Angelika dela Cruz is fast regaining whistle-bait figure just three months after giving birth

"Mga ten pounds na ang nawala sa akin since I gave birth to Gabby. Kaya tiyaga lang ang pagpapapayat na ito. Effort talaga at kinakarir! Gusto ko pang maka-lose ng five or seven pounds pa. Sinasabayan ko na ng exercise para mas maganda lumabas ang pagpapapayat ko," says Angelika dela Cruz.


Three months ago ay ipinanganak ni Angelika dela Cruz ang first baby nila ng kanyang mister na si Orion Casareo, si Gabriel. Pero ang bilis bumalik ng dating figure ng aktres at para ngang hindi siya nanganak.

Dumalo si Angelika sa first birthday party ng bunsong anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na si Gianna Aquisha noong Sabado, July 11, sa Grand Terrace sa may Commonwealth, Quezon City. Naka-shorts at tight green blouse si Angelika, kasama ang kanyang baby. Marami ang nagulat na sexy na ulit ang kapapanganak lang na actress-singer.

Breastfeeding sa kanyang baby na si Gabriel ang nabanggit na sikreto ni Angelika kaya mabilis siyang pumayat at bumalik sa dati niyang figure at timbang.

"Ang lakas ko kasing kumain noong buntis ako, di ba? Hindi ako nagpapaawat. Kasi nga ang rason ko naman, buntis ako kaya I will eat what I want. Pero kahit na kumakain ako ng marami, may mga exercises naman akong ginagawa, like walking. Naglalakad ako parati para hindi ako manasin. Sabi nga ng mister ko, kung hindi raw ako kumakain, gumagala naman ako. Alam naman kasi niya na ayokong nakatengga lang sa bahay namin. Gusto ko ay namamasyal ako parati.

"I promised naman to myself na after I give birth to our baby, magpapahinga ako for a month tapos magpapa-sexy na ulit ako. I got great tips from my friends na nanganak na rin at sa mismong mommy ko. Totoo pala na mabilis magpa-lose ng weight ang breastfeeding. Akala ko kuwento-kuwento lang, pero totoo pala.

"Mga ten pounds na ang nawala sa akin since I gave birth to Gabby. Kaya tiyaga lang ang pagpapapayat na ito. Effort talaga at kinakarir! Gusto ko pang maka-lose ng five or seven pounds pa. Sinasabayan ko na ng exercise para mas maganda lumabas ang pagpapapayat ko," mahabang lahad ni Angelika sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMY ANGELIKA. Marami ang hindi makapaniwala na nanay na si Angelika. Dahil sa katawan na meron siya ngayon, maraming ina ang mai-inspire sa kanya na may pag-asa pang pumayat pagkatapos manganak.

"Oo naman!" sambit niya. "If there's a will, there's always a way, di ba? Kailangan kasi serious ka parati sa mga gusto mong gawin. Tulad ko nga, I said to myself na papayat ako. Heto, pumayat nga ako.

"Pero hindi naman nawawala ang pagiging mother ko. I am still hands-on sa aking baby. Sinasabay ko ang exercise habang nasa tabi ko si Gabby. Puyatan din kasi kapag may baby. Minsan nakakalimutan mo na ring kumain. Gusto mo na lang matulog kasi puyat ka, e. Kaya hindi madalas ang intake ng food ko. Madali akong napapayat no'n."

Kumusta naman siya as a mother?

"Hay, ang sarap!" bulalas ni Angelika. "Sa totoo lang, akala ko mahirap. Pero mahirap na masarap pala. Kahit na napupuyat ka at masakit na ang dibdib mo sa pagpapa-breastfeed, mawawala lahat ng sakit ng katawan mo kapag nakita mo na ang mukha ng baby mo at tinitingnan ka rin.

"Yung bonding naming mag-ina ang gustung-gusto ko. Kahit na hindi pa niya ako naiintindihan, kinakausap ko siya. Pinapatawa ko siya talaga. At naiintindihan niya ako. Ang maganda naman sa baby namin ni Orion, kapag natulog siya, tulog talaga. As in dedma siya kahit maingay. Basta matutulog lang siya. Kung ibang bata 'yan, magigising na sa ingay. Si Gabby, ang sarap ng tulog niya parati. Magigising na lang siya kapag gutom siya or napawiwi na siya. Doon siya iiyak nang iiyak. Pero kapag nakarga mo na siya, titigil na siya sa kakaiyak. "

Handa na rin si Angelika sa kanyang pagbabalik sa telebisyon. May magandang role na raw na naitoka sa kanya ang GMA-7, pero saka na lang daw niya ito pag-uusapan kapag okey na lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May sure na trabaho na ako. Waiting na lang kami ng go-signal kung kailan magsisimula. Buti naman at nabigyan ako ng time to slim down at maging ready. Pero kahit na maging busy ulit ako, hindi ko pababayaan ang pagiging mother ko," pagtatapos ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN