Dingdong Dantes has no problem with Marian Rivera's sexy Darna costume

"Siguro kung may dapat tanungin kung sino ang kumportable o hindi sa costume ay si Marian. Pero okey naman kay Marian ang costume at gustung-gusto niya talagang maging Darna. Kaya okey na sa akin 'yon. As long as Marian is happy with it, I am happy with it," says Dingdong Dantes about the Darna costume of rumored girlfriend Marian Rivera.


Inamin ni Dingdong Dantes na hindi pa niya nakikita nang personal ang sexy costume ni Marian Rivera sa telefantasya na Darna. Sa TV pa lang at litrato lang daw niya ito nakikita.

Seksing-sexy ang Darna costume ni Marian at gustong malaman ng marami kung ano ang comment ni Dingdong dito. Sabi naman ng aktor, okay sa kanya ang Darna costume.

"Sexy talaga yung costume. Noong makita ko nga sa TV habang ini-interview si Marian at suot niya, okay siya. Bagay na bagay talaga kay Marian. It really fits her at Darnang-Darna ang dating niya," nakangiting sabi ni Dingdong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Inaakala ng marami na baka umiral ang pagiging conservative ni Dingdong at baka hindi siya kumportable sa isusuot ni Marian, lalo na't sa isang primetime show pa ito maipapalabas sa GMA-7.

"Wala namang gano'n," paglilinaw ni Dingdong. "Siguro kung may dapat tanungin kung sino ang kumportable o hindi sa costume ay si Marian. Pero okey naman kay Marian ang costume at gustung-gusto niya talagang maging Darna. Kaya okey na sa akin 'yon. As long as Marian is happy with it, I am happy with it.

"Sinasabi ko lang na mag-robe siya agad para hindi siya matuyuan ng pawis o malamigan. Alam ko na mahirap ang mga ginagawa niya as Darna, kaya I want her to be safe at huwag magkasakit. Biniro ko nga si Marian na si Darna ay hindi nagkakasakit. Kaya hindi siya dapat magpabaya, or else, nakakahiya naman kung biglang inuubo o sinisipon si Darna!" tawa ni Dong.

Todo-suporta si Dingdong sa lahat ng ginagawa ni Marian. Lalo na ngayon at isang malaking proyekto ang Darna, tulad ng pinagsamahan nila noon na Marimar at Dyesebel.

"Gano'n naman kami ni Marian sa isa't isa. We support each other. Hindi mawawala 'yon. Kung ano ang kailangang suporta mula sa akin, hindi na siya magdadalawang-salita at maibibigay ko 'yon sa kanya. Hinding-hindi ko siya bibiguin sa parte na 'yan," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN'S SITCOM WITH MANNY. Alam din ni Dingdong na may gagawing sitcom si Marian sa GMA-7, kung saan leading lady siya ng Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquaio. Ang title nito ay Show Me The Manny.

"Naibalita nga sa akin 'yan at siyempre, happy ako for Marian. Kasi nga, gusto rin niyang makatrabaho si Pacman. Kahit naman ako, gusto kong makasama si Pacman kahit sa isang project. Naunahan lang ako ni Marian.

"Kahit sino naman ay matutuwa kapag kapag si Manny Pacquiao na ang makakasama mo. Idolo ng bayan 'yan and he only deserves the best, and Marian is the best leading lady for him," sabi ni Dingdong.

Kasalukuyang tinatapos ni Dingdong ang pelikulang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, kung saan leading man siya ni Eugene Domingo. Mula ito sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal and produced by Piolo Pascual under his own film outfit, Spring Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN