bora. Hanggang doon lang. Lumabas kami, kasama ang pamangkin ni Pao. Kuwentuhan but not about Pao."

What about her lovelife? "Hayun, zero pa rin," nakangiti niyang sabi.

Pambihira ka, sabi ni Joey kay Isabel...

"Oo nga, pambihira nga ako," natatawa naman niyang sabi.

Ano ba ang qualities ng lalaking hinahanap niya? "Ngayon, God-fearing. Kasi for me, kapag God-fearing ang guy, everything follows. Hindi siya magloloko. Hindi siya magla-lie."

Bakit ngayon, naiba naman ang qualities? "Hindi... hindi... noon pa naman. Kahit naman si Pao, God-fearing din naman po siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN